MGIH C-27: Ruined Date

Comincia dall'inizio
                                    

Nasa state of shock pa siya kaya napatitig na lang siya sakin. I'm so mean. Wag naman sana akong karmahin. Binigyan ko lang naman ng karma si Tyler. Hahaha! Ako na nagbigay. Di na ko makapaghintay na dumating yun eh.

Nung natauhan na siya hinabol niya agad ako sa may hagdan. Yung lakad ko pa naman ay yung lakad-pagod. Ang bagal na parang di ko na makayang buhatin yung sarili ko na parang inaantok pa. Pero nung hinabol niya na ko, mukha akong nakainom ng isang gallon ng espresso at biglang nagising. Bigla na lang akong tumakbo nang mabilis papasok sa room ko.

Isasara ko na sana yung pinto kaso hinarang niya yun ng kamay niya.

"Ouch!" sambit niya.

"It's your fault," sabi ko naman.

"Bumaba ka na kasi. Hinanda ko pa naman yun para sayo. Sayang naman yung food," sabi niya with puppy eyes. Tss. Hindi bagay ang puppy eyes sa monster. A monster is a monster.

"Pamigay mo sa mga babae mo!" ewan ko ba pero yan yung lumabas sa bibig ko.

"Ikaw lang naman yung babae ko eh," sabi niya.

"Ah. Babae mo lang pala ako eh. Sinong tunay na girlfriend mo?" tanong ko.

"I mean, ikaw lang yung babae sa buhay ko," pagpapaliwanag niya.

"So, anong tawag mo sa mommy mo? Tomboy ng buhay mo?" pambabasag ko.

"Kath naman eh," gusto kong humalakhak sa sobrang epic ng mukha niya! Whahaha!

"Pfffffffft! Hahahaha! Pfffft! Hahahaha!" ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

Napatigil ako sa pagtawa nang isandal niya ako sa pader. He leaned closer to me. Pilit ko namang inilalayo yung mukha ko sa kanya.

"Hey stop! Sisigaw ako ng rape!" pananakot ko sa kanya.

"Paano ka makakasigaw kung naka-cover yung bibig mo ng lips ko?" he said then smirked. Lord, please save me from this maniac monster. I promise I'll be a good girl.

"L-lumayo ka sakin!" kinakabahan na naiirita kong sigaw.

"May tanong lang ako sayo. Nahalikan ka na ba ni Charles sa lips?" nagulat naman ako sa tinanong niya.

"Eh ano naman sayo?" mataray kong sabi. Mas nilapit naman niya yung mukha niya sakin.

"Akin lang yang lips mo. Hindi ka pwedeng magpahalik sa iba," seryosong sabi niya tapos hinawakan niya yung lips ko. Ang manyak niyaaaaaaa!

Di na ko nakapagtimpi kaya tinuhod ko siya where it hurts the most.

Tinalikuran ko na siya at humiga sa kama habang nanonood ng TV.

"Ang sakit, Kath!"

"Bahala ka sa buhay mo!" cold kong sabi.

"Eh di ako na ang bahala sayo?" nakangisi niyang tanong.

"Get out of my room, now! I don't wanna waste time talking to you!" I yelled.

Lumapit siya sakin at binuhat ako na parang bride.

"Hey! Put me down!" pinalo-palo ko pa yung chest niya pero di pa rin siya natinag. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa baba.

Binaba niya ko sa harap ng romantic dinning table. Natatawa nga ko kasi maliit na yung red candle na nasa gitna.

"Ba't mo ba ako dinala dito?" naiinis kong tanong.

"Sabi mo, bahala ako 'buhay ko'. Ba't umaangal ka ngayon?" sabi niya. I just rolled my eyes.

"So, anong gusto mong mangyari?" I asked expressionless.

"Kalimutan mo muna si Charles... kahit... ngayon lang. Let's eat dinner together. Mayroon akong gustong sabihin sayo," mahinahon niyang sabi.

"Ano na naman bang sasabihin mo? Na kalimutan ko na si Charles? Na makipag-break na ko sa kanya? Na mahalin kita? *sighs* I don't wanna talk about nonsense topics with a nonsense person. I don't wanna argue with you anymore," mataray na sabi ko.

"I'm not hungry either. Nag-dinner na kami ni Charles kanina," pinagdiinan ko talaga yung Charles para mainis siya. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ko.

"Makinig ka kasi muna!" he yelled.

"Don't yell at me! 'Cause in the first place, ikaw ang naglagay sakin sa sitwasyong 'to! Tapos ngayon, maiinis ka sakin kasi ayaw kong makinig sayo! I said I don't wanna argue with you! Ano bang hindi mo maintindihan don? Kailangan ko pa bang i-translate sa alien language yun para pumasok dyan sa kokote mo?" I said irritated.

"It's not about that! Makinig ka muna kasi!" he yelled again.

"Damn!" sambit ko then tinapon ko yung pagkaing nasa mesa.

"Why are you not listening to me? You're pissing me off! I don't wanna talk to you. Kahit ano pang topic yan. J-just stay away from me! I don't wanna see you. 'Cause everytime I see your face, I'M HATING YOU MORE AND MORE," with that, umalis na 'ko and this time, hindi niya na 'ko pinigilan.

'CAUSE EVERYTIME I SEE YOUR FACE, I'M HATING YOU MORE AND MORE.

Marrying the Guy I HateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora