Chapter 28: Trap

2.8K 70 1
                                    

Chapter 28

Still no sign from Tyler and Phoenix kung nahanap na ng mga ito ang kanila na tinutukoy ni Cald at si Luna kaya naman nagpatuloy lamang sila sa paghahanap.

"What the hell happened? How did they got her?" tanong ni Ridge kay Cald habang patungo sila sa may east wing. They need to find that f*cking candle dahil nanggagalaiti na siyang manakit ng mga pesteng duellum at dark wizards na iyon.

Ridge is worried that history might repeat itself. Katulad noon ay nasakop nanaman ang Glacies Kingdom kaya naman hindi niya maiwasang mag-alala para sa tatlong kaharian pang natitira.

"It all happened so fast. I'm with Senna while Luna is with Katerina and Dean. Abala kami sa pag-eensayo noon nang bigla na lamang pumasok ang napakaraming duellum wizards at iilang wizards sa training area ng Glacies. We fought with all our might but they were so powerful at idagdag pa na napakarami nila. We were busy fighting kaya naman hindi na namin naalala pa si Luna. We forgot that her power is so limited."

Napailing na lamang si Ridge habang inililibot ang tingin sa isang kwartong iyon.

"It's like they knew we're not there and they find it a great time para lusubin kayo kung kailan hindi tayo buo at wala sa isip niya na lulusubin niyo sila," nasabi na lamang niya dahilan para mapahinto si Cald.

Nilingon niya ito at nakitang nakakunot ang noo habang nakatingin sa isang kandila na nakasindi sa may itaas ng isang grand piano roon. Kung hindi siya nagkakamali, si Senna ang madalas na tumugtog sa grand piano na iyon.

"Ito na ba iyon?" tanong ni Ridge kay Cald pero hindi naman ito kumibo at nanatili lamang nakatayo roon.

Hinipan ni Ridge ang kandila sa pagbabakasakaling mamamatay ang apoy nito pero hindi iyon nangyari. Kinuha niya ang nakatagong maliit na bote sa bulsa kung saan naroon ang tubig na nagmula sa Cueva del Agua at pinatay ang apoy ng kandila gamit iyon.

"It's done. Let's go and find Luna," pag-aya niya kay Cald pero hindi ito kumibo. "Cald?" tawag niya pa rito.

"Siguro nga alam nila na wala kayo noong mga oras na iyon sa palasyo. Siguro alam nga nila na abala kami noon sa pag-eensayo kaya naging madali ang paglusob nila. Just like what happened thousand years ago, kung paano madaling nasakop ng mga dark wizards ang Glacies," sabi ni Cald.

Noong una ay hindi maintindihan ni Ridge kung ano ang ibig sabihin ni Cald hanggang sa unti-unting naging malinaw sa kanya kung ano ang gusto nitong sabihin. Parang kanina lang nag-aalala siya na baka maulit nanaman ang dati pero heto na nga at nagsisimula nang maulit.

"Do you think it's Luna?" tanong niya rito pero umiling lamang ito.

"I don't know. But I don't feel good about this. We need to hurry up and find her kung hindi man siya ang may pakana nito," sabi lamang ni Cald at lumabas na ng silid.

Nagsimula na muli silang maghanap sa iba't ibang silid bahaging iyon ng palasyo. Kapag may nakakasalubong silang duellum okaya naman ay dark wizard ay si Cald na mismo ang umaatake rito.

The Glacies Kingdom is made of crystals. Not just an ordinary crystals but those crystals which are made out of water kaya naman madali para kay Cald na gawing yelo ang mga ito. Wasakin at gawing parte ng kaharian upang hindi na nila makita ang mga ito.

Naikot na nila ang buong east wing hanggang sa mapadpad na sila sa tore ng palasyo.

"There's actually nothing in here but the large bell of Glacies Kingdom. Ginagamit iyon kapag may pagtitipon. Pinatutunog rin iyon pagpatak ng alas dose ng hatinggabi. Tanda ng pagtatapos nag isang araw at simula nanaman ng panibago."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon