MGIH C-20: His Personal Nurse

Zacznij od początku
                                    

"Oh? Hija? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" sunod-sunod niyang tanong.

"Manang," humarap ako sa kanya.

"Look at me. This is so aaarggh disgusting! Manang, I'mma take a bath immediately. I'm going to scrub my whole body! This smells so bad! Eww. Just clean up this mess. Si Tyler itapon niyo na sa dagat. Yung marami pong pating ah? O kaya palapa niyo na lang po sa crocs. Basta bahala po kayo, kahit itapon niyo yan sa garbage truck. O kaya i-flush sa toilet bowl. Basta wag ko lang po yan makita pag labas ko ng banyo," bilin ko. And with that, pumasok na 'ko sa bathroom.

After ko maligo, pumasok ako sa walk in closet at nagbihis.

Paglabas ko...

Ba't nandito pa 'to? Ang sabi ko di ba itapon na 'to?

"Manang?" tawag ko. Asan na kaya yun? Pero in fairness, napalitan niya na ng pang itaas si Tyler.

"Hija, di ko siya nalipat kasi naka-lock yung kwarto niya. Hinahanap ko nga yung susi eh," pagpapaliwanag ni manang.

"Eh sa guest room po?"

"Hindi ko kasi siya madala roon kasi masakit na ang mga kasu-kasuan ko," sabi ni manang.

Geez. Paano na yan? Anong gagawin ko sa monster na 'to?

"Hoy Tyler! Bumangon ka na dyan! Hindi mo po kama yan. Pasarap ka dyan ah!" sabi ko habang tinatapik yung paa niya.

"Loko, nasusuka ako," sabi niya.

"What?! Nasusuka ka na naman? Buntis ka ba?" natatawa kong tanong.

"Loko, samahan mo ako sa cr. Gusto mo bang sukahan ko na naman 'tong kama mo?"

"Hmp! Halika na nga!"

Umakbay siya sakin. Ramdam ko naman yung body heat niya. Grabe! Mas nagmukha na lalo siyang galing sa impyerno sa sobrang init niya.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

"Oo. Pinainom ako ni manang kanina."

**Bluuuuurrrcckkk, aaaacccccckkk, aaaccccckkkk**

Hinimas ko yung likod niya. Naawa ako eh. Kahit na galit ako sa kanya, nakakaawa rin pala siya. Magiging mabait na nga muna ako sa kanya.

Umakbay ulit siya sakin pabalik sa kama. Nung nakahiga na siya, kumuha ako ng face towel, binasa ko tapos pinunasan ko siya.

"You don't have to do this," nanghihina niyang sabi.

"Choosy ka pa! Pasalamat ka nga naawa ako sayo! Kahit na monster ka, may kahinaan ka rin pala," I said then chuckled silently.

"Sorry pala kung nasukahan kita kanina. Di ko naman sinasadya," sincere niyang sabi.

"'Wag mo ng isipin yun."

"Okay lang sayo?" tanong niya.

"Syempre hindi! Kadiri kaya yun! Saka na ko babawi sayo kapag magaling ka na. Di ko yun palalagpasin 'no! Ayoko namang mag-take advantage sayo," sabi ko naman.

"Loko, nasa langit na ba ako?" bigla niyang tanong.

"Shunga! Asa ka pa! Di ka mapupunta don. Dami-dami mong kasalanan sakin eh!" natatawa kong sabi.

"Eh bakit nakakakita ako ng anghel sa harap ko?" tanong niya ulit.

"Sadyang maganda lang ako kaya ganon," I said proudly. Pagbigyan niyo na 'ko, mabait naman ako ngayon eh.

"Oo nga eh. Isa yun sa mga dahilan kung bakit mahal kita," he said smiling. Tapos kinuha niya yung nalaglag kong buhok tapos nilagay niya sa likod ng tainga ko.

Marrying the Guy I HateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz