35th Fall

7.8K 133 18
                                    

35th Fall
Forgiveness



Mahirap magpatawad lalo na kung yung taong papatawarin mo ay minsan ng naging malapit sa puso mo. Sila kasi yung hindi mo inaasahan na mananakit sa'yo pero sinaktan ka pa rin nila sa huli.

Pero ngayon, habang tinitingnan kong binababa na ang kabaong ni Dad sa hukay, nagsisisi na ako. Nagsisisi na hindi ko agad siya pinatawad. Nagsisisi na linamon ako ng galit ko. Nagsisisi na hindi ko man sila binisita sa loob ng tatlong taon.

One thing is for sure about everything that is happening to me. I'll never regret loving Sawyer.

Tiningnan ko ng ilang minuto ang puting rosas na hawak ko. Ayoko pa magpaalam pero huli na eh. Nanginginig ang mga kamay ko ng bitawan ang rose sa hukay. My shoulders begun to shake as I sob.

Naramdaman ko na may kamay na pumatong balikat ko. Nilingon ko ito. Sawyer gave me a sad smile. Hinarap ko siya at sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya.

"Shhh.."

He gentle tap my back to calm me but my tears won't stop from falling. Ganitong ganito ang naramdaman ko nung namatay si Shawn. Dinudurog ako mula sa loob palabas.

Hindi ko man lang siya nakausap sa huling pagkakataon. Wala kaming inaksayang oras nung nasa restaurant kami at umalis papuntang Laguna mula Cebu. Pero huli na ang lahat. Flatline na siya nung makarating kami. Parang hinihintay niya lang na makalapit ako sa kanya tapos aalis na siya. At pagkatapos na pagkatapos sabihin ang time of death niya ay kinausap ko na siya. Sinabi ko na napatawad ko na siya at sana napatawad na rin niya ako. Pero ang sakit sakit kasi wala akong narinig na sagot.

"Agatha..."

Hindi ko nilingon si Mom at nagdaredaretso papunta sa kwarto ko. Dito kami sa bahay namin sa Laguna kami nag-stay.

Nang makapasok ako ay inihiga ko na ang sarili sa kama. Sa sobrang pag iyak ko ata ay wala na akong mailuha. Then, I fell asleep.

"Miemie!"

Lumuhod ako sa harap ni Shawn. Alam kong siya ito kahit nasa halos limang taong gulang na katawan ito. His features were present in this little boy.

"Don't cry na. I'll be sad kapag hindi ka po tumigil."

My heart skipped as his little hands cupped my cheeks. All my life, I've been dreaming my son to do this to me. To wipe my tears away. To take away my sadness.

"I miss so much, b-baby b-boy." I chocked my last words.

Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko. I kiss his fingers, one by one.

"Lolo's with me na po. He keep saying sorry to you, Miemie. He told me that he forgive you and he hope that you forgive him too po."

Pinigilan kong mapahikbi sa sinabi niya. Tumango tango ako pagkatapos. I look into his beautiful eyes and sadly smiled.

"Tell him, I'm sorry too. I also forgive him. Tell him that I love him as much as I love you. And I'll miss him...."

Naramdaman ko ang mga daliri niya na pinapahid ang tuloy tuloy na luha sa mga mukha ko. He nodded to me once.

Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko. I felt him kiss my forehead.

"We will miss you too, Miemie. See you. I love you too po."

Bigla akong nag-panic nung tumakbo siya palayo sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Pinilit ko itong habulin muli pero nawala na sa paningin ko ang imahe nito.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now