17th Fall

7K 114 1
                                    

17th Fall
Snob



Pagbukas ko ng locker ko ay nakita ko agad ang tatlong piraso ng red roses. Napangiti naman ako nung makita ito. Araw araw akong nakakatanggap nito. Walong buwan na ang lumilipas at walang araw na mawawalan ito ng roses.

Nung una ay nairita ako dahil baka mga college ang naglalagay nito. Pero dahil sobrang persistent nito ay hinayaan ko na lamang. Sinubukan ko na hulihin ang naglalagay nito pero magaling eh. Tumigil na rin ako sa paghuli nito nung nag limang buwan na.

Hindi ko nga sinasabi kay Ate Ayesha iyon. Baka mapagalitan pa ako dahil ini-entertain ko ito sa edad ko. Siguradong makakatanggap pa ako ng batok sa kanya. Sa loob din ng walong buwan ay iba't ibang lalaki ang hinarang ni Ate na nagtatangkang manligaw sa akin.

Kinuha ko ang note na nakapatong sa roses. Lalong lumawak ang ngiti ko habang hinahaplos ang napakagandang penmanship nito.

What makes you different, makes you more beautiful than anyone else.
Have a nice day!
-Your King

Hindi ko mapigilan na pamulahan ng mukha. Mabilis ko naman na isinilid ito sa bulsa ko dahil nakita ko na palapit sa akin sina Gab. Sinaraduhan ko na rin ang locker ko.

"Mayroon na naman?" Pag uusisa ni Jess.

Sinandalan ko agad ang locker ko para hindi nila mabuksan. Inaasar kasi nila ako. Baka daw taga college yung naglalagay nung flowers. Syempre alam nila dahil lagi ko silang kasama. Tinulungan pa nga nila akong hulihin kung sino ang naglalagay eh.

"Na-fall ka naman?" Pang aasar ni Gab.

Nagtawanan silang tatlo. Mabilis ko namang pinaghahampas ng notebook ko yung tatlo.

"I'm just appreciating someone's effort. Wala namang masama, 'di ba?" Sabi ko sa kanila.

"Okay. Fine. But we are too young for that, Agatha." Paalala ni Yoori sa akin.

Tumango tango naman ako dahil tama siya. Kinikilig man ako pero hindi dapat muna sineseryoso yung mga bagay na iyan.

Nagyaya silang pumunta sa library. Tambak kasi ang vacant namin pero tambak din ang mga gawain namin. Isang buwan na lang kasi at tapos na ang klase namin.

Sila ay nag uumpisa pa lamang sa mga requirements namin habang ako ay tapos ko na. Pag sinabi kasi agad ng mga teachers ang gagawin ay ginagawa ko na. Hindi katulad nila na kung kailan malapit na ang pasahan tsaka pa gagawa.

"Agatha, pasuyo naman ng book na Ibong Adarna." Sabi sa akin ni Jess. Nag puppy eyes pa siya sa akin.

Tiningnan ko ang mga gagawin niya pa at napangiwi. Dahil wala naman akong ginagawa ay tinulungan ko na siya. Tumayo ako mula sa table namin at pinuntahan ang kinalalagyan ng libro. Alam ko na kasi kung nasaan ito dahil ginamit ko na rin ito last week.

Pagtingin ko sa shelf ng Ibong Adarna ay ubos na ito. Tumingin ako sa mas mataas pa na parte ng shelf. Kailangan siguro ng buong Grade 7 ito kaya naubos at ang nasa taas na lang ang natira. Medyo napakamot ako sa buhok ko. Ang liit ko para maabot iyon.

Tumingkayad ako para sa abutin ito. Pero hindi man lang nadampi ng daliri ko yung libro. Nabigla ako ng may umabot dito na isang kamay. Mataas siya kaya walang wala ang taas nito sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya. Naka side view ito kaya hindi ko nakita ang kabuuan.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto kung sino ito. Siya yung lagi kong napapansin nung first month ko dito sa MIA. Ngayon ko na lang ulit siya nakita sa school. Siguro naging busy siya nung mga nakaraang buwan.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now