MGIH C-36: Crush at First Sight

ابدأ من البداية
                                    

Humarap siya sakin at hinawi pa yung buhok na nakaharang sa mukha ko at nilagay sa likod ng tainga ko. Parang gusto ko tuloy manapak sa sobrang kilig.

"Best friend mo si Kath?" I simply nodded. Tapos yumuko ako. Feeling ko nagba-blush ako eh.

Parang nag-dribble yung puso ko nung inakbayan niya ako.

"C'mon! Let's go find her," nakangiti niyang sabi. One whole SHEET of pad paper naman oh! Kenekeleg eke eh.

Narinig ko namang nagsalita pa yung isang palaka pag-alis namin.

"Sana pala sinabi ko na lang na ako yung best friend ni Kath."

**

Kath's POV

"Kath, ang cute pala ng best friend mo," nakangiting sabi ni Grey.

"Type mo?" tanong ko. Hmm, I smell something fishy. Ang lansa ah! Hahaha!

Napakamot muna siya ng ulo saka tumango.

"Ayiiiiieh! Umiibig ang heartthrob," mukhang magkaka-love life na si Andrea ah.

Siya si Alexander Grey Parker. Ex ko siya. Yeah, ex, as in ex-boyfriend. Actually, hindi talaga namin mahal ang isa't-isa nung naging kami. Di ba sabi ko na sa inyo, wala akong sineryoso sa past relationships ko? Naging kami lang nun para pagselosin yung ex-girlfriend niya pero sabi niya crush niya raw talaga ako nun simula nung nakita niya 'ko pero syempre magkaiba naman ang feelings niya sa ex niya at sakin. Mahal niya yun, crush niya lang ako. Ayon, successful naman yung idea niyang yun pero nung nakipagbalikan na sa kanya yung ex-girlfriend niya, ayaw niya na kasi mahal niya na raw ako. Yes, tama kayo ng basa. Minahal niya ko pero hindi ko yun naibigay pabalik sa kanya. Naintindihan niya naman yun kaya naging friends na lang kami.

Di ko nga alam kung bakit pumunta yan dito sa Pilipinas eh.

Anyway, nagulat ako kanina nung nakita kong kasama niya si Andrea. Take note, nakaakbay pa siya. Si Andrea naman, ehem, namumula. It seems like tinamaan si best friend sa charm ni Grey ah. Sana sila ang magkatuluyan. *crosses fingers*

Eh ikaw sinong gusto mong makatuluyan? Tanong ng aking sub-conscious mind.

Letse! Ang hirap naman ng tanong! Next question, please!

Sus! Ayaw pang aminin na si Tyler!

**Flashback**

"Kath, nandyan ka lang pala!" his voice sounds familiar. Napalingon ako.

Grey?!

Nakaakbay pa siya kay Andrea. Close sila? Si Andrea naman nagba-blush. Ang cute nilang tingnan!

"Grey, is that you?" tumayo ako at nilapitan siya. Nakaupo kasi ako sa bench sa likod ng building. If you're wondering why, well, I was hiding from Tyler. Baka makita na naman kaming magkasama ng mga fangirls niya at mawala agad ako sa mundong ibabaw. 'Cause knowing Tyler, makulit siyang nilalang. Wala siyang paki sa mangyayari sa ibang tao, magawa niya lang ang gusto niya. Kaya naman, no choice ako kundi magtago dito. Sabi ko pa naman kay Andrea, magsi-cr lang ako.

Before I could ask another question, he hugged me tightly that I can't even breathe. Goodness! Ganito niya ba ako ka-miss?

"I missed you, Kath," he said sweetly while hugging me tighter.

"Grey! Y-you're killing me! I can't breathe!", nakakailang na rin kasi kahit pa close kami. Alam niyo naman, masyadong mapanghusga ang mata ng mga tao. Baka mapagkamalan na namang timer ako.

"Sorry," then finally, pinakawalan niya na ako. Whooooooooo! Nakahinga rin. Inhale, exhale, inhale, exhale.

"I missed you so bad, sabi niya.

"Me, too."

Ginulo niya lang yung buhok ko.

**End of flashback**

"Kath, ba't natulala ka na dyan?" I came back to my senses when I heard his voice.

"Uhm, sorry. May naalala lang ako," sabi ko.

Anyway, nag-cr pa si Andrea.

"Uhm, Kath, may boyfriend ka na ba?" out of the blue niyang tanong.

Actually, simple lang yung tanong niya pero nahihirapan akong sagutin.

"Kath? You're spacing out again."

"Uhm s-sorry. What's your question again?" kunwaring hindi ko naintindihan yung tanong niya para makapag-isip pa ako ng sagot.

"I repeat, and please, listen carefully. Sayang laway ko, mahal 'to! Do you have a boyfriend?"

I sighed first before answering. Parang Q and A lang?

"Thank you for your wonderful but confusing question," sa isip ko lang yan. Hehe!

"Uhm, actually, I have one. But I have a fiancé, too," sabi ko.

"What do you mean?" he asked in curiosity.

"May boyfriend ako, si Charles pero may fiancé na ako, si Tyler," sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Tapos syempre, in-explain ko kung bakit naging ganun.

Saka lang din dumating si Andrea. Ba't ang tagal niya? Anong ginawa niya sa cr? Nag-swimming?

"Why are you so—what happened to you?" napansin ko kasi na may ilang mga kalmot siya. Tarantado! Nakipag-away sa pusa ang gaga!

"Who did that?" nanggigigil kong tanong. Aba, aba! Hindi ako papayag na ganyanin nila ang best friend ko!

"N-nothing. Don't mind them," aba! Ako ang kakalmot dito eh! Don't mind them ka dyan! Wala sa vocabulary ko yun.

Whoever did that, they're dead.

Marrying the Guy I Hateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن