Tumawa siya, "Teka lang dude. Wala pa akong sinasabi, okay? Hahaha. Relax."

"I know you, dude. You talked a lot about sex. Huwag mong sabihin?"

"Natatakot ka ba? Are you gay?" Mas lalo siyang tumawa. "Scratch that dude. Hindi 'yan ang gagawin kung mangyari." Ngumisi siya.

"So here's the game, dude. Si Snow nabunot mo right?" Tumango ako. "Simple lang 'to. You have one year para tapusin ang game. I challenge you to make her fall for yo--" Aalma pa sana ako pero napigilan ka agad ako ng g*go. "Make her your girlfriend. At kapag nagawa mo na ang bagay na 'yon. Break up with her."

"Bro, are you insane?"

"At 'yong iniisip mo na about sa sex? It's up to you kung gagawin mo." Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinapik niya ang balikat ko. "Easy, right?"

Napahilamos ako sa mukha ko. "Are you serious about this?"

"Of course dude. Katuwaan lang."

"At kapag nagawa ko 'yong challenge. Anong magiging kapalit?"

Tumayo siya. "Dahil mahilig ka sa mga sasakyan. I'm going to give you three of mine. Kung gusto mo 'yon pang mga paborito ko." Nanlaki ang mga mata ko. What the fvck, dude? He's fvcking serious.

"What if I failed?"

Muli siyang ngumisi, "You mentioned that your father will give you bar as a birthday present..." Pinutol niya ang sasabihin niya. " I guess, you already know what I mean, dude." Tinapik niya ulit ang balikat ko.

Inilapag ko na sa lamesa ang mga pagkaing inorder namin. "There you go,"

"Thanks,"

"Welcome, always." Kinindatan ko si Snow bago naupo sa katabi niya.

Kailangan kong manalo sa bet namin. This is a fvcking car! Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan magkaroon ng sariling sasakyan. Kahit ang dami-daming pera ni Dad ay hindi niya manlang maibigay ang isa sa kinahihiligan ko. Ngayon na magkakaroon ako ng chance para magkaroon ng hindi lang isa kundi tatlo? Gagawin ko na ang lahat para manalo kay Drei.

___

Cloud's Point of View.

Dahil sa nangyari ay nawalan na ako ng ganang pumasok sa lahat ng subject sa buong maghapon. Idinahilan ko na lang na masakit ang katawan at nahihilo nang tanungin ako ng guard bago tuluyang makalabas. Mabuti na lang at uto-uto siya at naniwala agad sa sinabi ko.

I immediately threw my body down on my bed. Tamad akong tumingin sa kisame habang inaalala ang mga sinabi sakin ni Rainne.

"My point here is why don't you open yourself. Make friends. Lower your pride. Making friends is not a crime. Have at least one."

I smiled bitterly. Gusto ko naman, Rainne. Gustong gusto ko. Gusto kong magkaroon ng kaibigan. P-pero natatakot ako.

Naramdaman ko na biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Paano kung katulad lang sila ni Lolita? Na mga mapagbalat-kayo. Na paglalaruan ka sa kamay nila. Paano kung pagmukhain din nila akong tanga kapag naibigay ko na sa kanila ang tiwala ko? Ayoko. Ayoko nang ganun. Ipinaalala lang nitong sitwasyon ko ngayon ang nakaraan kong ayaw na ayaw kong balikan. Ayoko nang bumalik sa dating ako na dahil sa pagtitiwala ay naloko at pinagmukhang tanga.

Pero bakit ganun? Kahit anong isipin ko na kailangan ito na ako. Dapat lagi akong ganito na lumalaban. Na itapon ko na ang dating ako dahil ang dating ako ay walang kwenta. Mahina. Bakit meron pa rin sa loob ko na nagsasabing huwag. Bakit may mga sitwasyon na ganito na sinasabing hindi ko kaya mag-isa. Tao ka pa rin at kailangan mo ng masasandalan. Na hindi lagi ay malakas ka.

Tuluyan nang bumigat ang kalooban ko. Naramdaman ko na lang tumulo ang mga luha ko.

Siguro kung meron mang tao ang mas kinakailangan ko sa mga oras na 'to? Nag-iisang lang ang taong 'yon.

Pinahid ko ang mga luha ko.

Mom.

Sa mga oras na ganito. Dapat siya ang nasa tabi ko para damayan ako pero wala, e. Simula nang umalis siya sa poder ni Dad at iwan ako. Hindi na niya nagawa pang magpakita sakin. Wala nga akong balita kung buhay pa ba siya.

Naramdaman kong may naglalakad papasok sa kwarto namin kaya napabangon ako. Nagulat ako ng makita ko si Rainne at Winter. "Anong ginagawa niyo dito?"

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Hinarap ko sila.

Lumapit sila sakin. Namilog ang mata ko nang hawakan ni Winter ang kamay ko. Tumingin siya kay Rainne na ngayon ay naglalakad na rin papalapit sa akin.

"I'm sorry, Cloud. I didn't mean to hurt you by what I said. It's just that, we just want you to feel how we feel right now. How fun it is to have a friend." Umupo siya sa tabi ko.

"Nakakatawa mang isipin pero ngayon lang ako nanghingi ng tawad sa ginawa ko. Ngayon lang ako naguilty. Can you forgive me?"

Nanatili lang akong nakatulala sa kanila. Hanggang sa naramdaman ko na lang ulit na tumulo ang luha ko.

"Why are you crying?" tanong ni Winter. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

"Why do you have to do this?"

Nagkatinginan silang dalawa. "Napapansin ka kasi namin simula ng magpasukan tayo. Sa inyong anim, ikaw ang madalas mag-isa. Ikaw ang walang kausap. Alam namin na malakas ka pero tao ka pa din naman tulad namin, Cloud." Tumingin siya kay Rainne. "Kaya naisip namin na lapitan ka. To offer you a friendship na meron kami. Matagal tayong mananatili dito sa bahay. Hindi mo masasabi na lagi kang malakas sa lahat ng oras. Minsan kakailangan mo din ng mga taong tutulungan ka."

Pinahid ko ang mga luha ko. "Tama kayo," sabi ko "I feel like I'm invisible when I'm with them. Feeling ko hindi nila nakikita ang existence ko. Naramdaman ko na 'yon kahit nang nasa tunay ko pang bahay ako nakatira. Akala ko, masasanay na ako pero hindi pala. Ang sakit pa rin pa lang mabaliwala at mararamdamang nag-iisa ka lang." Tiningnan ko silang dalawa. "Kaya sobrang thank you sa inyong dalawa. Yes. I will open up myself again. Makikipagkaibigan ako sa inyong dalawa."

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now