11th Fall

9K 140 10
                                    

11th Fall
Verboten Liebe



"Do you wanna travel this sembreak?"

Mabilis na tumaas ang tingin ko kay Sawyer mula sa pagkain. Travel? Ang huling travel ko noon ay nung buhay pa si Ate Ayesha. That was my first and last travel in my last eighteen years of existence.

"Really? But how? Ilang days ba?"

Sunod-sunod ang tanong ko sa kanya. I also asked kung paano ako makakatakas ng ilang araw na hindi nalalaman sa bahay.

Tumigil lamang ako sa pagtatanong nung hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"My queen, calm down. We'll execute a perfect plan so don't worry." Sabi niya sa akin.

Ipinagpatuloy muna namin ang pagkain. Hindi kami makakatapos sa pagkain kung pag uusapan namin yung plano. I'm so excited. I can't stop my mouth from speaking. Halos madaliin ko ang pagkain para mapag usapan ulit namin iyon.

"So what's the plan?" I asked.

Bahagya siyang tumawa pagkatapos uminom. Umiling iling pa siya bago magsalita.

"So stubborn." He said.

I made a face to him. I also stomp my feet. Lalo siyang humagalpak ng tawa dahil sa inasal ko. Nasa isang private room kami ng isang italian restaurant na hindi kalayuan sa St. Andrea's. Kaya kahit anong gawin o sabihin namin ay pwede dahil hindi naman kami makakaabala ng kahit sino man.

"Three days and two nights tayo duon. We will leave 4 am in the morning on Tuesday. And we'll be at home even before it gets dark on Thursday."

Pagkatapos nuon ay sinabi niya na ang naisip na plano para hindi malaman ng mga kasambahay na wala ako. Kahit na dapat makaramdam ako ng takot dahil tatakas na naman ako, magsisinungaling at susuwayin ang utos ng parents ko, mas naramdaman ko ang saya at ang pakiramdam na lumaya.

I will never regret my choice even though I will feel guilty in the end. At least, I became happy more than ever before.

"Saan tayo pupunta?"

Ilang beses ko na itong tinanong sa kanya pero puro secret ang sagot niya. May pa-surprise effect na naman siyang nalalaman. How will I pack the right clothes kung hindi ko alam kung saan kami pupunta?

"Kailangan ba ng passport?" Tanong ko.

"No---"

Napagtanto niya na huli na ang lahat kasi nasagot niya na ang tanong ko.

"Gotcha! Saang part ng Philippines?"

Umiling iling na lamang siya sa kakulitan ko. Sabi niya na tama ako na sa Pilipinas ang pupuntahan namin. Pero saan? Hindi na ulit siya nahulog sa mga tanong ko.

Natapos ang usapan namin ni Sawyer ng mga bandang alas kuwatro ng hindi niya pa rin sinasabi kung saan kami pupunta. Sinabi ko na hanggang five lang ang paalam ko kaya napagpasiyahan namin na umalis.



"Nay Glenda, I need all of these tomorrow morning po."

Its already Monday in the morning. Sinisimulan ko na ang napag usapang plano namin ni Sawyer. Binigay ko ang isang napakahabang list kay Nay Glenda.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ng matanda dahil sa haba ng listahan. Tiningnan niya ako na may bakas ng pagtataka sa mukha. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na.

"Kailangan ko po tapusin ang thesis ko this week. I need those para sa ref ko. Hindi po ako lalabas ng kwarto para matapos iyong mga gawain ko."

Napilitang tumango si Nay Glenda sa akin. May pagtatanong pa rin ang mga mata niya pero hindi siya nagsalita. Tatalikuran na niya sana ako pero may sinabi pa ako na nagpalingon sa kanya.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now