Chapter 21: Oracle

3.3K 84 4
                                    

Short update only

Chapter 21
"Bakit?" tanong ni Phoenix kay Tyler. Marahil napansin nito na kanina pa siya nakatitig rito kaya naman nag-iwas na lamang siya ng tingin at umiling bilang sagot sa tanong niya.

Muli siyang napatingin rito nang maramdaman niya itong tumayo na.

"Aalis ka na?" tanong niya rito pero hindi naman siya sinagot ni Phoenix at nagsimula na itong maglakad papunta sa pinanggalingan niya kanina.

Susundan na sana niya ito pero nagtaka siya nang bigla na lamang nag-iba ang paligid. Napatingin siya sa taas at nakita ang kulay asul na buwan. Si Phoenix naman ay napahinto rin sa pag-alis at napatingin rin sa kulay asul na buwan.

"Anong nangyayari?" tanong niya kay Phoenix.

"It's the oracle," sabi ni Phoenix at pagkasabi nito noon ay bigla na lamang gumalaw ang tubig sa lawa hanggang sa lumabas ang isang kulay asul na dragon.

Dahil na rin sa gulat at takot ay nanlalambot na muling napaupo si Tyler kaya naman nilapitan siya ni Phoenix upang itayo at hinawakan sa bewang upang makatayo ng maayos.

"Oracle Lympha," tawag ni Phoenix rito kaya napatingin ang dragon na iyon kay Phoenix at tinanguan ito.

"Kinagagalak kong makilala ka, Tyler," sabi nito sa kanya na muli nanaman niyang ikinagulat dahil nakakapagsalita pala ito.

"Bakit ka nagpakita, Lympha? May bago nanaman bang propesiya?" tanong ni Phoenix.

Nasabi ni Phoenix sa kanya ang tungkol sa oracle noon nang itanong niya rito kung paano nito nalaman ang mga nagaganap sa kanilang mundo noong mga panahong sarado pa ang lagusan. Nakatitig lamang siya kulay na asul na dragon at hindi makapaniwala na nasa harapan siya mismo ng isang oracle na dati ay sa mga librong pambata lamang niya nababasa.

"Narito ako upang bigyan kayo ng babala," sabi nito sa kanya. Naramdaman naman ni Tyler ang paghigpit ng hawak ni Phoenix sa bewang niya.

"Two men
One will make your heart beat but the other would turn it into stone cold
One will make you happy but the other would make you feel pain
One will make you feel alive but the other would kill you in agony

Sa bawat pagkabuo ay siya ring pagkawasak
Sa bawat saya ay siya ring pagdating ng unos
At sa bawat pagguhit ng ngiti sa mga labi ay siyang pagpatak ng mga luha."

Napakunot ang noo ni Tyler dahil wala siyang maintindihan ni isa sa mga sinabi ng oracle.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Tyler.

"You should choose wisely, Tyler because this world is at risk in every decision you make."

Pagkasabi nito noon ay bigla na lamang itong naging tubig at bumagsak sa lawa dahilan para mabasa silang dalawa ni Phoenix.

Huminga ng malalim si Tyler at sunod-sunod na atake ang ginawa niya kay Phoenix gamit ang katana niya pero tanging pagsangga lamang at pag-ilag ang ginagawa niyo. Nang muling magtama ang katana nila ay bigla na lamang naging yelo ang katana ni Phoenix kaya naman napangisi siya.

Dalawang buwan matapos niyang makita ang Oracle Lympha ay sumuko na siya sa pag-intindi sa sinabi nito. Nang sabihin niya kay Luna ang tungkol doon, sinabi lamang nito na may darating na dalawang lalaki sa buhay niya at magka-iba ang magiging epekto noon. Ang hindi maintindihan ni Luna ay ang pangalawang sinabi ng oracle.

Sa nakalipas rin na dalawang buwan ay nagawa na niyang pag-aralan ang apat na elemento pero tanging tubig pa lamang ang bihasa siyang gamitin. Maging ang Elemental World ay hindi pa nagbubukas para sa kanya dahil ang sabi rin ni Phoenix ay hindi pa siya handa.

EnchantedWhere stories live. Discover now