Chapter 39: The Last Card

2.5K 66 4
                                    

Chapter 39

Pagod na siya. Iyon lamang ang tanging nasa isipan ni Tyler pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili. It's like something inside her opened at mula doon ay walang tigil sa paglabas ang kanyang kapangyarihan. She wanted to stop pero hindi niya magawa.

The thought of Ridge being gone, hindi iyon mawala sa isip niya. She promised to herself na gagawin niya ang kanyang makakaya upang wala na ni isa sa mga kaibigan niya ang kailangan na magsakripisyo ng buhay para lamang sa mundong ito at sa kanya. Agatha and Leila were already enough pero hindi niya napigilan iyon.

Ridge is gone. And that mere thought is enough to awaken the beast inside her. Her power.

Nahagip ng mata ni Tyler si Jullian na nakangisi lamang sa kanya kaya naman ito na ang pinuntirya niyang sugurin. She just keeps on attacking him not minding kung sino ang madamay. Sa lakas ng kapangyarihan na pinapakawalan niya, sino mang tamaan noon ay hindi na makakatayo pa. But not Jullian.

He is a damn immortal na kahit ilang beses itong tamaan ay muli lamang itong makakatayo.

Then she let out a very powerful ball of fire na may kasama pang kidlat pero madali lamang iyon naiwasan ni Jullian at tumama iyon sa direksyon kung nasaan ang mga dark, duellum at lumen wizards. But she doesn't care anymore.

"Tyler!" narinig niyang pagtawag sa pangalan niya pero hindi niya iyon nilingon at nagpatuloy lamang sa pag-atake kay Jullian.

With all her strength and power she moved the land their stepping on. Nagkabiyak-biyak ang lupa at mula sa kinatatayuan ni Jullian ay nahati iyon sa gitna at nagtuloy-tuloy. She was expecting Jullian to fall from there pero nagawa nitong umiwas. Instead, few wizards from afar fell from that move she did.

"Tyler, stop!" narinig nanaman niya ang tinig na iyon mula sa kung saan pero muli ay hindi niya pinansin.

Akmang susugod siya palapit sa kinaroroonan ni Jullian pero may dalawang braso na pumalibot sa katawan niya at niyakap siya ng mahigpit.

"You need to stop, baby. Ridge won't like whatever you're doing. Calm down," bulong nito sa tenga niya.

Imbes na kumalma ay bumilis lamang ang tibok ng puso niya dahil sa boses nito at sa yakap na binibigay nito. And she doesn't know what's happening pero unti-unting nawawala ang sakit na kanyang nararamdaman sa dibdib. It's like someone is lifting the weight that she is carrying.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang buhok at parang doon na siya nakabalik sa reyalidad.

"Phoenix," she called the man who's holding her tightly. "Wala na si Ridge," naiiyak pang sabi niya rito.

"I know. But she told me that he will always be by your side forever. Just like how Diel stayed beside Sabria until her last breath."

Napakunot ang noo niya dahil hindi nito maintindihan ang sinabi nito pero agad siyang napahawak sa kwintas na suot nang maalalang doon nanggaling si Diel kanina.

"Maglalambingan nalang ba kayo?"

Humiwalay na si Phoenix sa pagkakayakap sa kanya at hinarap na rin si Jullian na inip na inip na nakatingin sa kanila. Muli ay napahawak si Tyler sa kwintas at napangiti sa kaalamang naroon lamang si Ridge at poprotektahan siya.

"Let's end this war, Jullian," sabi ni Phoenix.

"Oh, I'd love to," sagot ni Jullian at sinugod na lamang basta si Phoenix.

"Remember Ridge's plan?" tanong ni Phoenix sa kanya at sinangga ang atake ni Jullian. Akmang tatamaan si Phoenix pero mabilis na siyang sumali sa laban at inatake si Jullian. "Do it, Tyler. It's our last card."

EnchantedWhere stories live. Discover now