"I'm listening," sabi ko saka napalingon kay Cloud, Tasha, at Eva na nakaupo sa waiting area.


"Kleya, don't let anyone know who you are! Wag niyong sasabihin sa kahit na sino ang pangalan niyo at wag na wag niyong sasabihin sa iba ang tungkol sa Cosima! Keep your heads down, naiintindihan niyo?! Umiwas kayo sa mga CCTV! They could be monitoring everything by now!" bulalas pa niyang muli kaya agad nakunot ang noo ko.


"What are you talking about?" tanong ko at muli akong napatingala. Nang makita ko ang CCTV na sa kisame ay agad akong tumalikod.


"Tatawagan ko si Lauren. Diyan lang kayo at hintayin niyo siya. 'Wag na wag kayong kakausap sa kahit na sino—" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang mga pulis na lumapit sa kanila at para bang kukunan na sila ng salaysay. Dali-dali kong binaba ang telepono at nagtatakbo patungo sa kanila.


Dali-dali kong hinarang ang sarili ko sa harapan ng mga pulis. "Mamaya na kami magbibigay ng statement oras na dumating ang abogado namin," bulalas ko.


Saglit na nagkatinginan ang mga pulis. "O sige, sa ngayon pangalan niyo nalang muna ang hihingin namin," sabi nito.


"Wait for our lawyer," giit ko at sa puntong iyon ay muling nagkatinginan ang mga pulis. Naguluhan man sa inasal ko, nagtanguan naman sila at nagtungo na lamang sa vending machine.


"They just wanted our names, Kleya," sambit ng walang kabuhay-buhay na si Eva kaya agad akong napalingon sa kanya.


"We can't tell anyone who we are or where we're from. We're all technically dead, we literally have death certificates," pabulong kong paalala sa kanilang tatlo. "Lauren's coming, let's wait for her before we talk to anyone or even go anywhere. And as much as possible, umiwas tayong mahagip ng CCTV." Giit ko pa at nagsitanguan naman sila.


"M-magiging okay sila diba?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Cloud habang nakatingin sa kawalan. At kahit nakatulala man ang luhaang si Tasha, nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Cloud upang mapakalma ito.


"We're not called survivors for nothing," giit ni Tasha.


Umupo ako sa harapang nasa tapat nila. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang pansamantala pero bigla kong napansin ang flower crown ni Tasha na ngayo'y tabingi na. "We were almost slaughtered by a bunch of ugly freaks but your flower crown is still on top of your head. That's just weird."


Hindi kumibo si Tasha, bagkus ay napasandal lamang siya sa kanyang kinauupuan at napapikit. I guess she's too tired to fight with me.


"Wala ba kayong nahanap na bag o kung ano man doon sa restaurant?" tanong ko kay Cloud pero bigla na lamang dumilat si Tasha at napatingin sa akin.


"What kind of bag are you looking for?" tanong pabalik ni Tasha. Sa tono ng pananalita niya, para niya akong pinagsusupetsahan.


"Narinig ko si Ninang kanina, naiwan daw ang bag niya sa loob ng restaurant. Hinanap niya iyon kaya malamang may laman iyong importanteng bagay," giit ko.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now