25th Fall

7.3K 112 2
                                    

25th Fall
Blood



After one hour and twenty five minutes ay nakarating na ang eroplanong sinasakyan ko sa Mactan-Cebu International Airport. Pagkalabas ko dito ay madilim pa rin ang kalangitan. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Its already four in the morning. Medyo natagalan akong magpabook ng flight at syempre sa paghihintay ng flight ko.

"Manong, sa Mandaue po."

Tumango ang taxi driver sa sinabi ko. Tinulungan niya akong ilagay ang maleta ko sa likod ng taxi. Halos fifteen minutes pa ang inabot bago makarating kami sa Mandaue.

Pagkarating namin duon ay ilang direksyon pa ang ibinigay ko kay Manong. Hindi katulad ng bahay namin sa Laguna ay medyo alam ko ang pasikot sikot dito. I grew up here. Tsaka nakakalabas ako nuon at nakakagala kasama si Ate.

"Salamat po." Sabi ko sa driver nung maiabot niya ang maleta ko sa akin.

Ibinigay ko na ang bayad sa kanya. Ngumiti ito sa akin bago magpaalam. Hinarap ko naman ang isang bungalow type na bahay. Malaki na ang pinagbago nito. Mas naging modern yung style.

Lumapit ako sa doorbell at pinindot ito. Ilang beses ko rin itong pinindot kasi wala pang nalabas. Siguro tulog pa sila. Mayamaya ay bumukas na ang maliit na gate at iniluwa nito ang isang babae.

"Ano ba! Ang aga aga niyo mangtrip ng doorbell namin." Asik niya.

Hindi ko naman napigilan na tumawa. Medy gulo gulo pa ang buhok niya at papikit pikit pa ang mga mata.

"Celine, it's me." Sabi ko.

Mukhang nagising naman siya nung nagsalita ako. Ilang beses niyang kinusot ang mga mata niya. Sinapak sapak pa niya ang mga pisngi.

"Agatha!" Sigaw niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin upang dambahan ako ng yakap. Hindi ko naman napigilan na yakapin siya pabalik. I miss her. I miss my friend.

"Agatha, anong ginagawa mo at may dala kang maleta? Nasaan sina Tito Henry at Tita Ariana? Dito na ulit kayo titira?" Sunod sunod na tanong niya.

Nalungkot naman ako ng maalala ang dahilan kung bakit ako nandito. Si Dad pati. Sana maayos na ang kalagayan niya.

"Long story." Sagot ko na lamang.

"Marami akong time para marining ang story na iyan. Halika pasok na tayo."

Inakay niya ako papasok sa loob ng gate nila. Hinintay ko siyang i-lock ulit ang gate bago pumasok sa bahay nila. Napaupo ako sa sofa sa sobrang pagod. Wala pa rin akong tulog.

"So what happened? Hindi na ako makakapaghintay ng umaga para diyan." Sabi niya at naupo sa tabi ko.

Ikinuwento ko ang lahat. Simula sa paglipat namin sa Laguna. Ang MIA, ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan duon, sinabi ko rin yung tungkol sa taong nagpapadala sa akin araw araw ng tatlong piraso ng roses. Ang pagkabuntis ni Ate at nung nanganak siya. Pati na rin nung namatay siya. Sinabi ko rin ang naging pagbabago sa buhay ko pagkatapos niyon. Sumunod ay yung tungkol kay Sawyer hanggang sa ngayon.

"I deserve everything that is happening to me right now. Ito ang consequences ng maling desisyon ko." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Niyakap naman niya ako. Hinaplos haplos niya ang likod ko upang kumalma ako. Pero yung mga luha ko na walang sawa ay hindi pa rin tumitigil.

"Agatha, falling in love with someone is not a mistake. Kahit kailan ay hindi naging mali ang magmahal. But the fact that you chose a wrong guy at the wrong time is what makes your situation in chaos." She said.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now