21st Fall

7.7K 115 2
                                    

21st Fall
Dance



"Mom, can I go to the Graduation Ball?"

Mabilis na bumaling ang tingin ni Mom sa akin mula sa plato niya. Pati si Dad ay natigilan sa sinabi ko. Kahit isang prom ay hindi ko pa nadadaluhan. Since last na ito sa High School ay gusto ko namang ma-experice. Laging nagsasama ang St. Andrea's at St. Andrius' Academy sa mga party na katulad nito. St. Andrius is an all boys school na ang may-ari ay yung nagmamay-ari rin sa school namin.

"Will there be boys?" Tanong ni Mom sa akin.

"Yes. St. Andrius will join the party." Sagot ko.

Medyo nag isip si Mom sa sinabi ko. Ayaw niya talagang malalapitan ako ng kahit na sinong lalaki. Little didn't they know, I already have Sawyer.

Tumikhim si Dad. Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Mom na nakapatong sa table.

"Let her go, Ariana. Agatha has been proving herself to us for years. She won't do anything reckless." Sabi ni Dad.

Ngumiti siya sa akin na para bang kilalang kilala niya ako. Bigla tuloy akong nakonsensya sa sinabi ni Dad. I've been lying to them for months already. Tiwalang tiwala sila sa akin pero unti unti ko namang binabasag ang tiwala nila ng patalikod. Pero mahal ko si Sawyer. Kaya kong ibigay lahat para lang sa pag ibig na ito.

Bumuntong hininga si Mom bago ako tingnan ng masinsin. Unti unti siyang tumango sa akin na ang ibig sabihin ay pumapayag na siya.

"Thanks, Mom." I said to her.

"I guess I have to prepare a dress for you. I'll take care of everything just don't go outside."

Tumango tango naman ako. Natapos ang dinner namin ng puro sa Grad ball ang pinag uusapan. Binilinan nila ako ng kung ano ano.

Pagpasok ng kwarto ay hindi na ako nagulat na nandito si Sawyer. Nakahiga siya sa kama ko habang nakatakip ang braso sa mga noo niya. Siguro pagod siya. Hectic ang schedule ng mga teacher dahil lumalapit na ang graduation tapos idagdag mo pa na sinasabay niya ang pag aaral sa Med School.

Lumapit ako sa tabi niya at naupo. Naalimpungatan naman agad siya nung gumalaw ang kama. Nginitian niya ako agad.

"Dapat umuwi ka na lang para makapagpahinga." I said to him.

Umiling iling siya sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya. Walang wala sa kanya ang pagbagsak ko sa ibabaw niya. Naramdaman kong lumapat ang kamay niya sa likod ko.

"You're my charger, Kalisha. I'm here to recharge." Mahina niyang sinabi.

Tinawanan ko siya sa kakornihan niya. Sa laki niyang iyan kaya niya dumali ng mga ganuon.

"So I'm not your queen anymore?" Nang aasar na tanong ko.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng dibdib niya dahil tumawa siya sa sinabi ko. Mabilis ko namang hinampas ang dibdib niya.

"You will always be my queen." Sabi niya.

Hinayaan ko muna siyang makatulog. Pinilit ko man makaalis sa ibabaw niya ay sadyang mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Pinayagan ako ni Mom na dumalo sa Grad ball." Mahinang sabi ko.

"That's good. I will be able to dance you." Sabi niya.

Umiling iling naman ako sa sinabi niya. Bawal iyon sa school regulations ng school, to be so close sa teacher. Ganuon kahigpit ang St. Andrea's. Kaya siguro duon ako ini-enroll nina Mom. Pero tingnan mo nga naman kami, we have a relationship already.

Falling BadlyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz