MGIH C-16: Revelation

Start from the beginning
                                    

Hard niya sakin. Isinusumpa talaga kita, Tyler!

Nanahimik na lang ako at tumalikod.

"Joke lang! Para sating dalawa yun, Loko. Hahayaan ko bang magutom ang asawa ko? Alam ko namang walang magtitiyaga sa nilagang kanin mo este oatmeal mo eh," hinawakan niya yung kamay ko from behind tapos hinatak niya ko. Hilig niyang maghatak! Niyakap niya naman ako mula sa likod.

"Sorry," bulong niya.

Tinanggal ko naman yung kamay niya sa baywang ko pero mas hinigpitan niya yung yakap niya kaya di ko matanggal.

"Tyler, ano ba!" pinipilit ko pa din tanggalin yung kamay niya pero useless.

"I love you, Loko."

Humarap naman ako sa kanya.

"I hate you, Mokong," sabi ko habang sarcastic na nakangiti.

Ngumiti siya. After that evil smile, I felt his lips touched mine.

Agad ko naman siyang tinulak palayo.

The doorbell rang.

Naglakad na siya papuntang pinto at binuksan tapos naglakad na siya sa garden para buksan yung gate.

Bwisit talaga yung lalaking yun! Ugh!

Maya-maya, pumasok na siya na may dala-dalang pizza.

Kumain kami nang tahimik.

"Loko, simba tayo mamaya," he broke the silence. Duh?! Ayoko ngang magsimba kasama ka!

"Oh? Nakakapasok ka pa pala sa simbahan? Buti di ka nasusunog?" pang-iinsulto ko. Baka sakaling tigilan niya na ako. Kaso, dahil certified monster siya, walang effect yun for sure.

Nakita kong umilaw bigla yung phone ko. Tiningnan ko yung screen kung anong meron.

Tumatawag si Charles.

In-accept ko yung tawag niya.

"Hello?"

"Babe, simba tayo mamaya. Sunduin kita," panimula niya. Sunduin? Hindi pwede!

"Uhm Charles, kita na lang tayo dun," pumayag ka please. *crosses fingers*

"Bakit ayaw mong sunduin kita?" tanong niya naman. Patay! Anong idadahilan ko?

"Loko, kain na tayo ng breakfast!" sigaw ni Tyler na nakaupo sa sofa habang kumakain pa rin ng pizza. Pahamak talaga 'to! Arrrrgh! Nahihirapan na nga kong umiisip ng dahilan, dadagdagan pa! Tsk, tsk, tsk!

"Sino yung nagsalita? May lalaki kang kasama dyan?" tanong ni Charles sa kabilang linya.

"Ah p-pinsan ko yun. L-loko nga tawag niya sakin, di ba?" di niya naman siguro alam yung mga love ko, love ko na yan na pauso ni Tyler.

"Ah, sige na. Kakain na raw kami. Kita na lang tayo dun huh!" kahit papaano din pala nakatulong si Tyler.

"Bye. I love you."

"I love you, too," with that, in-end niya na yung call.

Pagkasabi ko ng 'I love you, too' kay Charles, nakita kong nag-frown yung mukha ni Tyler. Hahaha! Selos!

"Seloooooos!" pang-aasar ko sa kanya.

"Selos ka dyan! Si Charles kamo ang magseselos sakin kasi ikakasal tayo, nagli-live in pa tayo saka ilang beses na kitang nahalikan!" tapos ngumiti siya nang nakakaloko.

"Gusto mo dagdagan pa natin?" nakangisi niyang tanong.

"Lul! Lumayo ka sakin!" tapos umakyat na ko.

Kinahapunan, nag-ready na ko para magsimba with Charles.

Pagkababa ko, nakita ko si Tyler, nakabihis din.

"Let's go!" inalay pa niya yung kamay niya.

"Let's go ka dyan! Mag-isa ka! Magsisimba kami ni Charles," then nilagpasan ko siya at nagsimula ng maglakad palabas.

**

Nagkita na kami ni Charles. Parang may kumirot na naman sa puso ko. Pa'no na lang pag nalaman niya? Magiging ganito pa kaya kami?

"Loko!" pakshet! Si Tyler!

"Anong oras ka uuwi sa bahay?" nakangiting tanong niya. Wala ba siyang alam gawin kundi sirain ang love life ko? Bwisit! Bwisit talaga!

"H-huh? Anong sinasabi mo?" pagkukunwari kong walang alam.

"Psh! Loko naman eh. Wag ka ngang magmaang-maangan na hindi tayo nakatira sa iisang bahay! Porket kasama mo yang boyfriend na soon-to-be ex mo, ginaganyan mo na 'ko?" tumingin naman siya kay Charles.

"Bro, invited ka nga pala sa kasal namin ni Lo—" di niya na natapos yung sasabihin niya dahil sinuntok siya ni Charles.

Nagulat ako sa ginawa ni Charles. Tumulo ang luha ko nang di ko alam ang dahilan.

"C-Charles," sambit ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Totoo ba yon?" seryosong tanong niya.

"C-charles," ito na naman. Ito yung ayaw kong mangyari eh. Hindi ko alam yung isasagot ko. Ayokong masaktan siya.

Lumakad siya palayo.

"Charles, hindi yun totoo!" pahabol ko. Pero nagdire-diretso lang siya ng lakad. Di niya 'ko pinansin.

"Charles!" tawag ko pero di pa rin siya lumingon.

I tried chasing him pero pinigilan ako ni Tyler.

"BITIWAN MO AKO! KASALANAN MO 'TO EH!" pilit akong nagpupumiglas sa kanya. Tuloy-tuloy naman yung pagtulo ng luha ko. Di ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"BAKIT KA BA KASI DUMATING SA BUHAY KO?! BAKIT—ARRRRGGGH! ANG GAGO MO KASI! HINDI AKO MAGPAPAKASAL SAYO! MAMAMATAY MUNA AKO BAGO MANGYARI YON!" with that, umalis na ko.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now