14th Fall

7.6K 141 8
                                    

14th Fall
Sore



"What's that?"

Tumaas ang tingin ko mula sa pilas pilas na papel patungo sa taong nasa harap ko. Lalo akong naiyak dahil si Sawyer pala iyon. Siguro pumuslit na naman siya.

Lumapit siya sa akin at naupo rin sa kama. Isinandal niya ako sa balikat. Sinimulan niyang tapikin ang likod ko.

"Isn't that Oxford?" He asked.

Tumango tango ako sa kanya habang bumibilis ang pagpatak ng mga butil ng luha sa mga mata ko. Ikinuwento ko ang nangyari kanina. He was patiently listening to me kahit hindi ako makapagsalita ng ayos dahil humihikbi ako.

"It's my dream." I sighed.

Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang kamay niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Pagkatapos nun ay niyakap niya.

"I know." He said.

"Can I sleep in your place tonight?" I suddenly asked.

Gusto ko umalis dito sa bahay. Kahit pa ako mahuli nila ay wala na akong pakialam.

Hindi naman nag alinlangan si Sawyer na pumayag. Gaya ng nakasanayan namin ay mabilis kaming nakalabas ng mansion ng hindi nahuhuli nung mga guards.

Patuloy niya akong pinapakalma lalo na nung makarating kami sa bahay niya. Sinasabi niya rin na dapat walang makakapigil sa pangarap ko. Katulad nung sa kanya. Ayaw ng parents niya na mag Medicine siya kasi siya dapat ang mamamahala ng business nila.

Hanga ako sa tapang niya. Wala siyang pakialam kung ayaw o gusto ng mga magulang niya. Lalo pa akong humanga sa kanya dahil nagsimula na pala siyang paaralin ang sarili simula nung tumungtong siya sa Med school. Paano naman ako? Hindi naman ako kasing tapang niya.

"I'm here, my queen. Kapag hindi ka sinuportahan ng mga magulang mo, ako ang gagawa nun. You can go to Oxford." He said to me.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan siya sa labi. Nagpapasalamat talaga ako na dumating si Sawyer sa buhay ko. Binuksan niya ang mga mata ko sa mga posibilidad ng buhay.

Gumalaw na rin ang labi niya upang tugunin ang mga halik ko. Napayapos ako sa leeg niya para kumuha ng balanse. Kahit kailan talaga kapag nagdidikit kami ay nanghihina ako. Napaupo ako sa kandungan niya.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ko sa dibdib niya. Patuloy pa rin ang pag hahalikan namin. He alredy inserted his tongue inside my mouth and it felt so good.

Kinapa ko ang unang button ng polo niya. Kinalas ko ito. Naramdaman ko naman na naglalakbay na rin ang kamay niya sa gilid ng bewang ko pataas sa gilid ng dibdib ko.

Nung nasa pangatlong butones na ako tsaka siya natigilan. Humiwalay siya sa mga labi ko kaya medyo hinabol ko ito.

"Kalisha, you're at your lowest point. You're not in your right mind." Sabi niya na medyo hinihingal pa.

Maybe I'm hurt right now. I'm mad too. Pero alam ko ang ginagawa ko at aminin ko man o hindi ay nasasarapan na ako.

"I know what I'm doing, Sawyer." My voice came out more seductive as the usual.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now