6th Fall

11.1K 231 26
                                    

6th Fall
Fast



Hindi ko namalayan ang oras. Puro kwentuhan lang kami. He shared some of his travel adventures. Kinuwento niya rin kung gaano siya kakulit at pasaway sa mga magulang niya. Tawa lang ako ng tawa. Wala namam akong maikwento pabalik. Anong sasabihin ko? Kung gaano kalaki ang kwarto ko?

Napatigil ako sa pakikinig sa kanya dahil napabaling ang tingin ko sa labas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang dilim nasa labas. Nakita ko na lumingon din siya sa tinitingnan ko.

"Oh my God! Kailangan ko na umuwi." Sabi ko.

Tumango-tango siya. Inalok niya ako na siya na ang maghahatid sa akin. Hindi ko naman ito tinanggihan. Mas mapapabilis akong makakauwi kung ihahatid niya ako.

Pumunta kami sa parking lot. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang napakagandang kotse. It is a sport car, if I'm not mistaken. Napatigil naman ako sa sobrang pagkamangha sa kotse.

Pumunta siya kung saan ang passenger seat at binuksan ang pinto nito. Agad akong lumapit at sumakay.

Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng subdivision namin. Mukha namang alam niya kasi hindi siya nagtanong ng direksyon. Tahimik lamang kami sa loon ng kotse. Mayamaya ay tumigil na kami. Tiningnan ko ang labas. Nasa mansion na pala kami.

Napaisip ako. Kung nakalabas ako ng maayos, paano ako makakapasok ng hindi nalalaman ng mga guards?

"I have a plan."

Nilingon ko si Sawyer dahil sa sinabi niya. Mukhang nabasa niya sa mukha ko ang iniisip ko.

"Dyan ka lumabas 'di ba?" Tanong niya at itinuro ang gate kung saan malapit ang garden. Tumango ako bilang sagot.

"Kakatukin ko yan. Lilibangin ko ang guard. Habang nag uusap kami ay pumasok ka na. Huwag kang papasok sa front door niyo. Sa likod ka dumaan, sa kitchen perhaps?" Sabi niya.

Bababa na sana ako kaso lang ay pinigilan ako ng kamay niya. Nakahawak ang kamay niya sa braso ko.

"But before anything else, can I get your number?"

Hindi naman ako nag alinlangan na ibigay sa kanya ang numero ko. Pagkatapos ko ibigay sa kanya ay nag missed call siya sa akin. Agad ko namang nilagyan ng pangalan ang numero niya.

Bumaba na kami ng kotse. Nagtago ako sa isang puno na malapit sa gate na iyon. Nakita ko na kumatok na si Sawyer sa gate. Lumabas si Manong guard. Nung medyo nakaagwat na sila sa gate ay sinenyasan ako.

Tumakbo ako nang walang ingay na ginawa. Pagkapasok ko ng gate ay sa maze ako dumaan. At tama si Sawyer na wag ako sa front door dadaan dahil may mga maids na nakatambay duon.

Hindi ko naman alam na mas malapit pala sa garden ang kitchen door. Dahan dahan ko pang binuksan ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang tao.

Habang naglalakad ako sa living room ay biglang bumukas ang pintuan. Mabilis na inihagis ko ang bag ko sa ilalim ng mini table na nasa gitna ng sofa.

Pumasok mula sa pintong iyon ng mga maids na nakatambay sa front door. Nung makita nila ako ay agad silang bumati. Nginitian ko lamang sila at umarte na manonood ng tv.

Falling BadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon