CHAPTER 28

3.1K 108 1
                                    


KABUWANAN ko na, so happy and so excited!! after how many months makikita ko din ang baby boy ko, yep! its a boy. Masaya na ako dahil nandito sa bahay namin si Aries, minsan dito na siya tumutuloy pagkagaling niyang work.

Nandito ngayon sila momshie at Aries parehas na nonood ng palabas dito na daw muna sila titira para daw mabantayan ako kasi kami lang dalawa ni Dudong dahil panggabi si Buknoy.

"Lutuan mo naman kami ng pancit kanton bebe gurl? please"
utos sa akin ni momshie sa akin.

"Sige po, wait mo na lang momshie"

pumunta na ako ng kusina at hinanda ang gagamitin sa pagluluto. Hinimas ko ang likod ko dahil para siyang sumasakit ganun din ang tiyan ko, pahinto hinto kasi....

Nilagyan ko nang tubig ang teflon, pero nabitawan ko iyon dahil may matubig na bagay na dumaloy sa binti ko, natapon ko ang tubig?

Sinilip ko dahil feeling ko talaga nakaihi ako! pagsilip ko wala, wala akong nakita hinarangan kasi ito ng malaki kong tiyan, humawak ako sa bawat dingding dahil natatakot akong madulas baka mapano pa ako. Unti unti ay nakakaramdam na ako ng sakit...

"M-momshie? Aries? dong!?"
kinakalma ko lang ang sarili ko baka kasi mataranta sila, kahit masakit ay tinary kong wag magpanic ...changgala!!

Wala parin sumasagot sa tawag ko. Nagstrike na naman ang sakit!!

"MOMSHIE!! ARIES DUDONG!! MANGANGANAK NA AKO!!!"

Narinig ko naman ang mga mabibilis nilang yapag sa paa, Nang nasa harapan ko na sila lahat, lahat  sila tarantang taranta. Gusto ko matawa pero parang di naman ito ang tamang panahon.

"Anong unang gagawin!?!? ano na!?ano na!?"
paikot ikot na sabi ni Aries.

"Yung noodles muna!?!?"
si Dudong naman pinatay yung gasol at hawak hawak ang noodles. Si momshie naman nakatulala na tinitignan ang paahan ko.

"Ano ba yan! ako dapat ang inuuna nyo! ako ang manganganak!!"

"OO nga tara hanap na tayong sasakyan!!"
at iniwan nila akong lahat! ang saya!

"GAGO KAYONG LAHAT!"

paunti unti akong naglakad dahil lahat sila nataranta, hindi man lang napakalma ang sarili nila.

Bumalik si Aries at binuhat ako at pinasok ako sa sasakyan niya.  At gumurabells na kami..

PAGDATING NAMIN SA OSPITAL 
ay sinalubong ako  ng mg nurse at sinakay nila ako sa wheel chair. Masakit!! changgala naman! Ganto pala manganak!!

Pinasok na nila ako ER at doon na nga ang nangyare ang bagay na mararanasan ko, ang sakit pala? teka magmumura lang ako, Punyeta! masakit talaga!

"Mrs ? Gusto mo ba papasukin natin si Mr?"

tumulo ang luha sa aking kaliwang mata, halong sakit at lungkot, today isisilang ko ang aking anak na walang amang kakagisnan.

"Wag na po, kaya ko to"
determinado kong sagot, wala dito si Rikki ang hinala ko napagkamalan nilang asawa ko si Aries.

"Sige"

Sinukat na nila, 2cm..

Sumakit na kaya ng sinabi nila na nila na magpush, tumapang ako sa isipin na mas mahalaga na mailabas ko ang anak ko, kahit buhay ko pa ang kapalit ay gagawin ko ang lahat. Pero pinagdarasal ko na sana mabuhay ako para mas maaalagaan ko ang anak ko. Gusto ko siyang bigyan ng buhay na maganda...

"Isa pa Misis! kaunti na lang"
malakas akong umire dahil doon nakita ang isang batang nakapatiwarik, puno ng dugo ang kanyang maliit na katawan, pinalo ng tatlong beses ng doktor ang pwet ng anak ko at umiyak ito ng pagkalakas lakas, isang iyak na parang musika sa aking pandinig.

Nausal ko ang isang pasasalamat sa Dios dahil binigyan niya ako ng anghel, isang inosenteng anghel. Pinaire pa nila ako ng isang beses para mailabas ang placenta ata? ewan.

Nilinisan nila at binalot sa isang maputing tela at binigay nila sa akin, nanlalabo ang mata ko dahil sa luha... Ang anak ko..

Nakapikit ang mata niya at naeemphasized ang mahahaba niyang pilik mata, matangos ang ilong niya sobrang gwapo ng anak ko..

Pinindot ko ang maliit niyang ilong, kumibot ang labi nito, ang cute naman ng baby ko

"Arkie..."
matagal ko ng pinagisipin ang pangalan niya, Arkie dahil gusto ko balang araw ay maging isang magaling siyang architech..

Ako ang daddy mo Arkie, ako din ang mommy mo, habang nandito ako sa piling mo gagawin ko lahat para sumaya ka, ibibigay ko sayo ang pagmamahal na kaya kong ibigay.

Sana wag kang magtampo sa dada mo ha, nagipit lang kami sa sitwasyon, malungkot man sabihin anak pero hindi kami para sa isa't isa  pero kong di dahil naman sa kanya ay wala ka sa akin.

Kahit pagod na pagod na ang katawan ko ay pilit kong pinapasigla dahil hawak ko ang anak ko, nanay na ako! nanay na.

Lumapit ang nurse sa akin at kinuha ang baby, ilalagay na lang muna nila sa nursery habang inaasekaso ang papel ng anak ko.

Sakto namang pumasok sila momshie, aries at ang kapatid ko.

"Kamusta ate?"
ngumite ako at hinawakan ko ang kamay ni Dudong at napaiyak ako sa tuwa.

"Nanay na ako Dudong"
Niyakap niya ako at nagdadrama na din siya.

"Pero ate pa din kita! at may baby na din ako"
nilingon ko naman si Aries na tahimik lang sa isang tabi, para siyang nagiisip ng malalim.

"Aries?"
lumapit siya sa akin at tinignan ako, hinawakan ko ang kamay niya, gusto kong magpasalamat sa lahat lahat.

"Maraming salamat sa lahat"
seryoso niya akong tinignan, hindi ko siya mabasa ngayon ..

"May isa akong hiling Adriana"
seryoso niyang sabi sa akin habang diretso siyang nakatingin sa aking mata. Kahit kinakabahan ako ay mas pinili ko pa ding tumango at pakinggan siya.

"Gusto ko ako ang kikilalaning ama ng anak mo"
bumuhos ang masaganang luha sa mata ko. Matapos ang lahat sa amin ni  Rikki ay di na ako nageexpect ng lalaking tatanggap sa akin...alam ko ang kalagayan ko, at sa lagay ko na to mahirap makahanap ng taong tatanggapin ka at mamahalin ang anak mo. Pero kahit gustuhin ko man hindi pwedi... ayaw kong ipaasa kay Aries ang hindi kanya.

Umiling ako at humingi ng paumanhin.
"Patawarin mo ako, pero hindi ako pumapayag"
nawalan ng buhay ang mukha niya at tinalikuran niya ako at umalis.

***

J.M

Salamat sa pagbabasa mga repa

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now