34th Fall

7.9K 112 12
                                    

34th Fall
Family



My usual routine was back. Binigyan ako ni Ma'am Mitzi ng two weeks na pahinga as a reward sa tagumpay namin sa Lexington nung umuwi ako. Tatanggihan ko sana ito kaso pinagpilitan na niya. Halos tatlong araw na akong nakabalik sa trabaho. Kaya ngayon ang mga bulaklak na pinapadala ni Sawyer ay sa opisina na pumupunta kaysa sa bahay.

"You may now go home, Agatha." Pahayag ni Ma'am Mitzi.

Ngumiti ako sa kanya tsaka lumabas ng opisina niya. Inayos ko muna ang table ko tapos bumaba na sa ground floor.

Napalingon ako kay kuya guard na nakangiti sa akin. Pero may ibang ibig sabihin ang mga ngiti niya kaya napakunot ang noo ko.

"Agatha, kay gwapo naman ng iyong jowa eh." Sambit pa nito nung makalapit na ako sa kanya.

"Manong anong sinasabi ni'yo?" Naguguluhang tanong ko.

Inginuso niya ang labas ng pinto. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sawyer na nakasandal sa kotse niya. Lalong lumawak ang ngiti nito nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya.

Nagmamadali akong lumabas upang salubungin siya. God! I miss him. Tinalon ko ang distansya namin at niyakap niya ng mahigpit.

"Woah easy, my queen."

Mahina siya napatawa habang niyakap ako pabalik. Humiwalay ako sa kanya at lalo siyang tumawa nung sumimangot ako. Nung hindi siya tumigil ay hinampas ko na siya sa dibdib. Then he look me in the eyes when he stop laughing.

"I miss you." Sambit niya.

Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Inabot niya ang bouquet ng roses na nakapatong sa hood ng kotse niya at inabot sa akin.

"What are you doing here in Cebu?" Manghang tanong ko sa kanya.

He just shrugged.

"How's my courting so far?" Tanong niya.

Siguro ay tinutukoy niya ang pagpapadala ng roses, chocolates and gifts. So that's courting?

"Pinayagan na ba kita?" Pang aasar ko sa kanya.

Biglang lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Pero nung ngumisi ako ay tsaka niya napagtanto na inaasar ko lang siya.

"You!"

Mabilis akong napatakbo nung hahagilapin niya sana ang bewang ko. Paikot ikot lang kami sa kotse niya pero sadyang malalaki ang hakbang niya kaya naabutan ako.

I squealed nung tumaas sa ere ang mga paa ko. Naramdaman kong pinugpog niya ng mga halik ang leeg ko kaya lalo akong napairit sa kiliti.

"Tama na!" Sita ko sa kanya.

Nung ibinaba niya ako ay hingal na hingal kaming pareho. Napatawa na lamang kami sa isa't isa at napagpasiyahang umalis na.

"Where do you want to eat?" Tanong niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ilang araw na rin akong nag c-crave sa pasta and italian food.

"Italian." Sagot ko.

Tumango tango siya sa sinabi ko. Habang nasa biyahe kami ay nagkukwento lamang siya nang mga nangyari sa seminar nila. Huminto ang kotse sa isang restaurant na malapit lang sa Albrecht.

"It was boring without you there." Sabi pa niya.

Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa banat niya. Tumawa lamang siya ng bahagya at tinawag akong sadista. Loko loko talaga siya.

Falling BadlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant