Prologue

20.5K 349 6
                                    

Patuloy na pagkatok ang narinig niya mula sa pintuan ng kwarto pero hindi niya pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok na iyon. Nanlalaking matang nakatingin lamang siya sa salamin na nabasag niya kanina at ngayon ay nagyeyelo na nang kanyang hawakan.

"Tyler! Ano ba?! Isang linggo ka ng hindi lumalabas sa kwarto mo ah! Buksan mo nga ito!" sigaw muli ng kanyang ina mula sa pintuan pero hindi niya pinansin.

Hinawakan niya ang kanyang buhok na ngayon ay kulay puti ng lahat. Ang dating itim na itim na mga mata niya ay naging asul na at ang kwintas na nakita niya sa mansyon na iyon ay patuloy na nagliliwanag.

"Bubuksan ko na to."

Narinig niya ang pagkalaksing ng susi mula sa labas ng pintuan pero wala siyang pakialam. Hanggang sa bumukas ang pintuan anpr iniluwa noon ang kanyang ina at kasunod pa ang mga kaibigan maging si James na nasa likuran nito.

"Ano bang problema mong ba--" napanganga na lamang ang kanyang ina ng makita siya, "--ta ka."

"Mom, pwedi ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya sa ina. Narinig niya ang pagsinghap nito maging ang kanyang mga kaibigan ng humarap siya sa mga ito at makita ang kulay asul niyang mga mata.

Agad na pinalabas ng ina ang kanyang mga kaibigan sa kanyang silid at inilock ang pintuan. Lumapit ito sa kanya upang haplusin ang malambot na ngayon ay kulay puti niyang buhok.

"Anong nangyayari sa akin?" naiiyak na tanong niya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo. Noong gabing nagkaroon ka ng kulay puti na katulad ng niyebe ang buhok mo, saan ka galing?" tanong ng ina.

"Bakit? Sabihin mo nalang kung anong nangyayari sa akin!"

"Sagutin mo ang tanong ko!" nagulat siya sa pagsigaw ng ina kaya naman sinqbi niya ang totoo.

."Doon sa sinasabi nilang haunted mansion na malapit lang sa school namin."

Nakita niyang mariin na napapikit ang kanyang ina bago siya tinignan ng malalim sa mata.

"May kinuha ka ba sa mansyong iyon?"

Akmang iiling siya pero hinawakan siya ng ina sa braso kaya naman tumayo siya at ibinigay sa kanya ang kwintas na kinuha niya sa mansyong iyon. Narinig niya ang pagsinghap ng ina ng makita ang kwintas na iyon. Agad itong lumabas ng silid niya pero agad ding bumalik na may dala-dalang isang makapal na libro na halatang luma na.

"Tama ako,"

"Mom ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong niya.

"Ito ang Lumen Necklace. At ikaw ang sinasabi ng propesiya na magbubukas muli ng lagusan patungo sa kabilang mundo."

EnchantedWhere stories live. Discover now