Chapter 16: Leila

3.6K 95 1
                                    

Chapter 16

Nakatitig lamang siya kay Phoenix na kinakausap nanaman ni Katerina. Nasa paglalakbay sila patungong Terrae Kingdom, ang huling palasyon pupuntahan nila bago ang Galcies Kingdom kung saan ay doon na siya magsisimulang mag-ensayo at pag-aralan ang kapangyarihan niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Ridge. Nag-iwan lamang iyon ng isang malaking katanungan sa isip niya.

Who's Leila? How did he lose her? What happened?

Andami niyang katanungan na tanging si Phoenix lamang ang makakasagot pero ni isa sa mga iyon ay hindi niya maitanong dito.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Luna nang tumabi ito sa kanya. Sa ilang linggo na nanatili sila sa Magus World ay humupa na ang galit niya sa mga kaibigan.

Tinignan niya si Phoenix at sinundan naman ni Luna ang tingin nito kaya naman alam na nito ang sagot sa katanungan.

"Kilala mo ba si Leila?"tanong niya kay Luna. Napakunot naman ang noo ni Luna.

"Pamilyar ang pangalan niya. Bakit?"

Hindi niya ito sinagot pero napabaling ang tingin niya kay Cald nang magsalita ito.

"Leila is a great fighter. She's actually the daughter of the general of Terrae Kingdom. Isa rin siya noon sa mga lumaban sa mga Duellum Wizard sa Ignis Kingdom upang mabawi ito. Paano mo siya nakilala?" tanong ni Cald sa kanya.

Muli niyang tinignan si Phoenix pero mukhang hindi nito naririnig ang pinag-uusapan nila dahil mahina lamang ang boses ni Cald.

"She's the one Phoenix fell inlove with after Sabria, right?" tanong niya kay Cald. Bakas sa mukha nito ang gulat na parang hindi nito inaasahan na alam niya ang tungkol dito.

"Yes. But like Sabria, he lose her. Since she was the general's daughter, she was destined to marry the prince of Terrae. Phoenix and Leila loved each other but Leila doesn't have the will to fight with Phoenix. Mas nanaig ang pagmamahal niya sa pamilya niya kaya naman sinunod nito ang kagustuhan ng kanyang ama. They got married and now, you are about to meet her and her son."

Napanganga siya. May sasabihin pa sana siya pero hindi iyon natuloy dahil huminto na ang kanilang sinasakyan at natanaw nila ang isang napakalaking gate. Sa sobrang taas ng gate na ito ay halos hindi na nila makita kung ano ang nasa likod niyon.

Bumama si Cald at lumapit doon at kusa na lamang nagbukas ang napakalaking pintuan ng gate na iyon.

Tumambad sa harapan nila ang isang kastilyo na napakaganda. Samut-saring paru-paro ang nagliliparan sa iba't ibang uri ng mga bulaklak.

"Ein," may isang babae ang sumalubong sa kanila.

Kahit may edad na ito ay mahahalata mong napakaganda nito. Sumunod sa kanya ang isang lalaki na siguro ay nasa edad lamang na fifteen.

"Queen Leila," nakangiting bati ni Cald dito at hinalikan siya sa pisngi habang ginulo naman niya ang buhok noong lalaki.

So this is Leila and that must be her son.

"Welcome to Terrae Kingdom, Ein. This is my son, Dean," pakilala niya sa lalaki pero nanatili lamang itong tahimik at nakatingin sa kanyang katabi na si Phoenix.

Bumaling siya kay Phoenix at nakita niyang nakatingin din ito kay Dean. Para bang may silent war na nagaganap sa pagitan ng mga tingin nila sa isa't isa.

"Si King Will ay namatay nag sumama itong makipaglaban din ito sa mga Duellum Wizard nang sumugod naman ang mga ito dito sa Terrae. Sa kasamaang palad ay kasalukuyan noong nagbubuntis si Leila sa anak nila na si Dean nang mamatay ito," bulong ni Ridge sa kanya mula sa likod.

EnchantedWhere stories live. Discover now