CHAPTER 4

5.5K 137 3
                                    


Nakatunganga ako habang naglalakad palabas ng Norwegian palace, wala na yung mga nag-rarally.

Hindi ko masagot kong ano ba ang dapat. Biruin mo inalok ako na maging woman niya? ano bang ibig sabihin ng mga norwegian ng woman? parang puto bumbong na pweding makuha anomang oras?

"Momshie paano pag-inalok ka ng isang lalaki na maging woman niya? anong ibig sabihin nun?"
nasa starbucks ako now, nililibre ako ni momshie dahil may paguusapan kaming raket.

"Really? nako madaming meaning yan! una pwedi ka bang maging kabit!? kaya big no! no!"

Napaisip ako? kabit? para sa half million? aba ang mura naman hahaha charot lang!!, pero di nga!? may asawa na sya? siguro gwapo eh! lahat ng gwapo taken!!

"Pangalawa naman ay gusto ka niyang maging girlfriend, aba! kung yan ang meaning nya nun abay go go go!!"

Wow! ang bilis naman! sana manligaw muna siya eh no!

"Yung panglast naman ay too risky at a big NO NO talaga.."
sabi ni Momshie habang sumisipsip ng frappe.

"Ano yun momshie?"
sininyasan nya ako na lumapit sa kanya, binulong niya sa akin....

"gusto ka niyang maging bed warmer"

"ANO!?"
Nagsitinginan ang mga customer sa coffee shop.

"Wag ka sumigaw bebe gurl! baka akala nila inaano kita!"

Bakit ganun? di ko alam kong anong meaning nya nun pero hello di naman ako papayag na yung pang huli noh!? dalagang pilipina kaya ako!

***
NASA SCHOOL  ako ngayon busy ako sa last na research na ginagawa namin dahil graduating na ako! sa wakas! sa hinaba haba ng panahon makakatapos din ako!! Irregular student ako, pasalamat ako dahil Research 2 na lang ang kulang, Tapos ko na ang ojt yun nga lang di pweding grumadwayte dahil di ko pa natatake yung research 2.

"Hindi ko alam pero yun ang narinig ko sa balita"

"Wow! talaga? sana maging professor ko siya!"

"Gwapo kasi nya eh! nakakakilig pa habang tinitignan ko siya kanina sa Deans office! wow so much pogi talaga!"

Masama kong tinignan ang tatlog babaeng nasa kaliwa ko, puros sila daldalan ng mga gwapo! ay juice ko!  Sinaway ko sila in a nice way pero inirapan lang ako? ayos mukha tong mga to ah!

"Will you please lessen you voice?"
tumahimik naman sila at padabog pang umalis!

Nawala ang momentum ko sa pag-aaral kaya yun umalis na lang ako sa library at pupunta ng canteen.
Balak ko dito mag-aral dahil mas magulo pa ang library!

"Hi may nakaupo dito?"
tanong sa akin ng babae, may dala siyang pagkain kakain, I nod politely

"No, Upo ka lang"
I smile, maya maya pa ay may kasama na siyang maingay kung ano na ang dinadaldal!

"Ang gwapo ng bagong prof ng College of Arts!"

Buong kwentuhan ata nila kabisado ko na! naku naman! wala na ba talagang lugar dito na pweding pagtambayan? yung di maingay at nakakaconsentrate ka?

Balak ko sana na lalabas na ng school pero ng ring agad ang phone ko? unregistered number!

"Hello? sino to?"

"Miss me?"
isang baritunong boses ang narinig ko,baka naman niloloko naman ako!

"Sino ka ba?"

"Oh really? you don't remember me?"

"Umayos ka ng sagot! ibababa ko na to---"

"This is Rikki, Meet  me at the Ages coffee shop or else I sue  you and see you on court!!"
Binaba naman agad ang tawag! ay naku! hindi pwedi? anong my woman ba ang gusto nya? pero di ko naman kayang magbayad ng half a million! shutangbels naman!

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now