21 : Fight now, cry later

Começar do início
                                    


Pinulot ko ang tubo na kanina ay hawak ni Punk at iniabot ito kay Eva. "Punk fought like a wretch until the end. You know what you gotta do—Fight now, cry later." Pagdidiin ko.


Dala ang isang piraso ng tubo sa kanang kamay, hawak ko naman ang isang punyal sa kaliwa. Dali-dali akong bumaba upang maghanap ng ibang madadaanan, sumusunod sa akin sina Ruth at Eva. Ngunit nang nasa huling mga baitang na ako, narinig ko ang isang malakas na kalabog sa pinto—may nagtatangkang pumasok!


Dali-dali kong nilibot ang paningin ko at nang makita ko ang counter ng computer shop ay agad akong nagtago sa ilalim nito. Gaya ng inaasahan ko, sumunod naman agad sa akin sina Ruth at Eva. Naiinis man, wala akong magawa kundi hayaan silang makihati sa pinagtataguan ko.


Sinenyasan ko sina Ruth at Eva na wag gumawa ng ingay at agad naman silang tumango-tango. Ilang sandali pa ay tuluyan naming narinig ang pagbukas ng pinto, kasunod nito ang boses na animo'y sumisinghap.


"Huwag! Pakiusap 'wag!" May narinig kaming sumigaw, boses ng isang lalake.


"Willy!" napasinghap si Eva sa gulat kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Pero wala na akong nagawa pa sa sumunod na nangyari. Bigla na lamang inagaw ni Ruth ang hawak naming mga tubo at umalis siya mula sa pinagtataguan namin.


"Layuan niyo siya!" sigaw ni Ruth kaya napasampal na lamang ako sa sarili ko dahil sa inis.


"Ruth!" agad na humabol si Eva at lumabas din sa pinagtataguan namin.


"Bullspit," bulong ko sa sarili ko at napapikit na lamang sabay kuyom ng kamao ko. Gusto na ba talaga nilang mamatay?! Di ba nila ginagamit ang utak nila?! Bahala sila! Bahala na sila sa mga buhay nila! Basta ako, dito lang ako!


Naririnig ko silang sumisigaw; nakikipaglaban at pino-protektahan ang isa't-isa. Hindi sila tumatakbo palayo, lumalaban sila.


"Ate Kleya, tulong!" Narinig kong sumigaw si Ruth at sa puntong iyon ay napatingala na lamang ako at napatili sa sobrang inis. Ano pa nga bang magagawa ko?!


"I forking hate you all!" Sigaw ko at napatalon na lamang sa ibabaw ng counter habang hawak ang punyal ko. "Shit!" napamura ako nang wala sa oras nang makitang andito rin pala si Aaron, pero kahit apat silang nagtutulungan, mas marami parin ang mga kalaban. It's 4 against... I don't know 12? At ang mas malala pa rito ay may dala-dala ng gamit ang ilan sa kanila gaya ng kutsilyo at itak.


"Kleya, diyan ka lang!" sigaw ni Aaron habang nakikipambuno sa dalawang kalabang nakapalibot sa kanya. His head is bleeding and he's obviously losing. And wait, did he just underestimate me?! Oh heaven's no! I'm not some fragile girl who needs protection!


Gamit ang punyal, agad kong sinugod ang kalabang tumatakbo patungo kay Ruth at Eva. Sinaksak ko ito sa batok dahilan para agad itong bumagsak sa sahig. "Ate, salo!" sigaw ni Ruth at hinagis niya pabalik ang tubo na inagaw niya mula sa akin.


Pinagpapalo ko sa ulo ang bawat kalabang nakita ko. Nagtulungan kaming lima ngunit kahit anong gawin namin, sadyang hindi nauubos ang mga kalaban, may dumarating mula sa pinto.

Psycho next doorOnde as histórias ganham vida. Descobre agora