MGIH C-35: Kiss in the Rain

Start from the beginning
                                    

Napunta na pala ako sa park kakatakbo. Umupo muna ako sa bench. Malakas pa rin yung buhos ng ulan. Nagmumukha tuloy akong basang sisiw dito. Chicks kasi ako.

Tumingin ako sa likod ko at parang nag-dribble yung puso ko sa nakita ko.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" napatayo ako habang tumitili.

"Sssshh. Don't shout! Mapagkakamalan pa akong manyak niyan eh! Akala nila kung ano nang ginawa ko sayo," he whispered.

"Ginulat mo kasi ako eh!" tinulak ko siya. Yung pabirong tulak lang.

"Miss, inaano ka ba ng gagong 'to?" biglang may lumapit saking lalaki at nagtanong. Patay! Napagkamalan nga siya.

"Ah kuya, boyfriend ko po siya. Nakakagulat po kasi eh, bigla na lang nag-teleport dito. Hehehe!" nahihiya kong sabi kay Kuya Savior tapos hinigit ko na si Mojo jojo, I mean si Tyler paalis ng park.

Napansin kong nakangiti siya. What's with the smile? Inaatake na naman ba ng kabaliwan 'to? Tatawag na nga ako ng taxi papuntang mental!

"You're like an idiot! Stop smiling like that, it's creepy," saway ko.

"Masama bang ngumiti kapag masaya ka?" sabat niya.

"Hindi naman. Pero sana sa bahay ka na lang ngumiti. Baka kasi, uh you know, mapagkamalan pang may kasama akong baliw na takas sa mental," I said giggling.

"You're too mean. Parang hindi mo ako BOYFRIEND ah," oh, that's it!

"Oh, so kaya ka nakangiti dyan kasi sinabi kong boyfriend kita kay kuya?"

He nodded.

"Tsk! I just did that for your own sake. Baka kasi kung saan pa makarating yun. Kawawa ka naman pag pinagtulungan ka nila. Pasalamat ka, kahit MANYAK ka naman talaga, hindi kita binuking!" nice acting, Kath! Pang award winning!

"Grabe ka naman makapagsalita. Buti nga sinamahan kita eh," he said sadly. Oooops. I hit him below the belt!

Habang naglalakad kami pauwi, di niya pa rin ako pinapansin. Ni simpleng paglingon or pag-check kung okay lang ako, hindi niya magawa. Galit ba siya sakin? Nakokonsensya tuloy ako.

May nakasalubong kami, I mean, ako, kasi parang wala naman akong kasama eh, na mga mukhang goons na gangsters yata. Sa mga nababasa kong stories sa Wattpad, yung mga gangster, pogi, matipuno at mukhang heartbreaker ang dating pero itong mga 'to, mukhang PAA! Mukhang paa ng kapre na nagkakape sa puno ng Balete.

"Miss, ang hot mo naman. Pwede mo bang painitin yung gabi ko?" *insert addict tone* na sabi ni gangster, I mean, paa #1.

"Ah ganun? Ano bang address niyo?" malambing kong sabi. Napansin ko namang dire-diresto lang si Tyler sa paglalakad. So, wala siyang paki sakin? Di niya ako tutulungan? Pwes, I don't need his help. I can handle this all by myself.

"Address namin? Bakit miss, payag ka bang painitin ang gabi namin?" tanong ni paa #2.

"Why not? Bigay niyo na lang address niyo, susunugin ko bahay niyo."

"Aba! Pinipilosopo mo kami miss ah!" parang adik na sabi ni paa #3.

"Hindi naman ako si Plato, Confucius o si Hypatia eh," sabi ko. Geez. Ito na naman ako, kung makapagsalita parang walang kinatatakutan. Naalala niyo pa ba yung sinagot-sagot ko sila Bianca ba yun? Ang tapang ko eh 'no? Ngayon naman mga paa este gangsters.

