Nakikita ko ang saya sa mukha nila habang kumakanta ako sa harapan nila. Minsan ay sumasabay pa nga sila. Isa lang ang ibig sabihin n'un. Maganda ang boses ko at pwedeng pwede na ako sa Glee Club.

Nagpasalamat ako nang matapos akong kumanta.

"You have a beautiful voice, Ms. Campbell." I know right Sir.

"Hindi naman po,"

Umupo na rin ako pagkatapos.

"Ikaw na ang may magandang boses," pagbibiro pa sakin ni Rainne nang makaupo na ako. I just winked at her.

Neready ko na ang sarili kong makinig sa susunod na kakanta. Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ni Sir ang pangalan ni Philippe. So siya? Siya 'yong isang bagsak.

Hmm. We'll see kung may talent siya sa pagkanta. Magaling na siyang magsayaw. Sabi nila kapag magaling kang sumayaw, panget na ang boses mo. Hindi pwedeng lahatin mo ang talento sa mundo. Well, meron namang nabiyayaan talaga. Nang mga panahon na nagpaulan si Lord ng talents ay ligong ligo sila, lunod na lunod pa.

But I know, Philippe is not one of them.

Kampante akong nakatingin sa unahan habang nakacross ang mga braso. Hiniram pa niya ang gitara ng kaklase namin. May props pa siya ha?

He started to play the guitar. Hmm. Magaling din siyang mag-gitara. Nakita kong nagsisimula nang matuwa ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae. I'm sure, madi-disappoint kayo kapag kumant-ta... n-na.. yan.

Oh my God!

Tama ba 'tong naririnig ko?

B-bakit ang lamig ng boses niya?

Love Yourself
Justin Bieber

For all the times that you rain on my parade
And all the clubs you get in using my name
You think you broke my heart, oh girl for goodness sake
You think I'm crying, on my own well I ain't

Natulala ako nang magsimula na siyang kumanta. Tama ba talaga 'tong naririnig ko ngayon? Siya talaga 'yong kumakanta? Wait!

And I didn't wanna write a song 'cause I didn't want anyone thinking I still care
I don't but, you still hit my phone up
And baby I be movin' on and I think you should be somethin'
I don't wanna hold back, maybe you should know that

He has this kind of voice that can capture every heart. I hate to say this but yes. Ang lamig at ang ganda sa tenga ng boses niya. Kahit sino ay kikiligin at hahanga kay Philippe.

Nang matapos siyang kumanta ay pinuri din siya ni Sir. Sinabi pa na ilalagay niya kaming dalawa sa official list ng Glee Club.

Hanggang ngayon na naglalakad kami papuntang cafeteria ay hindi maalis sa utak ko ang boses niya. Parang paulit-ulit kong naririnig ang malamig at maganda niyang boses.

Ano ba 'yan?! Kanina lang ay nilalait ko siya pero ngayon ay humahanga na ako sa kaniya. Ang lalaking 'yon! May talent pala sa pagkanta?

Sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na katabi ko na pala siya sa counter. Hay. Bakit ba ganito ako ngayon? Narinig ko lang naman siyang kumanta.

Hindi niya ako kinakausap. Nakakapanibago talaga siya ngayon. Ano kayang nakain niya? Bakit hindi na siya nangungulit.

"Hoy." Sinundot ko ang tagiliran niya. Umawang ang bibig ko ng hindi man lang niya ako nilingon. Aba! Kailan pa siya natutong magsungit?

Hindi ko na lang siya kinulit.

Hanggang sa mag-uwian kami ay isip isip ko pa rin si Philippe. Hindi na dahil sa pagkanta niya. Oo, inaamin ko na talented talaga siya. Hindi lang halata.

Iniisip ko kung may nasabi o nagawa ba ako kung bakit hindi na niya ako kinakausap. Hindi ko naman sinasabi na namimiss ko ang pangungulit niya. Naninibago lang talaga ako.

"Okay ka lang ba? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Kasabay ko sa trike si Derek at Thunder. Nauna na sina Rainne kasama si Philippe, Aviana at Cloud. Hindi na kasi kasya kaya dito na kami sa kasunod sumakay.

Baka naman may alam si Derek? Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako sa kaniya.

"Ah, Derek. Wala ka bang napapansin kay Philippe?"

"Ha? Ano namang mapapansin ko d'un?" Tumawa siya.

"E kasi hindi na niya ako kinukulit, e. Naninibago lang ako. Galit ba siya?"

Para siyang nag-isip sa tanong ko. "Actually sinabi niya sakin kung bakit."

Sinabi sakin ni Derek ang dahilan. Tama nga ako. Nagagalit nga siya dahil sa pagtawag ko ng bading sa kaniya. Dahil doon lang? Napaka-defensive naman niya masyado! Kung hindi totoo 'yon dapat hindi siya magagalit sakin. Baka kasi totoo.

"Napapahiya na kasi si Philippe, Winter. Hindi naman sa tinatakot kita. Pero ibang magalit si Philippe."

Hindi ako nagsalita. Grabe na ba talaga ang mga sinasabi ko sa kaniya? Ang babaw naman niya masyado. Para 'yon lang, e.

"Anong gagawin ko para hindi na siya magalit?"

"Sorry. Just a simple sorry. Okay na siya doon."

Nakarating na kami sa bahay. Nang makapagpalit ako ng damit ay agad ko siyang hinanap. Kung may nagawa man ako na hindi na niya nagugustuhan. Siguro hindi masama ang humingi ng sorry sa kaniya. Besides, napag-isip isip ko din na mali nga ako.

Nakita kong nasa labas siya ng bahay. Lumapit ako sa kaniya. "Uy, Philippe."

Tumingin naman siya. "Anong kailangan mo?"

"Galit ka daw sakin. Sorry na."

"Anong nakain mo at nag-sosorry ka sakin?"

Ano bang gusto niyang mangyari? Ito na nga oh, nag-sosorry na ako. Dami-dami pa sinasabi.

"Tanggapin mo na lang. Ang galing mo palang kumanta." Pag-iiba ko ng usapan. Baka sakaling mag-iba ang ihip ng hangin. Baka kapag pinuri ko siya ay hindi na siya magalit.

"Tss. Umalis ka nga."

Tinataboy niya ako? Okay, fine. Kung ayaw niyang tanggapin ang sorry ko. Eh di wag!

"Ang choosy mo naman! Ako na nga 'tong nag-sosorry! Bahala ka! Itutuloy ko pagtawag sayo ng bading! Bading!"

When Brats Meets The Badass Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon