MGIH C-18: Miserable

Start from the beginning
                                    

"Kath, ano ba! 'Wag ka namang magkalat dito! Kung lalabas na talaga, 'wag ka ng mag-inarte! Pasok na tayo. May nag-hihintay rin sayo sa loob. Mag-usap daw kayo. Di ba, di na rin kayo nagkakapag-usap these past few days? This is it! This is your chance. Come on!" then hinila niya ulit ako. Pero hinila ko na naman siya pabalik.

"Andrea, I can't."

"You can't? Are you insane? Duh? Kung iniisip mo na galit siya sayo... Well, tama ka!" she said then chuckled childishly.

"Joke lang! Ito naman! Hindi siya galit kaya gora na!"

"Andrea, you don't understand," binigyan niya naman ako ng then-ipaintindi-mo look.

I sighed.

"Hindi ako pwedeng makipagkita sa kanya. Tumawag kasi si mom kanina. Bawal na raw akong makipagkita sa kanya or she'll cut my allowance, I'll be grounded, too. No gadgets, no hangouts. It sucks! If that happens, my life will be miserable," pag-e-explain ko.

"Poor girl," pang-aasar niya.

"You're pissing me off," then I gave her a sige-mang-asar-ka-pa-masasakal-kita look.

"Sorry, okay? Sorry."

"Hmp!"

"Pero Kath, di ba magiging miserable pa rin yang buhay mo kung iiwasan mo si Charles?" tanong niya.

"Of course! Napakamiserable," sagot ko naman.

"Eh ba't pinili mo yung freedom mo to enjoy things kaysa sa love life mo?" tanong niya naman.

"Kilala ko na kasi si mom. Once na humingi siya ng favor, or I must say may inutos siya, gusto niya masusunod yun. Gagawa't gagawa siya ng paraan para mangyari ang gusto niyang mangyari. Mahirap kalabanin si mom. Natakot lang naman ako na baka may gawin siya kay Charles," I explained.

"Oh I see. Oh I see Charles looking at us!" she exclaimed.

"Hala! Paano 'to? Sabihin mo may LBM ako. Kailangan ko ng umuwi. Bye!" panic mode na 'ko.

"Okay. Bye! Ako na bahalang mag-explain. Sana maayos niyo pa 'to," with that, nagsimula na kaming maghiwalay ng path.

Kada hakbang ko papalayo, kumikirot yung puso ko. Di ko na naiwasang maiyak. Ang hirap ng ganito. Unti-unti akong pinapatay deep inside. Bakit bigla na lang kasing naging miserable? Naging complicated? Suddenly, unti-unting nagdilim ang paningin ko then everything turned into black.

**

Andrea's POV

Naghiwalay na kami ng path ni Kath. Nagsimula na akong maglakad papasok ng Starbucks.

"Kate, si Kath? B-ba't siya umalis? A-ayaw niya ba 'kong makita? Kate!" naghi-hysterical na tanong ni Charlengot. May ilan tuloy na tumingin samin.

"Relax Charles. May LBM si Kath. Natae pa nga siya sa pantalon niya eh. Pffft! Kailangan niya na raw umuwi. Sorry daw. Nakita mo naman na trinay niyang pumunta di ba? So, don't worry. Everything's gonna be f-fine," sana nga everything will be fine soon.

He took a heavy sigh. Problemado talaga siya. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon nila. Parang gusto ko tuloy umiyak. Buti na lang pala single ako. At least di ko mararanasan ang magulong mundo ng love.

Hinawakan ko yung kamay niya.

"It's okay Charles. Maayos din 'to," malambing kong sabi.

"Sana nga Kate. It hurts so much. Para akong bulag. Hindi ko alam yung nangyayari. Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Ugh! Hindi ko alam yung totoo," napatahimik na lang ako sa sinabi niya kasi ako, alam ko yung totoo pero di ko kayang sabihin sa kanya. Paniguradong magagalit siya sakin pag nalaman niya yung totoo. *sighs* Di pa rin pala ako ligtas. Damay pa rin pala ako! Ahuhuhu!

"Come on, Charles. Let's go home. You need to rest. Mukha ka ng zombie. Baka next time pag mag-uusap na kayo ni Kath, umalis na naman yun kasi natakot sayo," pagbibiro ko. Para di kami masyadong seryoso dito. Masyado na akong nadadala ng atmosphere.

Pagkauwi ko sa bahay, nag-call ako kay Kath pero mukhang nakapatay yung phone niya or di niya bitbit.

After a few hours, tinawagan ko ulit siya maybe this time sagutin niya na.

Connecting...

Ayun! Sinagot niya!

"Hello?" parang walang gana niyang sagot.

"Hello, Kath! Nasabi ko na kay Charles yung dahilan mo. Grabe! Ang hirap talaga ng sitwa—" naputol yung sasabihin ko sa narinig ko.

"Kath, pwede ka na raw makauwi mamaya sabi ng doctor," yan yung sabi sa kabilang linya.

"Kath, nasa ospital ka?" agad kong tanong.

"Oo. Nahimatay kasi ako kanina nung naglalakad ako pauwi," sabi niya.

"Hala! Kasalanan ko 'to eh! Pinabayaan kasi kita!"

"No Andrea. Hindi mo kasalanan yun okay? Hindi naman natin alam na mangyayari yun."

"So, bakit daw? Anong cause ng pagkahimatay mo? Wag mong sabihing—waaaaah! Buntis ka?" pasigaw kong tanong. OA ko ba?

"Andrea naman eh! Ang OA mo! Emotional stress lang 'to! Tsaka hindi kasi ako nakakatulog at nakakakain nang maayos these past few days," nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Pero ano raw? Emotional stress? Nagsa-suffer talaga siya emotionally. Kawawa naman ang best friend ko.

"Emotional stress? Umaygad! Wag mo masyadong damdamin yang problema mo Kath! Malalagpasan mo rin yan! Fight, fight, fight lang! Gusto mo bang mag-apply na ako bilang clown sa inyo? Basta malaki sweldo ah? Isasama ko na rin si Barney," pagbibiro ko. Kahit papaano, narinig ko siyang tumawa. *sighs* naaawa na talaga ako kay Kath.

"Andrea, kung pwede lang, 'wag mo ng ipaalam kay Charles 'to ah? Ayokong mag-alala siya sakin."

"Oh sure! Sige na! Baka nakakaabala pa 'ko. Baka pinagpapahinga ka pala dyan tapos nakiepal pa ko."

"Hindi ah! Napatawa mo nga ako eh. Sige. Bye!"

"Bye Kath! Take care ah? Always smile. 'Wag paaapekto sa problems. Nakakasira ng beauty yan! Sige ka! Mas maganda na ako sayo!"

"Gaga! Walang makakasira ng beauty ko 'no!"

"Isubsob ko yang mukha mo sa toilet bowl eh!" tapos sabay kaming tumawa.

"Sige bye na!" paalam ko tapos in-end ko na yung call.

I hope everything will fall into its own rightful place, in its own time, and at its own pace.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now