26th Fall

7.2K 111 8
                                    

26th Fall
Emptiness



Three years later...



"Ma'am Mitzi, nasa table niyo na po yung mga documents na pipirmahan niyo." Sabi ko.

Pagkalabas ko kasi ng office niya ay sakto namang pabalik na siya. Mabilis na ngumiti ang ginang sa akin.

"Salamat, Agatha. Pwede ka na umuwi." Sabi niya.

Tumango ako at nginitian siya. Pumasok na siya sa office niya habang ako ay bumalik sa pwesto ko. Inayos ko lamang ang mga nagkalat na folder sa table ko. Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ang computer ko bago kuhanin ang bag ko.

Halos dalawang taon na akong nagtatrabaho dito sa Albrecht Hotels. Nahirapan pa nga akong pumasok dito dahil unang una ay wala akong working experience tapos hindi pa ako nakapag college. Buti na lamang at sinuwerte ako dahil nakita nila ang achievements ko. I'm working as the secretary of the General Manager na si Ms. Mitzi Albrecht. Pamangkin siya nung may ari nitong hotel.

Nang makalabas ako sa resort ay agad kong pinara ang isang trycicle na dumaan. Medyo malapit kasi itong resort sa bahay ko.

"Salamat po." Pahayag ko sa driver at ibinigay ang bayad ko.

Bumaba na ako sa trycicle. Kinuha ko muna ang susi sa bag ko. Kaagad na nag click ang padlock ng gate at pumasok na ako.

"Hi, Fiona!" Bati ko sa sumalubong sa akin.

Bumatok pabalik ang aso sa akin. Hinimas ko naman ang balahibo nito. Sumunod naman ito papasok sa bahay. Si Fiona ay isang aspin na napulot ko sa bangketa. Tuta pa lamang siya noon nung nakuha ko pero medyo malaki na siya ngayon.

Napaupo ako sa sofa. Inilapag ko ang bag sa sofa table at inalis ang suot kong heels. Pagkatapos niyon ay itinaas ko ang aking paa sa table.

Naramdaman ko naman na tumalon si Fiona sa sofa at tumabi sa akin. Ipinatong nito ang ulo sa mga hita ko. Gumawa naman ito ng pag ingit.

"Gutom ka na?" I asked.

Para namang naintindihan niya ako kaya bumatok siya. Kahit pagod ako ay tumayo ako upang lagyan ng pagkain ang kanyang pakainan.

Pagkatapos niyon ay napagdesisyunan ko na magluto na rin ng pagkain para sa akin. Nagsaing muna ako maghanap ng lulutuin. Nakita kong may manok pa kaya gagawin ko na lang itong adobo.

Sa loob ng tatlong taon ay kinaya kong lahat mag isa. Biglaang umalis kasi ang pamilya ni Celine papuntang America para sa business nila. Ayos lang naman sa akin iyon dahil para sa kanila iyon.

Sa loob ng tatlong taon ay wala akong natanggap na niisang tawag kahit kanino. They really abandoned me. Wala sila sa tabi ko nung pinakakailangan ko ng pamilya. Na-realize ko na sobra pala iyong ginawa nila sa akin. Tao lang din naman ako, nagkakamali.

Kaya natuto akong huwag dumepende sa iba. Kasi sa huli, sarili mo lang ang maiiwan. Sarili mo lang ang kakailanganin mo. Puno ng galit ang puso ko dahil sa sakit na ginawa nilang lahat sa akin. Galit na galit ako sa puntong hindi ko sila mapapatawad. Hindi ko sila kailangan para huminga.

Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain sa pag alala ng masasalimuot na nangyari sa akin nung mga nakaraang taon. Mabilis kong pinunasan ang mga luha na nagsimulang magpatakan na.

Tiningnan ko ang kalendaryo na nasa pader. Bukas na ulit pala. Lalo akong napaluha dahil duon.



Kinabukasan ay mas maaga akong nagising. Kailangan kong pumasok ng mas maaga para matapos agad ang trabaho ko.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now