3rd Fall

12.5K 230 6
                                    

3rd Fall
Trust



Inayos ko na ang mga gamit ko at sinilid sa bag. Lumabas na ako ng room namin. Habang naglalakad ako sa hallway ay narinig ko ang pangalan ko.

"Agatha!"

Lumingon agad ako sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko na nagmamadaling lumapit sa akin si Therese, one of my classmates. Nagtataka kong hinarap siya at ngumiti ng konti.

"Why?" I asked.

She chuckled a bit. Hindi ko matanto kung natawa siya sa sinabi ko o naloloko na naman siya.

"It's Wendy's birthday today and she invited you to come." She said as she gave me a black small envelop.

Mabilis na inurong ko ang paglapit nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang umiiling. At sa pag-iling ko ay nagbago ang timpla ng itsura niya. Mula sa maamo niyang mukha, naging matalim ang tingin niya sa akin. Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay at umismid.

"Have anyone told you that you're boring?" Mataray na sabi niya sa akin.

Hindi ko maitatanggi na masakit yung sinabi niya. Hindi lang naman siya ang nagsasabi nun sa akin, pati ang iba naming kaklase. Lagi ko silang tinatanggihan at sa totoo lang wala pa akong pinuntahan at sinamahan na hindi school related.

"T-Therese, p-pasen--"

Naputol ang dapat sasabihin ko nang bigla niya akong tinulak. Masakit na bumagsak ako sa sahig.

"Ang arte-arte mo, ikaw na nga itong iniimbitahan. Such a freak!"

Nilampasan niya ako pagkatapos sabihin iyon. Her heels loudly tick on the floor as she walk away.

Hindi ako maarte. Kahit anong mangyari, hindi ako makakalabas sa cycle ng buhay ko. Not because I want to but I need to. My parents said so.

Tumayo na lamang ako at pinagpag ang palda ko. Unti-unti kong pinulot ang mga gamit ko na naglaglagan.

Whenever I reject them, ganito na lang palagi ang nangyayari. Kung hindi nila ako itutulak ay aasarin nila ako. I'm already used to them calling me names.

Muntik ko pa muling mailaglag lahat ng napulot na gamit ko dahil nakita ko na si Sir Iann ay tinutulungan din ako magpulot. Seryoso siya habang nagpupulot ng gamit ko.

Alam ko na gulat pa rin ang mukha ko. Lalo pa akong nagulat nang natapos siya sa pagpulot ng gamit ko. Tumaas na naman ang isang gilid ng labi niya na laging nagpapabilis ng puso ko.

Dahan-dahan niyang inabot sa akin ang iba ko pang gamit. Nanginging ang kamay ko habang kinukuha ito na sana hindi niya napansin.

"Lagi ba nilang ginagawa ito sayo?"

Nabigla na naman ako nung magsalita siya. His voice is really manly. May konting English accent pa na maririnig sa boses niya.

"Uhm, h-hindi p-o, uhm Sir." Nauutal kong sagot.

Gusto ko man na talikuran siya pero naalala ko na teacher ko nga pala siya. I should respect him in all ways.

"Report to me immediately if this happen again, huh?" Sabi niya.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Alam ko na mauutal lamang ako kung magsasalita pa ako. Kinakabaha ako dahil first time niya akong personal na kinausap. Ano kaya sasabihin niya kapag nalaman niya na nasa akin ang phone niya. Magagalit kaya siya?

Tatalikod na sana ako pero pinigilan ng kamay niya ang braso ko. Magaan lang ang paglapat ng kamay niya pero parang mabigat ito sa akin dahil sa epekto nito.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now