Halos sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang bumukas ito. Agad uminit ang ulo ko ng makita ko ang pagmumukha nilang apat. Lalo na ang mukha ni Drei at Snow! Mga mukhang gusto kong durugin sa mga oras na 'to! Bago pa kami makatayo ay naunahan na kami ni Aviana.

Hindi ko inaasahan na sasampalin niya si Drei. "You told us na tutulungan mo kami kapag may nangyaring hindi maganda! Pero anong ginawa niyo?! Hinayaan niyo lang si Cloud!"

Hawak ni Drei ang namumulang pisngi niya. Serves him right! "What the hell are you saying? Akala mo ba seryoso ako sa sinabi kong 'yon? Bodyguard niyo ba ako?" Ngumisi ito na mas lalong ikinainis ko. "She deserves it! Hindi siya nag-iisip ng mga actions niya!"

Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig ng suntukin siya ni Derek sa mukha. Boom! Strike two. Bago pa siya makabangon at nakaganti ay napigilan na siya ni Thunder.

"Once a savior, always a savior." Pinahid niya ang labi niyang may dugo, "Masarap ba sa feeling na maging tagapagtanggol, huh?" Hindi nagsalita si Derek.

"Why the hell are you blaming us?" Sumingit na si Snow sa usapan. "Kung may dapat mang sisihin dito 'yon ay kayo. You're all aware about the rules but then, sinuway niyo pa rin. Kinalaban niyo pa ang mga Queens. What do you think will happen? Kaya huwag nga kayong mag-react na kami ang may kasalanan dito!"

"You know what, Snow? You're nothing but a bitch!" Sasampalin na sana siya ni Aviana pero mabilis na nahawakan ni Volt ang kamay nito.

"Not my baby." Kusang umawang ang bibig ko sa narinig.

"Baby?!"

"Yes. We're official. So don't you dare touch her. Or else,"

"Or else what?" Si Thunder naman ang sumingit. Nagulat na lang kami ng pumunta siya sa side namin.

"So kakampi ka na sa kanila?"

"Dati pa sana. Kung nalaman ko lang na mas maaga ang kabahuan ng ugali niyo. They are better than the three of you! Toxic."

Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang mga salitang 'yon pero mukhang ang lalim ng pinanghuhugutan niya.

"Bitter." Sa pagkakataong ito ay si Thunder naman ang sumuntok kay Volt. Hindi na rin namin napigilan pa si Aviana at agad niyang hinablot ang buhok ni Snow.

Ilang minuto rin silang nagbasagan ng mukha bago namin sila napaghiwalay.

Halos tumigil ang mundo namin ng marinig namin ang muling pagbukas ng pintuan. Nakita namin ang nakatayong si Ms. Quinta habang matalim na nakatingin samin.

"Anong nangyayari rito?" Naglakad ito palapit samin.

Nagkatinginan lang kami. Walang nagsasalita. Mukhang sa labas kami mapapatulog ngayong gabi.

"We're just playing, Ms. Quinta. 'Di ba guys? Hikitan ng buhok." Bigla na lang hinila ni Aviana ang buhok ni Snow na ikinagulat namin.

"She's right. Hindi namin alam na maganda pala ang larong 'yon, Ms. Quinta. 'Di ba, Aviana." Hinigit din niya ang buhok ni Aviana.

Tiningnan lang kami ni Ms. Quinta, "Nagsasabi ba kayo ng totoo?"

"Opo, Ms. Quinta. 'Di ba guys?"

Halos sabay-sabay kaming umayon kay Aviana. Mukhang naniwala naman siya sa dahilan namin. Nakita na lang namin na umakyat na pataas ng hagdanan si Ms. Quinta at nang mawala siya sa paningin namin ay bumalik na naman sa kaninang sitwasyon.

"Magkampi-kampi kayo kung gusto niyo! Weaklings!"

___

"We're going to transfer Cloud in our section. Kayong dalawa? Sasama ba kayo?" Nasa sala pa rin kami. Ginagamit ko ang kamay ni Derek. Nagkaroon kasi ng kaunting galos dahil sa mukha ni Drei.

"For what -- Aray! Ayusin mo naman!" Reklamo ni Thunder. Ginagamot ni Aviana ang gilid ng labi niya. May galos din siya.

"For the better. So I was saying. Sasama ba kayong dalawa?"

"We're in." Hindi na nakatanggi pa si Thunder sa sinabing 'yon ni Aviana.

___

Volt's Point of View.

Agad kong sinindihan ang hawak kong sigarilyo bago ako humithit ng isa. Umubo ako. Hindi na talaga ako sanay. Medyo matagal na rin kasi nang huli akong gumamit nito. Karaniwan ay kapag namomroblema o kaya naman ay badtrip sa paligid. Tulad ngayon. Sobrang sira ng araw ko dahil sa mga bwesit na 'yon.

Mag-isa akong nakatambay sa labas ng bahay habang hinihintay si Snow. She's forcing me to explain everything. Bakit ko siya hinalikan at kung bakit ko sinabing girlfriend ko siya. She really want to know everything.

I was about to put the cigarette in my mouth when someone slapped me. Shit! Nang lingunin ko ay nakita ko si Snow. Galit ang mukha niya.

"What was that for?" I innocently asked her but then, there's another hand landed on my face.

Sasampalin pa sana niya ulit ako pero nakuha ko na ang kamay niya. Masakit na!

"What are you doing, Snow? Bakit sinasaktan mo ang boyfriend mo?" I playfully looked at her and give my genuine smile.

"L-let go off me!" Mabilis kong inalis ang kamay ko.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong ko sa kaniya.

"Are you playing with me, Volt? Bakit mo ginawa 'yon?! B-bakit mo ako hinalikan?! Bakit mo sinabing boyfriend kita? Are you out of your mind? Saan ka nakakuha ng lakas ng loob par---

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. I immediately grab her waist just like what I did last time. Nakita ko na naman ang nagugulat niyang mga mata, "Shh. Let me tell you everything, baby." Tinitigan ko ng maigi ang mata niya. "Believe me or not, ginawa ko 'yon para sayo. This is for your own good, Snow. Sinabi ko 'yon dahil gusto kitang protektahan. Sa mundong ginagalawan natin ngayon. Kami na lang ni Drei kakampi mo. Can't you see? Everyone turned their back to us." Tumikhim ako. "Tell me? Gusto mo bang maging isa?"

Dahan-dahan niyang iniling ang ulo niya. "Then, please allow me to be your boy. I'll surely do my job as your boyfriend. Gagawin ko lahat para protektahan ka."

"V-volt." Nanginginig ang boses at kamay niya.

"Shh." Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. Sandali ko pang tinitigan ang mga mata niya bago pumikit. Nang sandaling ipikit ang mga mata ko ay ang paglapat naman ng mga labi namin sa pangalawang pagkakataon.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now