15th Fall

7.8K 128 12
                                    

15th Fall
Picture



"Ms. Gomez, are you sleeping in my class?!"

Mabilis akong napaayos ng upo dahil sa sigaw na iyon. Masama ang binigay na tingin ni Ms. Florencia sa akin. Naalala ko nga pala na isa ito sa mga pinakamataray na teacher dito. Ang malas ko naman na sa klase niya pa ako nakatulog.

Antok na antok pa talaga ako. Si Sawyer kasi ay pumuslit na naman sa mansion kagabi. Ang akala ko ay mag uusap lang kami pero hindi. Nauwi sa kama ang usapan namin. Halos 4:30 am na ata kami natapos.

Hindi ko mapigilan na humikab kaya lalong nagpupuyos sa galit si Ma'am. Ang mga kaklase ko ay nagtataka na nakatingin sa akin. Ang iba ay nagbubulungan dahil first time ko daw mag slack sa klase.

"Get out of my class!"

Wala naman akong nagawa at lumabas na ng klase. Huminga na lamang ako ng malalim. Pagkatapos nuon ay nagdaredaretso ako papuntang library. Siguro duon na lang ako matutulog.

Pumunta sa pinakadulo at pinakasulok na bahagi ng library. Tinakluban ko na lamang ng isang malaking libro ang tapat ko. Umuob na ako bago pumikit muli. Lasing na lasing talaga ako sa antok kaya mabilis akong nakatulog.

Nakarinig ako ng isang malakas ba bell. Medyo naalimpungatan ako. Papikit pikit ko pang tiningan ang wrist watch ko. Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil kanina pa ako ditong ten pero five na ng hapon.

"You slept in your class and slept here in the Library."

Mabilis na tumaas ang tingin ko sa taong nagsalita. Umiiling siya habang naka smirk sa akin. Bitbit ni Sawyer ang bag ko at isang folder na nasa ibabaw ng desk ko. Nag unat unat pa ako at inayos ang buhok.

"Therese and Mellanie brought your things to my office. Sinabi nila na hindi ka mahanap pagkatapos kang palabasin ni Ms. Florencia." Paliwanag niya sa akin.

Liningon ko ang library at nakitang wala ng katao tao dito. Kanina pa namin uwian. Four pa. Siguro naghahanap na rin sa akin si Manong Tasyo.

Tumayo na ako habang nag uunat pa. Biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi pala ako nakapag lunch sa sobrang antok. Sinamaan ko ng tingin si Sawyer na nakangiti sa akin. Hinampas ko siya nung libro na nakataklob sa akin.

"Aww! What's that for?" He hissed.

Pinaghahampas ko ulit siya gamit ang kamay ko. Inapakan ko pa nga siya sa sobrang inis sa kanya.

"This is all your fault! May paisa isa ka pang nalalaman dyan." Sabi ko sa kanya.

"My queen, you want it the way I want it too." He just shrugged at me.

Hahampasin ko pa sana siya muli kaso may inilapag siyang paper bag sa lamesa. Mabilis akong napaupo dahil sa amoy ng pagkain. Gutom na gutom na kasi ako. Hindi pa rin ako nag breakfast kasi late na rin ako nagising.

Binuksan ko ito. Mabilis akong naglaway ng makita ang barbeque at rice. May kasama pa itong french fries at ice cream. Mabilis ko namang naubos yung rice, medyo bitin pa nga. Ang sunod kong nilantakan ay yung fries at ice cream. Isinawsaw ko ang fries sa ice cream. Sarap sobra.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

Pinapanood niya lang kasi ako kumain. Baka naman gutom na siya. Umiiling iling siya habang nandidiring tiningnan ang isinawsaw ko na fries sa ice cream.

Bahala siya sa buhay niya. Basta ako ay kakain lang ng kakain. Pagkatapos nuon ay napadighay ako ng malakas na ikinatawa naming dalawa. Isinilid ko na muli ang kalat ko sa paper bag.

Falling BadlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant