Chapter 23: Untold

3.1K 79 0
                                    


This chapter is entitled, untold because there's a part on this chapter na hindi naipakita sa Awakening of Darkness. Enjoy reading :)

Chapter 23

"Ready?" tanong ni Ridge kay Tyler pero imbes na sagutin ang tanong nito ay napatingin na lamang siya kay Phoenix.

He has a passive look on his face. Hindi rin niya mabasa ang nararadaman nito at parang kalmado lamang ito samantalang siya, kinakabahan siya para dito. After so many years, literally many dahil ilang libong taon na ang nakalipas, makikita na muli nito ang babaeng una nitong minahal. Ang babaeng nagturo sa rito kung paano magmahal at kung paanong masaktan.

Hinawakan ni Ridge ang kamay nya at hinawakan naman nito si Phoenix sa balikat. Ipinikit niya ang mga mata niya nang makitang ipinikit din nina Ridge at Phoenix ang mga mata ng mga ito.

"Eamus ad locum ubi totus coepi"

Napasinghap na lamang siya nang maramdaman ang sarili na lumulutang pero nanatiling mariin na nakapikit ang kanyang mga mata. Humigpit rin ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalawa nang bumilis ang paglipad nila at nakarinig na lamang siya ng sigawan.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at doon ay nakita niya ang babaeng nakikita niya lamang noon sa mga portrait sa palasyo ng Glacies. Si Shana Angelica Glacies-Gallens, ang ina ni Sabria.

Nakita niya ang pagtulo ng dugo mula sa binti nito habang nakahandusay ito sa sahig at namamalipit sa sakit.

"Mommy!" napalingon siya sa sumigaw at doon ay nakita niya si Sabria. Tumutulo ang luha nito habang nakatingin sa kanyang ina. Ibinaling nito ang tingin sa isang lalaki doon na nakatayo lamang habang may ngisi sa mga labi.

"YOU'LL PAY FOR THIS!" galit na galit na sigaw nito at nakita na lamang niya kung paano naging kulay asul muna ang mga mata nito bago naging purong puti.

Nabaling ang atensyon niya nang makita si Phoenix na kinuha ang ina ni Sab. Nawala ang mga ito pero mabilis ding nakabalik si Phoenix pero hindi na niya kasama ang ina ni Sab. Kinuha rin nito ang iba pang mga wizards na naroon at bigla na lamang nawala hanggang sa si Sab na lamang ang naroon at wala na rin ang Dark Prince.

"How did you do that?" tanong niya kay Phoenix na katabi lamang at tumingin sa kanya.

Ngayon ay nakikita niya ang Phoenix na kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala. Kumpara sa Phoenix ngayon, nakikita niya ang buhay sa mga mata ng Phoenix na nakatingin kay Sab ngayon. Nakikita niya ang emosyon ng mga ito at iyon ay ang pag-aalala para rito.

"Those were Princess Shanel's family and friends. I have the power to psychokinesis. I could move objects without using my hands but through my mind and also to teleport. Dinala ko sila noon sa ligtas na lugar."

Pinanood lamang niya ang mga sumunod na nangyari.

"This scenes seems familiar," sabi niya kaya naman napatingin ang dalawa sa kanya.

"It could be one of your dreams," sabi ni Ridge at noon lamang niya naalala na tama ito. Napaniginipan na niya ang pangyayaring ito. Alam na niya ang susunod na mangyayari kaya naman inaya na niya ang mga ito na umalis.

"When did Sabria figure out about her special power?" tanong ni Ridge kay Phoenix na kasabay lamang nilang naglalakad.

"I don't know. Nakuha ako noon ng mga dark wizards at pagbalik ko ay nasa kanya na ang kapangyarihan na iyon."

"Then maybe we should go back to when you were captured," suhestiyon niya na sinang-ayunan naman ng dalawa.

*

EnchantedWhere stories live. Discover now