MGIH C-15: Living Under the Same Roof

En başından başla
                                    

Nung nasa taas na 'ko, papasok na sana ako sa room ko nang may marinig akong naglalaro ng Tekken. Syempre memorize ko na yung tunog nun, favorite game ko yun eh. Naglalaro pala si Monster este Tyler ng PS4 sa room niya. So, katapat ko pala ng room 'to?

Pumasok na 'ko ng room, and wow! Nice room! Tumakbo ako papunta sa bed at nagtatatalon. Isip bata lang? Narinig kong nag-creek yung door kaya napatingin ako. Nakita ko si Tyler na nakatingin sakin na parang naaaliw sa ginagawa ko.

"Why are you staring at me?" tanong ko habang nakapamaywang. Syempre di dapat pa-obvious na medyo nahiya ako dahil nakita niya kong ganun.

"You're cute. Isip bata ka pala?" di ko alam kung insulto ba yun o compliment eh.

"Oo, kaya wag mo na 'kong pakasalan."

He chuckled teasingly.

"Mahilig kaya ako sa childish," sabay sabi niya.

"Pwes, binabawi ko na," mataray na sabi ko naman.

"Joke lang din yun eh," hanggang kailan ba ko tatantanan ng kumag na 'to?

Binato ko siya ng unan.

"Layas!" sigaw ko.

Kumuha ulit ako ng isa pang unan tapos binato ko ulit sa kanya.

"Akin na 'to huh?" sabay kuha niya ng unan ko at tumakbo papasok sa kwarto niya.

"Hoy! Akin na yan!" kumaripas naman ako ng baba sa kama at hinabol siya.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakitang nakahiga siya sa kama niya.

"Hoy! Akin na nga sabi!" sinimulan kong hatakin yung unan. Napatayo naman siya.

Para kaming nagta-tug of war ngayon. Binitawan ko yung unan para tumalsik siya. Hahaha! Mautak yata ako. Kaso mas mautak pala siya. Hinawakan niya kasi yung kamay ko kaya nasama ako sa pagbagsak niya. Ang awkward na naman tuloy ng position namin. Kung nung nabunggo niya ko nung nagbabike siya, nasa ibabaw ko siya, ngayon naman, ako ang nasa ibabaw niya.

"Aaaaaah! Anong ginagawa niyo?" napatingin kami sa sumigaw. Shit! Si manang! Oo, si manang. Kasama namin siya dito.

Napatayo kaming dalawa.

"M-manang, wala po yun. Siya po kasi eh," nahihiya kong turo kay Tyler.

"Sorry po manang. Masyado po kasi kaming excited magka-baby. Di na po muna namin gagawin, promise," tapos tinaas niya pa yung kamay niya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Nakita ko ring nanlaki yung mata ni manang sa sinabi ni Tyler.

"Ah. S-sige. Maiwan ko na kayo," lumabas na si manang pero sumilip pa siya ulit. Mukhang may pahabol pa.

"Mga bata pa kayo tandaan niyo yan," with that, tuluyan na siyang umalis. Nakanganga pa rin ako.

"Tara! Tuloy na natin!" nakangiting sabi ni Tyler.

"Aaaaaarrrrrrrggggghhh!", sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka ba pinanganak na ganyan? Wala ka ng alam kundi mang-inis ng tao! Aaaaarrrgggghhh! Bawiin mo yung sinabi mo kay manang kundi babawiin ko yang buhay mo!"

"Pag binawi mo ang buhay ko, eh di wala ka ng mamahalin," tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

"Mamahalin your face! Di ako marunong magmahal ng katulad mo!" sabi ko then lumabas na 'ko ng room niya nang padabog.

"Kakainin mo rin yang sinabi mo balang araw," sigaw niya.

"Asa! Di ko kakainin yon! Pangit lasa!" pahabol ko.

Kinabukasan...

Pagkagising ko, nag-toothbrush agad ako at lumabas ng kwarto.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, si Tyler agad ang bumungad sakin na humihikab-hikab pa.

"Hi Loko, good morning!" bati niya sakin with husky voice. Makaloko 'to ah! Baka gusto niyang matulog ulit pag sinapak ko siya!

"Makaloko ka ah! Ikaw nga yung loko dyan eh!"

"Ay! Di na-gets! Endearment natin yun!" parang disappointed na sabi niya.

"Huh? Bakit loko?" naguguluhan kong tanong.

"LOKO, short for LOve KO," then he winked at me.

"LOKO! LOKOhin mo lela mong panot!" pang-aasar ko.

Bumaba na ko sa hagdan at dumiretso sa kusina. Narinig ko naman yung footsteps niyang sumusunod sakin. Di ko na lang yun pinansin. Masisira na naman yung araw ko pag pinansin ko pa yan.

"Manang, buntis po si Kath," tumingin sakin si manang. Tiningnan ko si Tyler ng masama. Nag-wink lang siya sakin. Pahamak talaga 'to!

"Manang, don't ever listen to his lies. Lahat po ng pinagsasasabi niya since nasa ospital ako, puro kasinungalingan. As in pure kasinungalingan," pagde-defend ko.

"Hoy! Grabe ka naman!" sabat niya.

"Never po akong magkakagusto sa monster na yan 'no! Ang sama-sama po ng ugali niyan! Lakas makapambwisit!" pagpapatuloy ko.

Tumawa lang si manang. Di niya man lang ba ako kakampihan? Tatawanan niya lang ako? Haaay!

Pagkatapos kong mag-breakfast, pumunta akong living room para manood ng TV. Nilipat ko yung channel sa Cartoon Network. Trip ko manood ng cartoons eh!

Tawa ako ng tawa sa pinapanood ko nang biglang pumatay yung TV.

"Hala? Brown out?" sambit ko.

Nakita kong bukas yung ilaw sa kitchen. So it means, hindi brown out. Eh ba't pumatay? Baka may multo? Waaaaaah!

"Hahahahahahaha!"

May narinig akong tumawa at alam kong si Tyler yun. Papansin talaga 'tong lalaking 'to! Wala palang multo dito, nakalimutan ko lang na may kasama nga pala akong monster.

"Bwisit ka talaga!" kinuha ko yung lampshade sa side ko tapos hinabol ko siya. Maliit lang naman yung lampshade saka di masyadong mabigat kaya nakaya ko naman. Wala eh. Yun yung una kong nakita eh.

"Uy! Wag yan! Masira yan!" saway niya sakin.

"Manang! Si Kath po pinapalo ako ng lampshade!" at aba! Nagsumbong pa!

"Katherine! Hija, 'wag yan," lumapit naman sakin si manang at kinuha yung lampshade.

Nasa may kusina na kami ngayon kaya ang next kong kinuha ay yung frying pan. Tangled lang ang peg?

Kinuha niya naman yung spatula. Spongebob naman ang peg niya!

Tapos naglaban kami gamit ang mga weapons namin.

Rapunzel vs Spongebob

Nakaabot pa kami sa pool side sa paglalaban namin. Hanggang sa tinulak ko siya sa pool gamit yung frying pan ko. Tapos hinila niya na naman ako kaya we end up very wet.

Ayun. Kung nag-start ang araw ko nang nabibwisit ako sa kanya, nag-end din yon nang nabibwisit ako sa kanya. *sighs* Hindi ko ma-imagine na magiging ganito ako FOREVER kasama siya.

Marrying the Guy I HateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin