Chapter 17: Power of Healing

3.5K 102 5
                                    

Chapter 17

"Dean!" sigaw ni Leila nang makita ang anak na akmang susugod din.

"Stay here, Dean!"

Pero hindi siya pinakinggan ng anak. Tumuloy lamang ito sa pagsugod at sinamahan sina Phoenix.

"Here," sabi ni Leila at ibinigay sa kanya ang hawak na maskara. Gawa iyon sa mga dahon-dahon at hindi niya maintindihan kung paano nila ginawa iyon.

"Anong gagawin ko dito?" tanong niya kay Leila pero pagbaling niya dito ay wala na ito. Marahil ay sinundan din ang anak.

Napabuntong hininga na lamang siya at walang nagawa. Isinuot niya ang maskara upang makita ang mga nangyayari at nagulat na lamang siya. Pakiramdam niya ay naroon siya mismo sa lugar na iyon.

"Phoenix," tawag niya pero hindi naman siya nito narinig. Bihasang-bihasang nakikipaglaban ito gamit ang isang katana habang si Cald naman ay gamit ang isang katana rin ngunit gawa ito sa yelo. Naroon rin si Ridge na may hawak na dalawang maliit na katana na nag-aalab sa apoy.

Laking gulat niya nang makita rin Luna na nakikipaglaban. Ginagawa nitong mga yelo ang mga kalaban. Si Dean naman ay bihasa na rin sa paggamit nito ng kanyang kapangyarihan. Nakita niya si Leila na dinaluhan ang anak. Ngayon niya nakikita na totoo ang sinabi ni Cald sa kanya. Leila is really a great fighter. Sumugod na rin ang mga kawal ng Terrae Kingdom upang tulungan ang mga ito.

Inalis niya ang maskara at tinignan ang dalawang paa. Gusto niyang itanong sa sarili kung ano ba ang ginagawa niya roon at nakatayo lamang habang ang mga kasamahan niya ay nakikipaglaban upang protektahan ang palasyong kinatatayuan niya. Ang mundo kung saan siya ngayon naroroon.

Humakbang siya ng isang beses pero huminto rin nang muli siyang hahakbang sa pangalawang beses. Kung pupunta ba siya doon may maitutulong siya? Wala. Kahit siya pa ang descendant ni Sabria ay wala siyang kaalam-alam sa pakikipaglaban kaya naman wala siyang ibang pweding gawin kundi ang tumayo lamang doon at panuorin ang kanyang mga kasamahan na makipaglaban.

Muli niyang isinuot ang maskara at halos mapaupo siya dahil sa panginginig ng tuhod niya nang makita si Luna na halos naliligo na sa sarili niyang dugo. Dinaluhan naman ito ni Cald pero dahil sa sobrang dami ng kalaban nila ay mukhang hindi rin iyon kakayanin ni Cald.

Si Ridge naman ay kasama na si Phoenix na lumalaban. Hindi na nito magamit ang isang kamay dahil sa lalim ng tama sa kanya habang nakaakbay naman sa kanya si Phoenix na hawak-hawak ang tagiliran.

"Oh Gad," naitakip niya ang kamay sa bibig habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Phoenix.

Umaagos ang dugo nito sa kamay na nakahawak sa kanyang tagiliran habang nakapikit na ang isang mata nito dahil sa dugo na umaagos sa kanyang mukha.

Hinanap niya sina Dean at Leila at hindi na niya mapigilan ang mapaupo nang makita ang luhaang mukha ni Dean habang patuloy na lumalaban habang nasa tabi nito ang nakahandusay na si Leila.

Inalis niya ang maskara at nasira iyon dahil sa pagkakakuyom ng mga kamay niya. Muli niyang tinanong ang sarili kung ano ang ginagawa niya roon at kung pupuntahan ba niya ang mga kasamahan niya, may maitutulong ba siya sa mga ito?

Umiling-iling siya at nagsimulang tahakin ang daan patungo sa mga naglalaban na mga wizards. Ang tanging nasa isip lamang niya ay hindi siya tatayo lamang doon at walang gagawin habang ang mga kasamahan niya ay unti-unti ng nanghihina at natatalo. Kuyom ang kamao at mabilis ang kanyang pagtakbo.

"...you need to wake up! Hindi ka isang ordinaryong tao! This is your world. This is where you belong..."

Kung hindi nga siya ordinaryong tao, please, let her power be awaken dahil kailangan niya iyon ngayon.

EnchantedWhere stories live. Discover now