Chapter 38: The Guardian's Death

2.4K 55 2
                                    

Chapter 38

It's hard. Iyon ang masasabi ni Tyler habang nakikipaglaban siya sa dark prince. She's now using the power of the necklace pero nahihirapan pa rin siyang labanan si Jullian lalo na sa bawat atake na natatanggap nito mula sa kanya, agad na naghihilom ang sugat nito kahit gaano pa iyon kalalim.

Sa muling pagsugod niya ay nasangga agad iyon ni Jullian kaya naman ginamit niyang pagkakataon iyon upang subukang alisin na ang kapangyarihan nito at gawin itong ordinaryong tao.

"Maybe you have that power but you can't use that over me," sabi ni Jullian na ipinagtaka niya.

Inalis niya ang kapangyarihan nito ngunit walang nangyari na siyang ipinagtaka niya.

"H-how?" hindi makapaniwalang sabi niya kaya naman napangisi na lamang si Jullian sa kanya.

"Because you can't use that power twice on the same wizard."

"What?"

Hindi niya maintindihan. Paanong hindi pwedeng gamitin sa ikalawang pagkakataon sa iisang wizard kung ngayon pa lamang niya ito gagamitin rito.

"That same power turn me into an ordinary person. Maaaring iyan ang unang beses na gagamitin mo iyan sa akin pero ang kapangyarihan mo at kapangyarihan ni Sabria ay iisa lamang hindi ba? At nagamit na ng minsan ni Sabria sa akin ang kapangyarihang iyan kaya naman hindi na uubra sa akin iyan."

Hindi makapaniwalang napatitig na lamang siya rito at napahawak na lamang sa kwintas. Paano nito nalaman ang tungkol sa kapangyarihan ni Sabria? At kung totoo ang sinasabi nito ay paano pa niya ito matatalo?

"I saw it when Sabria put her power in that necklace. Hindi ko alam na pwedi palang gamitin iyon," napapailing pa na sabi nito na para bang may pagsisisi.

Bigla ay napahakbang siya paatras.

"Oh, you're scared now? Dahil ba alam mong wala ka nang maipapanlalaban sa akin? O dahil alam mong wala ng patutunguhan ang laban na ito?" tanong nito sa kanya.

Napayuko na lamang siya.

Ano pa ngang saysay ng kapangyarihang meron siya kung wala rin naman itong kwenta. Kahit gaano pa siya kalakas ngayon at kahit pa sabihing mas malakas siya kay Jullian ay wala na rin naman iyong halaga. Jullian is freaking immortal and if she can't turn him into an ordinary person ay siya lamang din ang mapapagod.

Naramdaman niya ang pamumuo ng kanyang luha nang maalala ang kanyang dahilan kung bakit niya ito nilalabanan ngayon.

It was the lumen wizards that surrounds her. Her friends. Luna, Cald, Ridge and of course, Phoenix. They're the reasons why she's fighting pero ano pang saysay kung isa na pala siyang talunan una pa lamang. Nasayang lamang pala ang pagpunta nila nina Ridge sa nakaraan.

Her tears started to fall pero agad siyang napahinto nang may maramdamang kakaiba. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdaman ang pagsikip noon.

"So it's done," sabi ni Jullian habang nakatingala sa langit.

Napatingin siya rito ng nagtataka habang nakahawak pa rin sa naninikip niyang dibdib. Anong nangyayari sa kanya?

"There's this book in the library of the Dark Castle which came from the library of Glacies Kingdom. Isa iyong libro na nakuha ng ama ko noong masakop nila ang Glacies. And that book tells something about the 7 Shields."

7 Shields? Parang walang nababanggit si Phoenix sa kanyang tungkol doon.

"At first I don't know what's that book for. Dahil ang tanging sinasabi lamang niya, those 7 shields were the one protecting the Ein. The Ein which have an immortal life and that life is protected by the 7 shields.

EnchantedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum