Chapter 29: The Plan

2.8K 73 2
                                    

Chapter 29

Mabilis na pinunasan ni Tyler ang luhang naglandas sa kanyang pisngi habang pinapanuod si Phoenix na halos mamalipit sa sakit dahil sa sugat nito na kasalukuyang pinapagaaling ni Dean.

Pulang-pula na ang mukha nito at pawis na pawis. Lumapit siya rito at sinubukang hawakan ang kamay ni Phoenix pero iniiwas nito iyon.

"No, Tyler! I know what you're thinking!" galit na sabi nito sa kanya bago muling napaigik sa sakit.

"Pero nahihirapan ka na!" sabi niya rito pero umiling lamang si Phoenix sa kanya.

She was actually thinking of holding his hand para makuha niya kahit man lang ang kalahati ng sakit na nararamdaman nito pero mukhang alam ni Phoenix ang iniisip niya kaya naman pinigilan siya nito.

"It's better this way. Kesa naman ikaw ang masaktan," sabi pa ni Phoenix sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin dito dahil hindi niya kinakaya ang mga tingin ni Phoenix sa kanya. Nang muling mapasigaw si Phoenix ay pinili na lamang niya na umalis sa silid na iyon.

Nakabalik nga sila ng ligtas pero masama naman ang kalagayan ni Phoenix. Jullian really let them go. Hindi magamit ni Phoenix ang kapangyarihan niya noon dahil sa panghihina nito kaya naman napilitan silang tumawag ng thestral.

Akala nila ay may mga duellum o dark wizards na haharang sa kanila dahil paniguradong makukuha nila ang atensyon ng mga ito. But no one. No one tried to stop them or even attack them kahit pa nakita sila ng mga ito.

"So you're his mate?"

Nagulat pa si Tyler nang may magsalita mula sa kanyang likuran. Paglingon niya si Ridge lang pala.

"That's what he said," sagot niya rito at napabuntong hininga.

Kahit naman ipinaliwanag na sa kanya ni Phoenix ang sinasabi nitong 'mate' ay hindi niya magawang matuwa. Maybe this is what Sabria told her before. That they were meant for each other. But she doesn't understand herself. She should be happy right? They're meant for each other! The man that she loves is the man that is meant for her. Her other half.

"Then you should be happy. You love him, right?"

'Please say, no'

Napakunot ang noo niya nang mabasa niya ang isipan ni Ridge. Nang makita ni Ridge ang reaksyon niya ay agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Now I'm starting to hate that power of yours," sabi nito sa kanya at pinili na lamang tumabi at tumingin sa malayo. Iniiwasan nito ang mapatingin sa mga mata niya.

"Ridge," tawag niya rito.

"It's been a long time since Agatha died. I can't believe that I can would be like this again. That I would feel love again," sabi pa nito kaya naman napayuko lamang siya.

"I'm sorry," iyon lang ang tangi niyang nasabi. Kahit hindi diretsong sabihin ni Ridge sa kanya, alam niya kung anong nararamdaman nito. She can read his mind and feel the beating of his heart.

"You don't have to be sorry. What's important is that you're here, beside me even if I was just your friend. You're still here."

She can feel his pain kaya naman lumapit pa siya rito at niyakap ito.

"You should be happy because he is meant for you. And I should be the one sulking here and not you," natatawang biro pa nito sa kanya bago ito humiwalay sa yakap niya.

"Yes I should be happy pero hindi ko maiwasang mapaisip. Paano kung hindi ako ang mate niya? Ibig sabihin mananatili lang ako bilang descendant ni Sabria na kailangan niyang turuan para mailigtas ang mundong ito? I'll just remain as his apprentice."

EnchantedWhere stories live. Discover now