"Aba't loko pala 'to eh!" nanggigigil na sabi ni paa #2. Mukhang kakainin ako. Like eww! Kadiri kaya yung ngipin niya, golden teeth! Amoy marijuana pa yung hininga. Pang-asong ulol pa yung laway niya. At parang test paper pa yung ngipin niya, fill in the blanks, find the missing teeth! One seat apart pa! Aba! Matindi! Mas gugustuhin ko pang magpalapa sa werewolf kaysa sa kanya.

"Ano? Galawin na natin?" tanong ni paa #1 habang nakangiti. Parang Edward Cullen lang ah. Vampire? Dalawa lang yung ngipin sa harap at pareho pang nasa opposite side. Laughtrip ako dito oh!

I came back to my senses when paa #3 suddenly grabbed my right hand. Mukhang hindi ako laughtrip dito, crytrip pala. Somebody help me, please!

"Super Mario, help me!" sigaw ko. Eh? Nasabi ko tuloy yung nasa isip ko sa sobrang pagkataranta.

"Patawa ka miss! Yan yung gusto namin sa isang babae," nilapit niya yung mukhang paa niyang mukha na nilublob sa toilet bowl sakin kaya napapikit ako. Shit! Nanginginig ako!

**Booooooooooggggsssshh**

Si Super Mario na ba yun?

Iminulat ko ang mga mata ko. Alangan namang ilong?

Si Mojo jojo pala, I mean si Super Tyler. Pero isa lang siya at tatlo sila at ang malala, mga paa sila este gangster.

"Gago pala 'to eh!" susuntukin sana ni paa #1 si Tyler pero nakailag siya.

"Hindi mo ba kami kilala?" maangas na tanong ni paa #3.

"Hmm, ah oo! Naalala ko na kayo!" tumigil muna si Tyler sa pagsasalita at mukhang nagpipigil ng tawa.

"Kayo yung nakikita ko sa toilet bowl kapag dumudumi ako. Pfffffft!" natawa tuloy ako bigla. Nice one Tyler!

I saw their faces turned red in anger. Uh-oh. I can smell trouble. Mukhang maaapakan kami ah! Nagalit na ang mga paa eh!

"Puta! Banatan na natin 'to!" sabi ni paa #3.

Susuntukin niya na dapat si Tyler pero napigilan siya ni Tyler at yung kamao ni Tyler ang dumapo sa kanya. Hinawakan naman siya ni paa #2 at sinuntok siya ni paa #1. Shit! Naiihi ako sa pinaghalo-halong emosyon.

"Shit!" napamura ako nung maramdaman kong may mainit na likidong umaagos pababa sa legs ko. Holy shit! Naihi na nga ako. I'm so disgusted with myself. Buti na lang malakas yung buhos ng ulan kaya di halata.

Napatingin ako kay Tyler na pilit na lumalaban. Lumapit ako kay paa #3 na susuntukin dapat si Tyler at tinadyakan ko siya sa puwit.

"Damn you assholes! You son of a bitch! Mother fucker suck ass!" bigla na lang lumabas yan sa bibig ko habang isa-isa ko silang sinipa where it hurts the most. Mabaog sana kayo ng di na madagdagan ng lahi niyong mga tarantado!

Tyler looked at me with an impressed expression. I smiled awkwardly. Naalala ko na naman kasi yung *toot* alam niyo na. Embarrassing to mention. Hinila ko na agad siya bago pa maka-recover sa sakit yung mga paa at baka iprito pa kami sa nag-iinit nilang ulo.

**

"I thought you don't care about me. Akala ko pababayaan mo na ako kanina," sabi ko.

"Why would I? Di ko gagawin yun sayo," he stopped then faced me.

"I'm sorry. It's my fault."

"No, it's mine. Pinilosopo ko pa kasi sila eh," sabi ko naman.

"No, ako talaga. Kung di dahil sakin... hindi ka maiihi sa skirt mo."

What the fuck????!!!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! P-paano n-niya n-nalaman?

"P-pa—" he cut my statement by pressing his lips against mine.

After the kiss, he said:

"It's okay. Mahal pa rin kita."

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now