21 : Fight now, cry later

72.8K 3.6K 2.8K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

21

Fight now, cry later

Kleya


Lumapit ako sa bangkay ng babaeng pumatay kay Punk at lumuhod sa harapan nito. This time, hinawakan ko na talaga ang leeg niya para damhin ang pulso niya kung patay na ba siya at upang mapigilan siya just in case bumangon na naman siya at magaya ako kay Punk.


"Oh crap, I'm so going to hell for this," napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtanto kong patay na ito. On the bright side, hindi ko alam kung ano ang ikinamatay niya—kung ang pagpalo ko ba ng tubo sa ulo niya o ang saksak na dati na niyang natamo bago pa man kami dumating.


"Smile wide for Kleya," bulong ko na lamang saka ginawa ang kanina ko pa gustong-gustong gawin. Gamit ang sarili kong mga daliri, binuka ko ang kanyang bibig upang makita nang maayos at malapitan ang kanyang mga ngipin.


"That's nasty." Hindi ako mabilis mandiri, pero sa pagkakataong 'to, hindi ko na naiwasang mandiri habang pinagmamasdan ang kanyang gilagid at mga ngipin—o kung ngipin pa ba ang tawag dito. It's like someone surgically attached these sharp metal teeth on her gums. I literally can't find a single normal tooth inside her mouth, she doesn't even have molars!


The way it was attached to her gums—it looks disgustingly painful; her gums are even dark and swollen. No wonder they're wild and deadly, I mean kung magkakaganito rin ang bibig ko, magwawala rin ako.


But come to think of it—how did this happen to them? Did they wanted this or someone deliberately made them a monster? If someone made them this way... whoever did this to them is a bigger monster than them. I mean they're just normal teenagers, some of them are as young as Ruth. How did they end up like this? I have so many questions in mind... Why are they doing this to us? What the heck is wrong with them? What drove them to madness? What happened to them? This is driving me insane!

Gusto ko sanang hawakan at suriin pa nang mas mabuti ang ngipin niya kaso baka sumara bigla ang ngipin niya at maputulan ako ng kamay, ganun yun sa horror movies eh, yung akala mo okay na, hindi pa pala.


Tumayo na lamang ako at lumapit muli kay Eva at Ruth.


"Come on, Eva. Let's get the hell out of here," sabi ko ngunit patuloy parin si Eva sa pag-iyak habang yakap-yakap ang bangkay ni Punk. Napakalakas ng iyak niya, baka mamaya matunton pa kami ng iba rito dahil sa ingay niya.


"If you want to cry, don't make it too loud otherwise we will end up like Punk," giit ko at unti-unting bumitaw si Eva sa bangkay ni Punk at pinasandal niya itong muli sa dingding. Si Ruth naman ay hindi umaalis sa tabi ni Eva, pinapalakas niya ang loob nito.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now