Chapter 33: The Impostor

2.6K 59 2
                                    

Chapter 33

"Where are they?" iyon agad ang katanungan ni Tyler nang magising at nakitang nakabalik na sila sa Magus World. Kasama rin nila si Jared bilang bihag nila at tanging makakapagturo kung nasaan sina Phoenix at Ridge.

"Where are they, Jared?!" nauubos ng pasensya nito. Pagbukas pa lamang ng mga mata niya ay si Phoenix at Ridge na agad ang pumasok sa isipan niya. They should hurry up dahil habang tumatagal na nasa kamay ang mga ito ng mga duellum at dark wizards ay siguradong mas manganganib pa sila.

"I don't know. Phoenix might be with Jullian but the other guy, I don't know," sabi nito sa nahihirapang boses habang nasa may tagiliran ang kamay kung saan umaagos ang dugo nito.

Kahit pa ayaw niyang masaktan ang itinuring niyang kaibigan ay walang nagawa sina Cald nang maglaban ito sa kanila. Cald stab Jared while Dean put some kind of seed inside Jared's body at unti-unti na iyong tumutubo at winawasak ang loob ng katawan ni Jared. In no time, it will kill him at tanging si Dean lamang ang makakapigil noon kaya wala itong magagawa kundi sagutin ang lahat ng katanungan nila.

"Then where can we find Phoenix?!" sigaw niya rito.

Nagngingitngit ang kalooban niya sa sobrang galit na nararamdaman. Kung magkahiwalay sina Phoenix at Ridge ay siguradong mahihirapan silang iligtas ang dalawa. They need to split up pero hindi niya kayang malayo sa mga kasamahan niya. Hindi dahil natatakot siyang mag-isa kundi dahil natatakot siya para sa mga ito.

Hindi na niya kakayanin kung maging sina Cald at Dean ay makuha ng mga ito. Gahibla na lamang ang natitira sa pasensya niya at hindi niya na alam kung paano pa pigilan ang galit na nararamdaman dahil iyon ang habilin ni Sabria sa kanya. Hindi siya pweding magpalamon sa galit niya. Hindi niya pweding hayaang ang emotion niya mismo ang kumontrol sa kaniya.

"Sa Dark Castle. I can take you there. But, please!" pakiusap nito na ang tinutukay ay ang sugat.

Tinignan niya si Dean at sinenyasan kaya naman agad na kumilos si Dean upang bawasan ang sakit na nararamdaman ni Jared pero hindi ibig sabihin noon ay wala na ang binhing itinanim ni Dean sa kanya. Pinahaba lamang ni Dean ang buhay nito kaya naman wala pa ring magawa si Jared kungdi ang maging sunud-sunuran sa kanila.

Gamit ang tatlong thestral ay naglakbay sila partungo sa Dark Castle na sinasabi nito. Matatagpuan iyon sa pagitan lamang ng Glacies Kingdom at Ignis Kingdom kaya naman agad silang nakarating doon.

Sumalubong ang dalawang kawal sa kanila kaya naman mabilis na kumilos sina Cald at Dean upang patulugin ang mga ito. Ang sunod nilang ginawa ay isinuot nina Cald at Dean ang kasuotang suot ng dalawang kawal kanina.

"We also need to find Ridge. Maaaring narito lamang siya sa loob ng palasyong ito," sabi niya sa dalawa at agad namang sumang-ayon.

"No, Dean," pigil niya kay Dean nang akmang sasama ito sakanya. "Sumama ka kay Cald. Kayong dalawa ang maghanap kay Ridge at isama niyo na rin ito. Tell me where he is," tanong niya muli kay Jared.

"He's on the tower. Sa kanag bahagi ng palasyo kung saan nakadirekta ang sikat ng buwan," sabi nito at akmang aalis na siya ng pigilan siya ng dalawa.

"Please let me come," pakiusap ni Dean sakanya at mababakas din sa mga mata nito at ni Cald ang pag-aalala.

"Mahina ka pa, Tyler. Hindi pa bumabalik ang dating lakas mo dahil hindi naman naalis lahat ng mga taga Terrae ang lason na ipinasok nila sa katawan mo," nag-aalalang sabi ni Cald pero umiling lamang siya.

"Trust me. Makakaalis tayo nang ligtas rito kasama ang dalawa. And I think my power is already enough to protect Phoenix and I. You only need to trust me. Please," pakiusap niya kaya naman wala ng nagawa pa ang dalawa kundi ang umalis at iwan siya upang hanapin din si Ridge.

EnchantedWhere stories live. Discover now