37th Fall

7.8K 137 7
                                    

37th Fall
Pictures



I woke up when I felt some feather-light kisses on my neck. At kilala ko kung kanino galing ito. Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa kwarto namin.

"Good morning, my queen!" I heard him say.

Kinusot ko ng konti ang mata ko habang humihikab. Pagkabukas ng mga mata ko ay bumungad sa akin si Sawyer na may dalang pagkain. Muntik na akong matawa dahil naka-apron pa siya. But I can see his yummy abs peaking behind the apron.

Agatha, ano ba yang iniisip mo? Umagang-umaga eh.

"Breakfast in bed." Sabi pa niya na ikinangiti ko.

Ipinatong niya ang tray sa mini table na malapit sa kama. Tumayo na ako at pumunta muna sa banyo upang maghilamos. Pagkalabas ko ay nakaupo na siya sa sofa.

"Bango naman." Sabi ko at umupo sa harap niya.

"Ofcourse it should be. I cooked it." He conceitedly said.

Napailing na lamang ako dahil sa kayabangan niya. Nagsimula na kaming kumain. True enough, the taste is much better from the smell.

Three days na simula nung makarating kami sa island. Those days are nothing but a bliss. Sa umaga ay naglalaro lang kami ng board games o hindi kaya ay nagkakalat kami sa kitchen. Nag s-swimming kami sa beach kapag halos palubog na ang araw. Sa gabi naman ay nasa shore kami na may bonfire na siya mismo ang gumawa. Tapos bago kami matulog ay nag v-video call kami kay Mom.

Somehow, this vacation really help me to be distracted from my father's death.

"Good?" Tanong niya nang matapos kaming kumain.

"Yup." I said smiling.

Nagliligpit na kami ng pinagkainan nung mapansin ko ang isang dress na nakapatong sa kama. Alam kong para sa akin iyon pero ngayon ko lang kasi ito nakita.

"What's with the dress?" I asked him.

Napatigil siya sa paglalakad palabas at nilingon ako. He mysteriously smiled at me before answering.

"Just wear it. I'll be meeting you in the beach."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto namin. Bumalik ang tingin ko sa dress. It's a white cut-out shoulder ruffled dress. Simple but elegant. Umabot ito sa ilalim ng tuhod ko.

Ano na naman kayang pakulo ni Sawyer ito? Nagkibit-balikat na lamang ako. Kumuha ako ng underwears sa cabinet kung nasaan ang mga damit namin tsaka pumasok sa banyo.

Ilang beses kong sinuri ang sarili sa salamin. Saktong sakto ang dress na ito sa akin. I put some light make-up on my face. I just let my natural wavy hair to fall down on my shoulders.

Ilang katok ang narinig ko kaya napabaling sa pinto ang tingin ko. Naging marahan ang paghakbang ko bago marating ito. Pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao pero isang bagay ang pumukaw sa akin.

Isang larawan ang nakadikit sa pintuan. It was a girl wearing a MIA junior high uniform and her black hair was in a ponytail. May dala-dala itong bag pack na color light pink.

Eight years ago, my heart was taken away by a breathe-takingly beautiful thirteen year old girl. I instantly fell in love with her. I knew from that moment that she's the one.

Napangiti ako sa sticky note na nakadikit sa ilalim ng picture. Kilalang-kilala ko ang penmanship na iyon.

It was like a deja vu when I felt something on my feet. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ang petals ng red roses na nakakalat sa sahig.

Falling BadlyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora