7th Fall

10.7K 201 8
                                    

7th Fall
New



Isang buwan na ang nakakalipas mula nung eksena na nangyari sa office niya. Medyo dumistansya ako sa kanya. Dapat siguro mag isip isip naman ako sa mga desisyon ko. Hindi dapat ako nagpapadalos-dalos. Since, its my first time to encounter this situation ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Para akong bata na iniwan sa gitna ng maraming tao. Well, I never been to a strange crowd. So that's how I can describe this situation. But, in the back of my mind ay gusto ko. Gustong-gusto ko kahit sobrang mali ang lahat.

Buti na lang ay hindi niya na binuksan ang topic na iyon. Siguro naramdaman niya na ayokong pag-usapan. Alam niya naman na bago ako sa lahat ng nangyayaring ito.

"Agatha.."

Nilingon ko si Mellanie na nakaupo sa likod ko. Nakakalat ang make up kit niya sa desk niya. Naglalagay pa nga siya ng lipstick bago ako hinarap.

"Napapansin ko na napapadalas ang pagpunta mo sa office ni Sir Iann..."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Lalo na sa takot. Mabilis akong umiling-iling sa kanya.

"H-hindi--"

Naputol sana ang sasabihin ko nang may sumabat sa akin. Nakita ko na si Therese pala iyon. Naglakad siya palapit sa amin habang tumatawa pa rin.

"Madami ka nang kaso, right?" Nakangisi pang tanong ni Therese.

Ayun pala ang iniisip nila kapag pinapatawag ako sa office ni Sawyer. May kaso ako or violation sa rules ng Academy. Kung alam lang nila.

"Kaya nga. Siguro dapat akong tumulad sayo para lagi akong nasa office ni Sir." Sabi pa ni Mellanie.

Napatakip ako ng bahagya sa tenga ko dahil sa iritan nila. Kinikilig nilang pinagkukwentuhan si Sawyer sa harap ko. Habang nag uusap sila ay napaisip ako.

Bakit ako? Why not Therese who's a queen bee? Why not Mellanie who's a cheerleader? Magaganda sila at sikat pa.

Bigla tuloy akong na-insecure sa sarili ko. Medyo napahawak ako sa buhok kong na nakalugay. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako na-iinsecure, ngayon lang. At dahil kay Sawyer.

Itong mga nakaraang araw ay naiisip ko talaga iyon. Isa na siyang doctor habang ako ay isang hamak na estudyante lamang. Mapupuno ko ata ang isang yellow paper ng mga bagay kung bakit mali lahat ito.

Hindi ako pwedeng maging close sa teacher ko. Very close. Hindi tama na ganun kami kalapit sa isa't isa. Its beyond that relation. And friendship. Pero kahit ganun ay ayoko pa rin pangalanan iyon dahil natatakot ako.

Minsan nga ay nag-search ako sa google. But the moment something pop out, a word specifically, in it, mabilis kong pinindot ang x button. I want to deny it as much as I can.

Naglalakad ako papunta sa kotse ng mag ring ang cellphone ko. Pag tingin ko sa caller ay I.S.S. ang nakalagay. Agad kong pinindot ang end button upang ireject ang call.

Napairit ako dahil may biglang humablot sa akin. Tinakpan na nito ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan. Nakita ko na ni-lock pa niya ito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa storage room kami. Bigla tuloy akong nagalit sa ginawa niya.

"What are you thinking, Sawyer?! Nababaliw ka na ba?! God!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Pinagsuntok-suntok ko pa ang dibdib niya sa galit. Pero kahit na ganun ay hindi siya natinag. Hinablot niya na ang mga pulso upang pigilan ako sa ginagawa ko.

Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang tama at mali. Buti pa noon, kung ano ang sinasabi ng mga magulang ko ay tama agad. Nothing more, nothing less.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now