CHAPTER 19

3K 98 0
                                    


PINATAHIMIK ko muna si Dudong baka kasi di naman talaga ako buntis, baka napapraning lang ako.

"Ma'am? ano pong inyo?"
nagulat naman ako sa babae dito sa drug store. Siguro kong titignan nyo ako ay baka mapagkamalan nyo akong baliw, nakacap at nakasuot ng mahabang coat..

Mahirap na baka pinapasundan pala ako ni Rikki..ayaw ko munang sabihin to sa kanya, at isa pa ayaw kong matsismis.

Nagtitingin naman ako sa paligid bago ako nagsalita.

"Limang pregnancy kit"
Kumuha naman siya at inabot niya sa akin..

"Keep the change.."
nilapag ko ang pera at dali dali akong umalis sa pharmacy..

PAGKAUWE  ko sa bahay ay tinary ko ang pregnancy kit, sabi dito pagweeks pa lang ang pregancy may lalabas na red line pero di gaanong red basta two lines lahat...
I'm expecting na one line parin, di pa ako ready maging nanay, anong ipapakain ko sa anak ko? ni wala pa akong stable na trabaho.

Sinunod ko ang procedure.. nang tignan ko ang kit ay one line!

"Yesss! yess!!"
ang kaso unti unting nagkakaroon ng pangalawang guhit...

"Hindi!! hindi!!"
at lumitaw ang two lines na siyang pinakaayaw kong makita! Hindi!

Lumabas ako ng Cr ay umiyak sa tabi ng mesa, ito na nga ba ang kinakatakot ko, bakit di ko naisipan na gumamit ng pills? anong ibubuhay ko sa magiging anak ko, wala pa akong maayos na trabaho, wala pa kaming klarong relasyon ng tatay nito.

Tinawagan ko si Momshie na pumunta sa bahay, sabi niya darating siya at hintayin ko lang siya..kailangan ko ng kausap ngayon..lalo nat di ko alam kong papaano sasabhin kay Rikki ang lahat.

"Anong nangyare?"
tanong sa akin ni momshie, alam ko isa siya sa maapektuhan sa problema ko dahil ka tandem ko siya sa mga raket at yun din ang isa sa ikinabubuhay niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at binulong ko ang problema

"Buntis ako Momshie.."
Kumalas siya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"I hope you don't think the worst option"
habang umiiyak ako ay tumatango ako, I understand what he said at nakakaguilty dahil pumasok sa isip ko ang ipalaglag ang bata at yung ang worst option na sinasabi ni Momshie.

"No! Ano ka ba naman!"
hinampas niya ang braso ko ng pagkalakas lakas at umiiyak na din siya.

"Kahit sino pa man ang ama niya oh kahit ikaw na lang ang magpalaki sa bata tutulungan kita, blessing yan Adriana Percephony Cedan! blessing! alam ko nagkamali ka but that is not the best option, the best and moral option ay palakihin mo siya at alagaan"

"Momshie, bata pa ako.. wala akong income--"

"Tutulungan kita! maghahanap tayo ng raket! diba graduating ka na? kaya natin yan! isa pa di pa naman malaki tiyan mo pwedi pa yan sa pageant"

"Pano ang mga kapatid ko?"
galit na sinabunutan ni momshie ang buhok ko

"Anong gusto mong gawin!? ipalaglag yan dahil wala kang pera? may sulosyon ang lahat ng bagay, diba bumukaka ka agad! hindi mo ginamit ang utak mo? ngayon harapin mo ang consequence! wag mong idadamay ang bata dahil ikaw ang maygawa kong bakit nandito na siya!"

"Pero hindi niya alam"

"Huh? anong di niya alam?"

"Si Rikki, na buntis ako"

"ANO? SIYA ANG AMA?"
nagpalahaw na lang ako sa iyak, si momshie kasi nakakatakot ang reaksyon!!

***

PAGKATAPOS  na kausapin ako ni Momshie tungkol sa issue ko ay natahimik lang siya at tinitignan ako. Tumigil na rin ako sa pag-iyak, wala naman akong mapapala kong iiyak lang ako.

"Bakit sa lahat ng lalaki Adriana kay Rikki pa, Hindi siya basta bastang tao... maaaring mapahamak ka pa dahil sa ugnayan mo sa kanya, madami gagamit sayo laban sa kanya pero ang ending ikaw ang masasaktan"

"Pinigilan ko naman momshie eh"

"OH anong nangyare? napigilan mo ba? diba hindi? bakit ka pumayag na maging paraosan niya! wala ka na bang isip?"
sinisigawan na niya ako, akala ko ba ok lang sa kanya si Rikki?

"Hindi niya ako paraosan momshie! hindi, bakit ang sakit naman ho ninyong magsalita"

hinampas niya ang mesa at galit na galit akong tinignan, naiintindihan ko naman siya kong bakit ganyan siya ka oa sa akin dahil siya ang tumayo kong mother slash father.

"Hindi mo ba alam? sa balita? Ikakasal na si Rikki bebegurl.. Bakit hindi mo alam? bakit?"
para akong nabuhusan ng malamig na tubig at tumigil lahat ng sistema ng aking katawan.

"Ikakasal na siya?"

"Oo sa fiance niya si Veronika Sancouver anak ng isang asian business tycoon"
Veronika? alam ko fiance niya yun, alam ko na darating ang araw na magpapakasal sila pero bakit nasasaktan ako? Kinapa ko ang nararamdaman ko...May bahagi sa akin na nasasaktan, bakit?  possible kaya? hindi!  napakatalunan ko talaga!!

"Anong gagawin ko? sasabihin ko ba ito sa kanya?"

"May karapatan siyang malaman dahil anak niya yan, pero sa sitwasyon ngayon sapalagay mo maypag-asa kaya na piliin ka niya?"
gulong gulo ang isip ko... Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero bad timing, kung sasabihin ko sa kanya ngayon masisira ang pangalan niya at sasama din ang tingin ng tao sa akin.. lalo na't ikakasal na siya sa isang babaeng mas bagay sa katayuan niya sa buhay.

"Gusto kong bigyan ng pagkakataon si Rikki na malaman niya ito"

"Oo tama ka, pero binibigyan mo din ng pagkakataon ang sarili mo na masaktan ka niya"

"Mahal ko na ata siya momshie, but why too late to realized?"
ngiting pait kong sabi..

"Ganun talaga, ang pag-ibig ay unpredictable yung utak natin nagsasabi 'hindi mo siya mahal', pilit na tinatakpan ng utak mo ang totoong gustong sabihin ng puso, pero darating ang araw ang utak ay magsasawa na, sobrang lakas ng damdamin, kahit ang kadena di kayang rendahan ang nararamdaman at doon muna marerealized na 'I've been loving this man for a quite long time, why I did'nt recognized?' "

natameme ako na napaisip, momshie has a right point.. why my damn brain? ako talaga ang may problema, ako

***

Salamat

Shape Of You (#PHTimes2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon