10th Fall

9.3K 150 19
                                    

10th Fall
Gift



"Ballpens down." Pahayag ni Sawyer, or Sir Iann pala kapag nasa school kami.

Today is the last day of our first semester. Hindi ko namalayan ang bilis ng araw. Mag-aapat na buwan na pala ang lumilipas nung araw na nag-resign si Mrs. Hernandez.

Naulit ang paglabas, or should I say, patakas namin ni Sawyer. Buti na lang talaga at hindi naghihinala ang mga kasambahay. Tsaka hindi pa nauwi ang parents ko. Sinabi kasi nila na mula California ay didiretso sila sa Singapore and that will take them another month to stay there.

Pero last week ay tumigil muna kami sa paglabas kasi kailangan ko mag-focus sa exams. Puro pagre-review ang ginawa ko.

"Grabe, I'm so haggard na because of this exams." Narinig kong singhal ni Mellanie.

Sumang ayon naman ang mga kaklase ko. Almost all of them are checking their faces or applying make up. Habang ako naman ay abala sa pagligpit ng gamit ko. Maliit lang na bag pack ang dala ko na puno ng reviewer at ballpens.

Nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko. Mabilis kong binuksan ang phone ko na umiilaw dahil may notification. Bumungad sa akin ang text ni Sawyer.

I.S.S. :

Lunch?

Half day nga lang pala kami dahil sa exam kaya saktong lunch time na. Lumingon ako sa unahan. Hawak hawak ni Sawyer ang phone niya pero busy siya sa pagcheck kung complete ang test papers namin. Muling bumaba ang tingin ko sa phone ko.

To I.S.S. :

Sure. Where do we meet?

Mabilis naman siyang nagreply pagkasend ko ng message.

I.S.S. :

Paglabas mo ng campus may Chinese restaurant sa kanan. May parking sila sa loob, duon na lang tayo magkita.

Nagtype agad ako ng message. Tumango tango ako sa sinabi niya.

To I.S.S. :

Okay.

Akala ko ay hindi na siya magrereply pero muling nag beep ang phone ko. Binuksan ko agad ito.

I.S.S. :

Can you handle your driver?

Nag isip naman ako ng alibi para kay Manong Tasyo. Mayamaya ay narinig ko ang mga kaklase ko na nagrereklamo kasi hindi daw pinirmahan ang clearance nila. Sembreak na kasi namin next week.

I check my clearance paper na nasa bag ko. Kompleto na pala lahat. Hindi naman kasi ako nahirapan magpapirma lalo na at kilala nila ako bilang matinong estudyante. I also get high grades from my teachers. Ito na lang pala ang sasabihin ko kay Manong.

Tumingin ako kay Sawyer. Sakto naman na umangat ang tingin niya. Pasimple kaming nagtanguhan sa isa't isa. Tumayo na ako mula sa desk ko at naglakad na palabas.

"Tapos ka na, Agatha?"

Napalingon ako kay Mellanie. Sinundan niya pala ako. Hindi man kompleto ang pahayag niya pero alam ko na tungkol sa clearance ang sinasabi niya.

"Oo, tapos na." Sagot ko.

Lumukot ang mukha niya. Tiningnan niya pa ang clearance paper niya at hinarap sa akin.

"Wala pa ako kahit isa oh. Swerte mo naman. Palibhasa ikaw nga lang pala ang honor student ng class natin."

Nakita ko na pasimpleng umirap siya bago talikuran ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan mabait, minsan naman ang taray.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now