MGIH C-37: His Heartbreaking Plan

Depuis le début
                                    

"No."

WHAT?! NO?!

**

Anyway, kung iniisip niyo kung anong nangyari kanina, actually, wala talaga. As in wala. Pagkasabi kasi ni Grey ng "No, she's not. You don't even know them personally, do you?" hindi na ulit nagsalita ni isa kayla Bianca. Mukhang natameme sila nung si Grey na mismo ang nagsalita. Kaya umalis na lang kami at hinayaan silang nakatulala dun. Di siguro nila inakalang ipagtatanggol kami ni Grey. Hindi naman as in pinagtanggol na mala-super hero. Naalala ko bigla si Tyler. Ugh! Trespasser ka, Tyler! Umalis ka nga sa isip ko Tyler! Love story 'to nila Andrea at Grey. Wag kang makisingit!

Pagkatapos naman nun, kinonfront ko sila at nalaman kong gusto nila ang isa't-isa!

**

Andrea's POV

**After 1 week**

"Andrea, pwede mo ba akong tulungang mapa-fall si Kath sakin? Mahal ko kasi talaga siya eh."

Yan yung huling katagang narinig ko kay Grey. Di ko na kasi kinaya kaya nagpanggap na lang ako na tinatawag ng kalikasan.

All these time, ang sweet niya sakin yun pala gumagawa lang siya ng paraan para mapalapit siya kay Kath. Bakit ba ang malas ko sa pag-ibig?

**Flashback**

"Andrea, marami ka na bang naging boyfriend?" nagulat ako sa tinanong niya.

"D-dalawa pa lang. B-bakit mo naitanong?" nahihiya kong tanong.

Nga pala, nandito kami sa park. Nakaupo kami sa bench habang nagfu-foodtrip. Kainis nga eh! Nakaharang kasi yung mga pagkain sa pagitan namin, di tuloy kami magkadikit. Hahaha! Spell MALANDI.

A-N-D-R-E-A

"Pareho ba silang sineryoso mo?" ba't ba yan yung mga tinatanong niya? Naman eh! Parang gusto ko tuloy sabihin na "Next question, please!"

"O-oo... kahit palabiro akong tao, seryoso ako pagdating sa pag-ibig," I said then chuckled sadly.

"Pero... kung ano namang kinaseryoso ko, ganun din kaseryoso yung sakit na naramdaman ko nung nalaman kong niloloko lang nila ako," malungkot na sabi ko. Oo, masiyahin akong tao pero kabaligtaran naman nun ang personality ko pagdating sa pag-ibig. Ang drama man kung tawagin pero totoo. But it's okay! It's part of growing up!

Parang nag-dribble yung puso ko at lahat ng dugo ko napunta sa pisngi ko nung bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"If I were them, hindi kita sasaktan. Ang ganda-ganda mo, mabait ka pa, happy go lucky ka rin. That's what I like about girls," parang akong tinamaan ng thunderbolt ni Pikachu dahil bigla na lang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko, kulang na lang mangisay ako rito. Para rin akong dinaganan ni Snorlax 'cause I can't breathe.

Bigla niya kong kinindatan at BOOM! Para akong hinedbutt ni Gigalith. Hinimatay ako dun sheeet!

**End of Flashback**

Oh di ba? Kung sa inyo kaya gawin ng crush niyo yan? Ang di ko lang maintindihan, bakit pa siya nagiging sweet sakin, eh si Kath lang pala yung pinupunterya niya? Tss! This life sucks! Nadadamay ako sa kagandahan ni Kath! Don't get me wrong. What I mean is, dahil sa kagandahan niya, pati tuloy ako namomroblema. Bakit ba kasi nung sumabog ng kagandahan, nasa loob ako ng underground basement? Yan tuloy di ako nabiyayaan.

Mayroon pa actually... Marami pa pero yung pinakahuli na lang na nangyari yung ifa-flashback ko.

**Flashback**

Marrying the Guy I HateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant