31st Fall

8.1K 201 2
                                    

31st Fall
Pain


I can't freaking concentrate. Ilang beses na muntik kong makalimutan ang sasabihin. Buti na lamang ay hindi nila napapanasin ang pagtigil ko. Ayos naman ang presentation ko pero mas ayos sana ito kung hindi nakatitig sa akin si Sawyer.

Hindi umalis ang mga mata niya sa akin. Kitang kita ko iyon kahit madilim ang conference room. At kapag nagkakatama ang mga mata namin ay lalo akong kinakabahan.

God! Agatha, bakit mo ba binibigyan ng atensyon ang lalaking iyan? Remember what happened years ago. Remember that.

Gumaan ang bigat na nararamdaman ko nung matapos ang presentation ko. Nagpalakpakan silang lahat maliban kay Sawyer na titig na titig pa rin sa akin.

Nung nagsimula na silang magtanong ay si Ma'am Amanda na ang sumagot. Ang trabaho ko lang naman dito ay ang mag present. Sana lang talaga ay makuha ko na agad ang sagot nila sa deal na ito upang makauwi na ako ng Cebu.

Nawala ako sa pag iisip nung natapos mag usap sina Psalm. Tapos biglang nagsalita si Sawyer.

"Psalm, we should more think about it. This is a big project. Can you wait for our answers in two weeks?" Nakangisi niyang sabi.

"Two weeks!?"

Hindi ko na napigilan na isigaw iyon. Napakaganda nung ginawa ni Ma'am Mitzi na proposal sa kanila tapos two weeks pa makakatanggap ng sagot.

Tsaka ayokong magtagal sa iisang lugar na kasama siya. Nangangati na yung paa kong umalis dahil sa presensya niya. I don't want my life to involve with his again. And the pain he inflicted to me is still here in my heart. I can't seem to move on specially that the pain is not bearable at all.

Namatayan ako ng anak. At dahil sa kanila iyon. Isisi ko talaga sa kanila, sa mga magulang ko at kay Sawyer, ang pagkamatay ni Shawn.

Bigla akong nakaramdam ng hiya nung lahat ng tao sa conference room ay nagtinginan sa akin. Nung muling ibinalik ko ang tingin kay Sawyer ay mas lalong lumawak ang ngisi niya. Nang aasar ba siya?

Narinig kong tumikhim si Psalm kaya napabaling sa kanya ang tingin namin.

"Sawyer's right. Maybe, one to two weeks?"

Tumingin siya sa akin habang tinatanong iyon. Tapos kay Ma'am Amanda naman. Mukhang okay lang kay Ma'am Amanda ang sinasabi nila. Naiintindihan niya ata iyon pero ako ay hindi. Hindi ako makakauwi kapag wala pa silang sagot sa deal.

"Fine. Just contact us once you finalized your decision and your draft too." Ma'am Amanda said.

Napahilot naman ako sa sentido ko. Binalingan ko si Sawyer at pasimple inirapan siya. Narinig ko namang tumawa siya kaya alam kong nakita niya ang ginawa ko.

Nagsitayuan na sina Psalm at ang mga kasama nito. They congratulate me para sa magandang presentation. Nakangiti ko naman silang pinasalamatan. Lumabas na sila kasama si Ma'am Amanda. Hanga rin ako sa kanilang dalawa ni Psalm. Kapag trabaho ay trabaho. Hindi silang mukhang may relasyon.

Lumapit ako sa unahan upang ayusin na ang mga gamit ko. Hindi ko naman pinansin si Sawyer na nanatiling nakaupo. Ramdam kong nakatutok ang mga mata niya sa akin.

Pagkatapos kong isilid ang laptop ko sa bag ay naglakad na ako palabas ng conference room. Napairap naman ako nung marinig ang yabag ng paa niya. At tama nga ako nung hinarang niya ako upang pigilan maglakad.

"It's been years, Kalisha. How are you?"

Napaismid ako sa sinabi niya. Ayan lang ang kaya niyang sabihin pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Tiningnan ko siya. Si Shawn lang talaga ang naalala ko sa mukha niya kaya kumirot ang puso ko sa pangungulila.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now