29th Fall

7.2K 103 4
                                    

29th Fall
Cruel



"C-Congenital h-heart d-defect?"

Halos tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko kaya pinagsilop ko ito. Nanatili ang tingin ko sa mga hita ko.

Bakit parang sobra sobra naman ata ang parusa sa akin? My innocent baby is affected by my sins. Dapat ako na lang. Dapat ako na lamang ang parusahan, hindi ang anak ko.

"We need to wait for seven years to be able to operate him. Maraming dasal ang kailangan para makaabot siya sa edad na iyon. Ms. Gomez, I'll be honest with you."

Umangat ang tingin ko sa doktor. Isa siyang Cardiac-Surgeon na nagpaalala sa akin kay Sawyer. Ito ang gusto niyang maging katulad ng mga magulang niya.

Nakita kong bumuntong hininga siya bago magsalita muli.

"Inborn CHD is dangerous. Hindi lahat ng sanggol na may sakit na ganito ay umaabot sa itinakdang panahon for sugery. So we need to double the care and to make him more healthy." Sabi pa niya.

Halos nanlulumo akong lumabas sa office nung doktor na iyon. Napakapit na lamang ako sa railings sa pader ng hospital.

Nagpakawala ako ng ilang malalalim na hinga. Kailangan ako ng anak ko. Wala akong oras para maging mahina. Tumayo ako ng tuwid at nagsimula ng maglakad.

"Ms. Gomez?"

Nilingon ko ang nagsalita. Gusto ko mang magtago ay hindi ko nagawa. Ilang buwan ko na ring tinatakbuhan yung isang admin ng hospital.

"Buti naabutan kita. Last warning ko na ito. Kapag hindi ka nakapagbayad ng bill niyo ngayong buwan ay mapipilitan kaming ilabas ang anak niyo sa hospital na ito. I'm sorry pero policy lang namin ito."

Lalong bumigat ang nararamdaman ko. Walang wala na akong pera. Ubos na lahat dahil sa pag stay ni baby boy sa incubator, ang oxygen nito at ang iba't iba pang gamot.

Naputulan na nga ang bahay ng kuryente. Halos hindi na rin ako nakakakain kung hindi ako ililibre ni Jennifer sa canteen ng hospital.

Binuksan ko ang bag ko upang hanapin ang wallet ko. Sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako nasaidan ng pera. Last na five hundred bill na lamang ang laman nito.

Habang pinagmamasdan ko ang pintuan ng NICU ay napaisip ako. Kung humingi kaya ako ng tulong sa parents ko? Pati kay.... Sawyer? Buhay na ng anak namin ang nakasalalay dito. Kakapalan ko na talaga ang pagmumukha ko.

Nakita ko si Stella na lumabas mula sa NICU. Siya yung nakuha kong tagapagbantay ni Shawn habang nagtatrabaho ako sa Albrecht. Matagal ko na siyang kilala kasi kapit bahay ko lang naman.

"Stella, ikaw muna magbantay kay Shawn habang wala ako. Mga bukas na ako ng gabi makakauwi."

Hindi na ako nagpaligoy ligoy sa desisyon ko. Babalik ako sa Laguna para humingi ng tulong kina Mom. Sana abutin ang pera ko para sa pamasahe. Magbubus na lang ako para makatipid.

Ngumiti si Stella sa akin. Lumapit pa siya sa akin upang yakapin ako. Siguro alam na rin niya ang kalagayan ni Shawn.

"I'll be back. I trust you, Stella. Tawagan mo agad ako kapag may nangyari sa kanya."

Pagkatapos niyon ay pinuntahan ko muna si Shawn. Tiningnan ko ito mula sa labas ng pinto.

Give your Mama the strength she needs, baby boy. Hihingi tayo ng tulong kina Lola mo pati na rin sa Daddy mo. Makakalabas ka rin dyan.

Falling Badlyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن