Chapter 6: Meeting

5.2K 146 9
                                    

Chapter 6
'Kung meron man akong labis na nasaktan habang nabubuhay ako sa Magus World, si Phoenix iyon. Minahal ko siya pero hindi ko akalain mas mamahalin ko si Diel at ang masakit ay si Phoenix pa ang unang nakaalam noon.

Kaya sa aking descendant na sinasabi ng propesiya, hanapin mo si Phoenix. Nais kong malaman kung nasa mabuting kalagayan ba siya o kung nakita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng tunay.

Siya ang nais kong magturo sa mga bagay na kailangang matutunan ng babae sa propesiya dahil siya lang ang bukod tanging wizard na pwedi kong pagkatiwalaan dahil lubos ko siyang kilala.'

"Ma, sino si Phoenix Renee?" Tanong ni Tyler sa ina ng matapos niyang basahin ang isang bahagi ng libro na nagsasabi ng tungkol kay Phoenix.

Buong hapon at magdamag niyang pinag-isipan ang sinabi ng kanyang ina. Pinauwi na muna ng kanyang ina ang mga kaibigan niya. Nagpumilit pa ang mga ito na makita siya pero nadahilan na lamang ang kanyang ina na may sakit siya kaya hindi pa rin siya makakapasok.

Naisip niya na para na siyang baliw dahil naniniwala siya sa kanyang ina. Pero nakahantad na ang katotohanan sa harap niya. Nasa kanya na lamang kung maniniwala siya. Nakaya niya ngang gawing yelo ang lahat ng bagay na mahahawakan niya. Anong explanation ang magagawa niya doon?

Napatigil ang kanyang ina sa paghahanda ng agahan nila. Para itong nagulat sa tanong niya base na rin sa mukha nito ng hinarap siya.

"Paano mo siya nakilala?" tanong ng ina.

"Nabasa ko sa libro ni Sabria. Siya daw ang unang lalaking minahal niya."

Naupo ang kanyang ina sa harap ng hapag kainan at niyaya rin siyang maupo.

"Siya nga ang unang lalaking minahal niya pero si Diel ang nakatuluyan niya."

"Sino rin si Diel? Nabanggit niya rin iyon sa libro," sabi ko sa kanya.

"Si Diel ang kababata niya. Si Phoenix ay katulad niya, namuhay ito sa mundo ng mga tao pero hindi pa alam noon ni Phoenix ang pagkatao niya. Nalaman lang ni Phoenix na isa siyang Nephilim Wizard ng makilala niya si Sabria.

Naging magnobyo sila ni Sabria. Pero ng akala ni Sabria na namatay na si Diel, noon tumindi ang nararamdaman niya para sa kababata. Para bang nagising siya mula sa katotohanan na si Diel pala ang mas mahal niya kesa kay Phoenix.

Sa totoo lang magulo talaga ang nangyari noon. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan si Phoenix at Sabria ay dahil sa nagkahiwalay sila at si Diel ang tanging kasama ni Sabria sa mundong ito. Habang si Phoenix ay naiwan sa Magus World," paliwanag ng ina.

"Parang ayokong magpunta sa Magus World," biglang sabi niya. Napakunot noo naman ang kaniyang ina.

"Bakit naman? Iyon ang mundong kinabibilangan mo."

"Alam ko. Pero simula bata palang ako, hindi nag-eexist ang mundong iyon. Kung hindi lang dahil sa dare ng mga kaibigan ko hindi naman ako pupunta sa mansyon na iyon."

"Oo. Pero hindi mo mababago ang nakatakda. Siguro kung hindi dahil sa dare, hindi ka pupunta doon pero sa ibang pagkakataon, dadalhin at dadalhin ka ng tadhana doon. Hindi ka pa isinisilang, Tyler, nailahad na ng oracle ang propesiya tungkol sa'yo."

Napabuntong hininga si Tyler. Tama naman ang kanyang ina. Kahit anong gawin niya ay hindi niya matatakasan ang itinadhana para sa kanya.

"Bakit kailangan pa nating magtungo sa Magus World? Hindi ba't mas maganda kung nandito nalang tayo? Sabi mo rin, ako lang ang makakapagbukas ng lagusan patungo doon. Hindi ba't mas maganda kung manatili nalang iyon na sarado?"

EnchantedWhere stories live. Discover now