CHAPTER 17

3.3K 101 2
                                    


AFTER niya akong hinatid sa bahay ay nagtext siya sa akin na wag daw muna akong pumunta sa condo niya just for two days, edi wag! mabuti ngayon para wala na akong problema.

"Ate? nakikinig ka ba sa akin?"

"Huh?ano bang sinabi mo?"
tinignan ko si Buknoy.
"Hindi ka nga nakikinig, ang sabi ko po hihinto na ako sa pag-aaral at magtatrabaho ako ng callcenter"
tumaas bigla ang kilay ko sa narinig ko kay Buknoy

"Callcenter? seryoso ka dyan? saka ka titigil eh malapit na ako matapos ng college! timang ka ba!? malapit na ako magkaroon ng stable job saka yan pumasok sa isip mo?"

kaya nga ako rumaraket ng pageant pageant dahil para sa aming education tapos ngayon nagbabalak tumigil? ako ang klase ng tao na malaki ang pagpapahalaga sa edukasyon, pagprofessional ka professional ka talaga.. hindi naman yun pweding nakawin sayo eh..

"Ate naman, gusto ko lang matry hehehe"
kinutongan ko si Buknoy na ngisi ng ngisi

"Wag ako Buknoy! wag ako"
nagpeace sign lang siya sa akin..

NAKATUNGANGA  lang ako sa bahay dahil ako lang naman mag-isa, pumasok na si Dudong at Buknoy sa school, wala akong pasok dahil hindi naman ako regular student, isa akong irregular graduating student, may binabalikan lang akong subject dahil hindi ko kayang ipasok sa load ko dati dahil sa mga raket ko..

"Boring naman!"
wala din akong pasok sa shop dahil sabi ni tatay Galong pahinga daw muna ako, hello almost two weeks na akong nagpapahinga! si tatay talaga!

Kinakalikot ko na lang ang cellphone ko na luma, wala naman tong laro! sana nandito si Rikki--- este wala! don't!! Bakit ko ba naiisip yun? ako ba naisip niya? baka nga nagpapakasasa na yun sa piling ng mga babae niya, babaero yun hayup na yun! buti na lang gwapo at may binatbat sa buhay kong di! ay nako makakatikim siya ng pintas mula sa akin, laitera pa naman ako!...

Siguro kasama niya si Assi Pushmenton? yung makating aktres na yun na madaming scandal na kinasangkutan, o kaya'y baka kasama niya yung fiance niyang tisay! arrrrghh! kung ano anu tuloy pumapasok sa isip ko! ahhh! dapat may gawin ako! tama kakain na lang ako!

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkain, wala? wala? wala talaga?

"Kainis! walang pagkain?"
gusto ko pa namang kumain ng fries na may coke float! tas maraming icecream yun float. Naglaway naman bigla ang bibig ko as in literal na tumulo, grabe naman yung craving ko!

Ilang minutes din akong nag-isip bago ko napagpasyahan na lalabas ako mag-isa at kakain sa mcdo ng fries at float. I just wear a simple dress, no need to wear make up.. maganda na ako inborn na! yabang talaga!

"Goodmorning ma'am"
bati sa akin ng guard

"Hallo din kuya"
pumila na ako sa counter, susko! bakit ang haba? wala bang mas hahaba pa dito? nakita ko ang inorder ng ibang customer, bakit parang bigla akong nasusuka habang tinitignan ko ang manok at ang spaghette, para kasing kadiri!

"Ang baho?"
nakataas kasi ang kamay nitong nasa unahan ko, ano ba yan! amoy putok! kinalabit ko si Kuya

"Kuya nag rexona ka?"
humarap naman sa akin si Kuyang nakataas kamay, ay! gwapo pala! keber! pero hindi eh, kanya talaga galing yung amoy!

"Bakit Miss?"
inamoy naman niya ang sarili niya, at kumunot noo niya.

"Amoy kanal kasi, teka ikaw ba yun?"
inamoy ko ang kilikili niya, hmmm ang bango! teka isa pa nga baka nagkakamali ako alam ko ito talaga yun eh!

"Satisfied?"
masungit niya tanong, bigla naman akong napatigil sa pag-amoy, shucks! nakakahiya naman!

"Ay sorry, kala ko ikaw yun"
nagsitinginan din pala sa amin ang mga customer, tumaas ang kilay ko at I cross my arms

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now