17 : The Wake

Magsimula sa umpisa
                                    


"Sayang sarado na yung computer shop," narinig kong nagreklamo si Cloud.


"Or we could just break in," pabulong na sambit ni Wolfgang habang bumubungisngis.


"Tangina, hindi ako magnanakaw pero miss na miss ko nang mag-dota," tila ba wala sa sariling sambit ni Aaron habang nakatingin sa direksyon ng computer shop.


"Ano? Pasukin na natin?" sambit ni Willy habang may pilyong ngisi sa kanyang mukha.


"Mga hijo, magbubukas ang computer shop bukas. Hintayin niyo nalang," biglang sabat ng babaeng nagpasakay sa amin. Narinig pala niya ang usapan ng mga loko pero mukhang hindi naman siya galit. Sa katunayan, nakangiti pa nga siya.


"Oh siya. Alam kong pagod kayo sa byahe. Pumasok muna kayo sa restaurant namin," dagdag pa niya kaya nagsimula kaming maglakad nang sama-sama papasok rito, sa pangunguna ng babae. Ang asawa naman niya ay nagpaiwan at mukhang naghahanap pa ng maayos na parking space.


"Ano po palang pwede naming itawag sa'yo? Maraming salamat po sa pagtulong sa amin," tanong ni Shey sa babae. Respectful naman pala ang isang 'to, pareho lang pala kaming hindi trip si Tasha.


"Tawagin niyo nalang akong Ninang, tutal yan naman ang tawag sa akin ng lahat dito. Ninong naman sa asawa ko," sabi pa niya at saka binuksan ang pinto dahilan para sumalubong sa amin ang kulay dilaw na liwanag na nagmumula sa loob at pati narin ang lumang musika na pinapatugtog sa loob.


Sa isang iglap, tumigil ang musika at tumahimik ang paligid. Nagtinginan sa amin ang lahat, mula sa mga waiter, performer at mga customer na nasa kani-kanilang mesa. Mabilis din naman nilang tinanggal ang kanilang tingin sa amin at nagpatuloy na sila sa kani-kanilang ginagawa.


"Weird," natatawang sambit ni Tasha na mukhang nailing dahil sa nangyari.


"Nagsalita ang babaeng araw-araw na may flower crown sa ulo," pagpaparinig ko dahilan para irapan niya ako.


"Oh, wag nang mag-away. I-enjoy na natin ang libre," bulalas ni Aaron sabay hila sa akin patungo sa bakanteng mesa sa nasa gitna ng silid. May kalakihan ito at mukhang kakasya kaming lahat.


"I like it, this place seems so vintage," pahayag ni Shey nang maupo kaming lahat sa mahabang mesa. I tried to sit next to Eva since she's the one I could tolerate the most but unfortunately, naunahan ako ni Punk at Ruth. Unfortunately, I ended up sitting between the two tall idiots again—Wolfgang and Aaron.


"Puta, mababaog ako sa tugtog," komento ni Wolgang habang iniipit ang mukha niya sa kanyang mga palad, dahilan para lumapad ang kanyang mga nguso. He looks so frustrated. First time ata 'tong makita ko siyang hindi nakangisi na parang baliw.


"Stop cussing directly, use euphemisms," giit ko saka sinamaan siya ng tingin.


"Euphe-what?" Tanong ni Wolfgang kaya napabuntong-hininga na lamang ako at umiwas ng tingin. He's hopeless, why bother.


Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon