12th Fall

8.1K 149 4
                                    

12th Fall
Officially



Nararamdaman ko na ang init ng araw na tumatama sa mukha ko. Umunat muna ako bago magmulat ang mga mata. Nakita ko na wala na pala akong katabi.

Second day na namin dito ni Sawyer. I could consider this island as a paradise. Every single thing here is so beautiful.

Inikot niya muna ako sa kahapon sa bahay. Tapos nuon ay inikot namin ang bawat parte ng island para ipakita sa akin ang mga pwede naming puntahan. Ayun lamang ang ginawa namin maghapon kasi sa sobrang laki nung island.

Pagkababa ko sa living room ay agad kong naamoy ang mabangong amoy ng pagkain. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng amoy. Pagkapasok ko sa kitchen ay tumambad sa akin ang isang Sawyer na nagluluto. Topless siya na naka apron. Ang hot talaga.

Hindi ko mapigilan na mapasandal sa pintuan habang pinagmamasdan siya. Soon to be doctor, a teacher, a soccer player, and a helicopter pilot then he can cook? Ano kaya ang hindi niya kayang gawin? Halos lahat na lang kasi parang biniyayaan siya.

"Good morning, my king." Bati ko sa kanya at lumapit na sa kanya.

Umupo ako sa upuan na nasa lamesang katapat niya. Ngumiti siya ng makita ako. Sakto naman ang dating ko dahil patapos na siya magluto. Naghain na siya ng mga plato. Pagkapatong niya nung huling pagkain sa lamesa ay tsaka siya naupo sa harap ko.

"Good morning too, my queen."

He lean towards me and he kiss my forehead. Kukuha na sana ako ng pagkain pero nauna pa niya itong nakuha. Akala ko ay sa kanya siya maglalagay pero sa akin pala.

I can say that this is one of my favorite morning in my entire life except everytime I woke up beside him.

Kahit halos mag-aapat na buwan na ganito ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi kami nagbubukas ng topic patungkol sa kung anong label namin. Siguro nakikiramdam siya o tinatantsa niya ang magiging reaksyon ko. If he will open up a talk about our label, right now? Masasabi ko na ready na akong lagyan ng label ang relasyon namin.

I know deep inside, I already fell for him. Hindi simpleng paghanga o pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro nung unang linggo namin ay attraction lang na naging like. But as I spent my time more with him, my heart won't stop from falling for him. Hardly. Deeply. And badly.

"Kalisha, we'll go out after this, 'kay? Wear a dress." He said to me.

Tapos na kami kumain. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinggan na dapat ako na ang gumagawa pero as usual, pinigilan niya ako. He pampered me a lot.

Nagtungo na ako sa kwarto namin upang mag-ayos. Medyo natagalan ako sa paghahanap ng dress hanggang sa nakita ko sa closet ang isang light pink na dress. Napagpasiyahan ko na ito na lamang ang suotin.

Mga isang oras din ang tinagal ko sa paliligo at pagbibihis. Nung nakita ko sa salamin ang sarili ko ay nagdalawang isip ako na lumabas. Nahihiya kasi ako kay Sawyer.

Pagkalabas ko ng pintuan ay mabilis kong napansin na may nagkalat na petals ng roses sa sahig. Naramdaman ko kasi agad na may bagay akong naapakan.

What's this?

Pinagpatuloy ko ang pagsunod sa mga petals hanggang sa makalabas ako ng bahay. Kahit mahangin sa labas ay nanduon pa rin ang bakas nito.

Sawyer, anong pakulo naman ito?

Natanaw ko na ang mga ito ay papunta sa beach. Daredaretso lang ako hanggang sa maapakan ko na ang buhangin. Nalampasan ko na ang mga villa.

I gasped when I saw the set up at the shore. May isle na punong puno ng flowers at sa dulo nito ay ang isang Sawyer na may hawak ng isang bouquet ng roses. I slowly walk towards him.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now