Epilogue: The Shore

2.9K 58 4
                                    

This chapter is dedicated to @thesealer

Epilogue
"Oh, come on."

Pakiramdam ni Tyler nawala lahat ng lakas niya nang makita ang napakakalat na sala. She's been cleaning their whole house the entire day tapos makikita niya ang sala na ganito nanaman kagulo.

"PHOENIX!" sigaw niya na halos mapatid ang litid niya sa leeg

Halos madulas na lumapit si Phoenix sa kanya habang buhat ang isang batang babae kasunod ang isa pang batang lalaki.

"H-hon," nauutal na tawag ni Phoenix sa kanya pero sinamaan niya lamang ito ng tingin.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Hon at na-iimbyerna ako sa'yo!" galit na sigaw niya.

"Daddy what's naiimbyerna?" inosenteng tanong ng batang hawak nito. Tinignan naman ito ni Phoenix na parang hindi alam ang isasagot.

"Love is mad again at you, Dad," sabi naman ng batang lalaki na nasa tabi lamang ni Phoenix.

"Daddy you didn't answer my question," nakasimangot naman na sabi ng batang babae. Tinignan siya ni Phoenix na parang nanghihingi ng tulong pero tinaasan lamang niya ito ng kilay.

"Why don't you come with your Kuya Ridge first, baby. Your mother and I need to talk first," nakangiting sabi nito sa bata.

"But.."

"I'll buy your favorite rocky road ice cream later," putol nito sa sasabihin ng bata. Napangiti naman ito at nagmamadaling bumaba sa pagkakabuhat ni Phoenix bago hinila ang Kuya Ridge nito. May pagtutol pa sa mga mata ni Ridge pero wala itong nagawa ng mahila na ito ng kapatid.

"Daddy, huwag ko masyado galitin si Love," kunot noong paalala nito kay Phoenix na sinang-ayunan na lamang ng ama. Ridge has been calling her Love. Bagay na ginaya niya sa ama. Phoenix use to call her that way pero nang simulan na siyang gayahin ng anak ay naiba na tawag nito sa kanya.

"Ang aga mong stress, Hon," paglalambing pa nito sa kanya at akmang lalapitan siya pero agad na napahinto ito ng akmang ihahampas niya rito ang hawak na walis.

"I told you to play with them outside so that I can clean the whole house pero dito pa rin pala kayo sa sala naglaro. Kung kailan nalinis ko na ang sala, nagkalat nanaman kayo!"

"Pero, Hon, nainip na ang mga bata sa labas that's why. Sinabihan ko naman sila na huwag magkalat."

"And you think na susunod sa iyo ang apat na taon na mga bata?! As if naman mapipigilan mo sila sa pagkakalat! Ngayon ikaw maglinis niyan! Pagod nako!"

Tinapon niya ang hawak na walis sa harapan ni Phoenix at nagpunta na lamang sa kusina. She still needs to cook for their lunch and prepare some snacks for the kids dahil paniguradong nagutom na ang mga iyon sa paglalaro.

She was busy making macaroni salad nang maramdaman niya ang pagpalupot ng mga braso sa bewang niya. Itinigil niya ang ginagawa at napabuntong hininga.

"I told you we should hire a maid so you won't get this tired," bulong ni Phoenix sa tenga niya. He rested his chin on her shoulder and started kissing her neck. He has an easy access on her neck dahil nakapusod ang buhok niya.

Hinarap niya ito at sinalubong ang mga mata nito.

"You know the reason why I don't want to," mariin na sabi nito.

They've been living a normal life now for more than 5 years. She still have her powers pero mahigit limang taon na rin niya itong hindi ginagamit. When Abcdee and Ridge were born, inakala nila noon na mamamana ng mga ito ang kapangyarihan niya. Pero hanggang ngayon naman ay nakikita niya na normal na tao lamang ang mga anak nila. Hopefully they didn't inherit her powers because that only means that she can never erase the wizards on this world.

EnchantedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora