38th Fall

7.8K 132 5
                                    

38th Fall
Scars



"One time, sinundan ka niya papunta sa library tapos nakalimutan niyang may klase pala siya. Ayun tuloy binagsak ng Prof niya."

Lahat kami ay tumawa na lang ng tumawa sa mga kwento ni Enzo. Hindi pala kwento kung hindi pang-aasar kay Sawyer. And I didn't know that Sawyer was a stalker much.

Pagkatapos nung proposal sa beach ay dumaretso kami sa isang cottage para kumain sa hinanda nina Gab na pagkain. I also met Gab's husband and Jessica's boyfriend. Si Yoori naman ay single pa rin pero naikwento nila na may ex-husband daw ito.

"Agatha, first day mo palang sa MIA, baliw na baliw na ito sayo. Niloloko pa nga naming child abuse iyan kasi halos makatingin sayo parang hinuhuba-"

Lahat ng tao sa table ay humagalpak ng tawa nung sinubuan ni Sawyer si Enzo ng fried chicken para tumigil. Umubo ng umubo si Enzo dahil nabilaukan ata ito.

"Are you trying to fucking kill me?!" Enzo exclaimed.

"Shut up your bad mouth!" Sita ni Sawyer.

Mukhang natauhan si Enzo nung lumingon kay Mom. Nag-peace sign pa ito kay Mom pero umiling-iling lang si Mom habang tumatawa.

"Tita, dapat matakot na kayo kay Iann. Patay na patay sa anak niyo. I bet-"

Hindi na muli nakapagsalita si Enzo nung sinalpakan naman siya ni Psalm. Napailing na lamang si Sawyer dahil daw sinisiraan pa siya kay Mom.

"Pati ba naman ikaw, Psalm!" Sabi ni Enzo kay Rigo.

Nakita ko akmang babatukan ni Enzo si Psalm nung sinamaan ng tingin ni Amanda.

"Subukan mo lang!" Banta ni Amanda.

Enzo immediately raised both of his hands, tanda na sumusuko siya. Psalm stuck his tongue out to piss off him.

"Lawyer ka pa man din tapos napakadumi at napakadaldal ng bibig mo." Sabi ni Tristan.

Sawyer smirk at Enzo na pinagtutulungan na nang mga kaibigan niya.

"Hindi ko nga alam kung paano nakapasa yan ng BAR." Pang aasar ni Sawyer na lalong ikinatawa namin.

The whole luncheon was really wonderful. Wala kaming ibang ginawa kung hindi tumawa ng tumawa. Pagkatapos nuon ay naghiwalay ang girls at boys para makapag usap pa kami.

Ang mga lalaki ay naglalaro ng board games at cards. Kami naman ay naupo lang sa lounge area in the beach. Si Amanda ay nakapalooban na rin sina Gab. Well, she's very friendly. Kahit sino ata ay makakasundo niya.

"Darling, I'll just take this call." Paalam ni Mom sa akin.

Ngumiti ako bago tumango kay Mom. Siguro tungkol sa trabaho iyon.

"Paano niyo nakilala si Sawyer?" Tanong ko sa kanila.

Hindi ko kasi alam kung paano sila na-contact ni Sawyer gaya ng sabi nila. Sawyer planned this proposal the moment we met again in Manila. Nakita kong nagpalitan ng makuhulugang tingin sina Gab. They even giggled.

"Nung bigla kang umalis ay lumapit siya sa amin. He kept on asking your whereabouts." Kwento ni Jess sa akin.

"Tapos inamin niya sa amin na siya pala yung nagpapadala nung roses. Hindi naman namin alam kung nasaan ka pero kinukulit niya kami." Sabi naman ni Yoori.

Tumawa ng bahagya si Gab na mukhang may naalala. Tumingin siya sa asawa niya na kasama nina Sawyer sa malayo bago magsalita.

"Then I met Kaleb who happens to be his acquaintance,Terrence and David too." Pagtutukoy niya sa asawa at boyfriend ni Jess.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon