Chapter 13: Katerina A'ris

4.1K 127 3
                                    

Chapter 13

"Welcome, Ein."

Napatras si Tyler nang makita niya sabay-sabay na nagyuko ang mga wizard sa harapan niya upang magbigay galang.

"Ein?" takang tanong niya kay Cald. Ngumisi naman ito sa kanya.

"It means 'the one'. You are the one, Tyler. The one that the prophecy tells us. You are fated to save and protect this world just like how Shanel saved it and how Sabria protected it."

"What the hell?!"

Tumingin siya sa mga wizard. Ngayon ay nakangiti na ang mga ito sa kanya habang may pag-asang makikita sa mga mata ng mga ito.

"Protect from what? Save from what?! As far as I know, matagal ng payapa ang mundong ito. Wala ng dark wizads na maaaring manggulo sa inyo. Wala na ang dark prince at ang mga nabuhay na dark wizards ay ordinaryong tao na lamang!"

Naiinis siya. Naiirita. So ito ang dahilan kaya pinipilit siya nina Phoenix at Cald na dalhin dito?

"Gusto niyo akong manatili na dito."

It's a statement not a question. Base sa mga sinabi nito, iyon ang gustong mangyari ng mga wizard na ito.

"We need you," pahayag ni Cald.

Sinamaa niya ito ng tingin at nagmadaling maglakad papasok sa palasyo upang hanapin si Luna. She didn't expect this. Ang buong akala niya ay kaya siya pinapapunta dito ay dahil nais ng mga ito na ipakita sa kanya ang mundong kinabibilangan niya. Nais ng mga ito na makilala kung sino nga ba talaga siya. She can't stay in this world! Kahit pa ito ang kinabibilangan niya, wala dito ang buhay niya!

Sa kakaikot niya sa palasyo ay hindi niya mahanap si Luna. Napakaraming pasikot-sikot. Lahat din ng mga silid na madadaanan niya ay pinasok na niya pero hindi niya makita si Luna o kahit si Phoenix man lang.

Sa kakahanap niya kina Luna ay napahinto na lamang siya ng makita ang dalawang napakalaking larawan. Hindi na niya alam kung saang parte siya ng palasyo naroroon pero mukhang ito ang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang lahat upang pag-usapan ang mga bagay-bagay.

"On the first picture, that's Jana A'ris with her husbad Clyde Ignis. Sa pangalawang larawan naman, that's Sabria with her mother, Shanel."

Napalingon siya at doon ay nakita niya ang isang wizard na sa tingin niya ay kasing edad niya lamang. Hindi ito isa sa mga wizard na sumalubong sa kanya kanina.

"Ako nga pala si Katerina A'ris."

"A'ris? That's the name of this kingdom," sabi niya rito. Ngumiti lamang ito sa kanya at doon nasagot ang katanungan niya.

"Ikaw ang prinsesa ng kaharian na ito?!" gulat na sabi niya rito. Muli itong ngumiti sa kanya.

"You're wrong."

Napakunot noo naman siya sa sinabi nito. Hindi siya ang prinsesa? Baka naman pinsan siya ng prinsesa? Pamangkin siya ng hari at reyna?

"I'm the queen of this palace."

Napanganga na lamang siya sa sinabi nito. Siya ang queen?! Oh my gad!

"Ang bata mo!" gulat na sabi niya rito. Muli itong ngumiti sa kanya at nilapitan ang malaking larawan na kanina ay tinitignan niya.

"My mother died right after she gave birth to me. And then my father died because of an incedent recently so I have no choice but to take over the throne at an ealy age," paliwanag naman nito habang pinagmamasdan ang larawan sa harapan. Nilapitan niya ito at muling tinignan ang larawan.

Hindi maikakailang anak nga ni Shanel si Sabria. Namana ni Sabria ang kagandahan ng kanyang ina.

"You look like her," sabi ni Katerina kaya naman napatingin siya rito.

"Just like you, she has everything. Power, respect and love. Kahit wala na siya rito, sa oras na mabanggit ang pangalan niya, you can see the adoration in their eyes. Nakakainggit."

Hindi niya akalain na lumalabas ang mga salitang ito sa bibig ng isang reyna. Magsasalita pa sana siya pero hindi niya natuloy ang sasabihin nang may tumawag dito

"Katerina."

Lumingon siya at doon ay nakita niya si Phoenix habang nasa likod nito si Luna. Agad namang lumapit si Luna sa kanya pero nanatiling nakatingin siya kay Phoenix na matamang nakatingin naman kay Katerina.

"Even the love of Phoenix, after so many years, she still have it. Wala na siya rito pero siya pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Phoenix."

Napatingin siya kay Katerina na hindi makapaniwala. So that's it. Kaya ganito na lamang ito makapagsalita, kaya naiingit ito kay Sabria ay dahil may gusto ito kay Phoenix. Hmmmm, hindi niya akalain na uso pala sa mga wizard ang selosan.

"Welcome back, Phoeix."

Napangisi na lamang siya nang lapitan ni Katerina si Phoenix at hinalikan ito sa pisngi pagkatapos ang nginitian. Habang si Phoenix naman ay nanatili lamang walang reaksyon sa ginawa nito.

"What's with that face?" tanong ni Luna sa kanya.

"Wala. Hindi ko akalain na kahit sobrang tanda na ni Phoenix ay ang haba pa rin ng buhok niya."

Tinignan naman siya ni Luna na para bang nababaliw na siya. Ngumiti lamang siya dito pero agad nawala iyon ng maalala ang sugat nito.

"Yung sugat mo!"

"Okay na ako. Napagaling na nila ako."

"I ask a wizard from Terrae Kingdom na pagalingin siya kaya wala kang dapat ipag-alala," sabi ni Phoeix at lumapit sa kanila.

"So you met the queen of this palace and also the other lumen wizards. Maybe we can leave now para makapunta na tayo sa Ignis Kingdom."

"Aalis na kayo agad? You can stay here. Bukas na lamang kayo magtungo sa Ignis," suhestiyon ni Katerina.

"We can't. Kailangan naming magmadali at magtungo sa Glacies. Kaya lamang kami nagpupunta isa-isa sa mga kaharian ay upang makakuha ng mga wizard na magtuturo kay Tyler."

"Magturo saan?" takang tanong niya.

"Nang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa apat na kaharian. Kailangan mong maging handa," sasagot pa sana siya pero nagsimula na itong maglakad palayo sa kanila. Maging handa saan?

"Pwedi akong maging isa sa mga iyon."

Napahinto si Phoenix at nilingon si Katerina na parang nababaliw na ito.

"You are the queen of this palace. Hindi ka pweding umalis dito at iwan nalang basta-basta ang mga tungkulin at responsibilidad mo," naiiritang sabi ni Phoenix.

"I can ask Jade to take over. Besides, mas marami itong nalalaman sa larangan ng pamumuno kesa sa akin."

Nakita ni Tyler ang pagtutol sa mga mata ni Phoenix, kahit siya sa sarili niya ay tutol ito sa sinabi ni Katerina. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya ito gusto. Nararamdaman niya na hindi magiging maganda ang pananatili niya rito pansamantala kung kasama nila ito. Pero wala siyang nagawa dahil pumayag si Phoenix.

"Alam ko naman na kahit hindi ako pumayag ay sasama ka pa rin," sabi ni Phoenix.

"Natahimik ka? Nagseselos ka no?" sabi ni Luna na nakapagpalingon sa kanya.

"Nababaliw ka na ba?!" malakas na sigaw niya. kaya naman napatingin sina Phoenix sa direksyon nila.

"Huwag ka masyadong defensive. Napaghahalataan ka tuloy."

Naiikot na lamang niya ang mata niya at sinundan nalang sila Phoeix na ngayon ay paalis na.

Bakit naman siya magseselos? Hindi niya lang feel si Katerina kaya ganon!

--

EnchantedWhere stories live. Discover now